Kabanata 13: Take

Start from the beginning
                                    

Ngumiti lang ako sa kanya. Nakatingin rin siya sa salamin.


"I bet may boyfriend ka na. Ngayon ka lang nag ayos ng ganyan."


Umirap ako at inilagay sa bulsa ng jacket ang lipstick. "Oh! Ngayon mo lang siguro napansin na nag aayos ako. At never ako mag bo-boyfriend, Natalia."


Hindi ko alam bakit lagi niya akong pinipilit na may boyfriend . . . Kahit namang wala. Bakit hindi naman siya mag hanap kesa sa kulitin ako na mag hanap.


"Bakit kasi ayaw mo mag boyfriend? Natandaan ko pa kung ilang lalaki tinanggihan mo!" Humalakhak siya.


"I told you. Wala talaga ako hilig at kahit anong bagay pa iabot sakin."


"Paano kung niligawan ka ni Craigan? Tama ba, Craigan?" Parang kinikiliti siya nang bininggit niya ang pangalan na iyon. Ngumiti siya at inaantay ang magiging sagot ko.


"Tatanggihan! Simple!"


"What? Ang tangos ng ilong non! Mapula ang labi, parang kissable lips?" Hinawakan niya ang kanyang bibig na parang gusto sumigaw at tumalos ng isang beses.

Naalala ko ang mapulang labi ni Craigan lalo na't ang tangos ng kanyang ilong, pero iyong v-lines! Shit!

Umirap ako at umiling sa kanya.

"And so?"

"Ang hot siya kaya! Ang swerte ng mga naging babae non." Ngumisi siya at tumingala parang may iniisip na malalim.


Pinilig ko ang aking ulo. Kung nakita niya lang ang ginagawa ni Craigan, at sa sinasabi niyang swerte. Ewan ko nalang kung hindi niya lunukin ang lahat ng kanyang sinabi.


"Papasok na ako sa trabaho!" Sabi ko at kinuha ang shoulder bag, isinabit sa balikat.


"Good luck!" Aniya bago ako lumabas ng kwarto.


Wala si Tita Nira sa sala nang bumaba ako. Hindi ko alam na sumunod si Natalia sa paglabas ko. Siya na mismo nag sara ng pinto bago dumiretso sa labas.


Nakita ko ang tapat ng Coffeehouse. May iilang tao na nandoon. Nakikita ko dahil sa malaking salamin na pumapagita sa pinto. Dumiretso ako sa loob at nag tungo kaagad tapat sa counter.



"Leanna!" Bungad ni Megan nang nakita aako. Dumiretso muna siya sa isang lamesa, inilapag ang tray at inilagay sa harapan ng costumer ang kape at pancake. Dumiretso siya sakin dala ang tray.


"Tamang tama lang yung punta mo." aniya. Inangat niya ang kahoy nag sisilbing pinto at hinigit niya ako papasok sa loob ng counter.


Nakita ko roon ang iilang espresso machine. Kung saan nangggaling ang mga kape'ng inoorder ng costumer. Sa totoo lang ngayon ko lamang iyon nakita. Kinabahan ako dahil wala ako alam kung paano gamitin ang bagay na iyon.


"Ako yung magtuturo sayo kung paano gamitin ang espresso machine, paano linisin, paano kumuha at paano mag punas sa mesa. Madali lang naman 'to." Ngiti siya at lumapit siya sa espresso machine.


Napalunok ako nang nakita iyon. Isang silver espresso machine. May coffee cup sa tabi nito. Ang akala ko ay sachets lang kagaya ng madalas ginagawa ko. Pero iba 'to, iba ang paggawa ng kape, iba kung pano gawin.


Pinasubukan niya rin ako kung paano gawin, paano kumuha ng kape. Kinakabahan ako habang ginagawa iyon. Pinipilit kalmahin ang nanginginig na palad. Shit! Ang akala ko ay taga punas lamang ako ng mesa ngunit gagawa rin pala ako ng ganito.


The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now