Kabanata 3: Sorry

Start from the beginning
                                    

"Your boyfriend hurts you?" Nalaglag ang panga ko dahil sa tanong niya.

Kahit isang beses ay hindi pa ako nag bo-boyfriend!

Kapag sinabi ko ang rason kung bakit ako umiyak baka mas lalo niya akong pagtawanan. Bumaling ako sa kanya, nahuli ko ang pag igting ng kanyang panga at nakatingin na ngayon sa desk ko.

"Hindi ako umiyak." Sabi ko at nakita sa likod niya ang pagpasok na susunod naming guro. Umayos siya sa pagupo, ang kaninang nakaharap sa kanan ay humarap na sa gitna.

Nakasuot parin siya ng salamin. Inilapag niya ang kanyang libro sa harapan. Oh! Dapat sa likod pala ako umupo kasi wala akong libro! Bahala na!

Lalaki ang guro namin sa ngayong subject. Lahat kami ay pinakilala sa harap dahil yung iba sa amin ay hindi niya pa siguro kilala. Napansin ko ang guro namin ngayon ay hindi masungit, sana nga tama ang hinala ko. Hindi kagaya ng isa, grabe kung magalit. Halos parang paliparin ako paalis sa kanyang harapan.

Lahat sila ay pinalabas ng libro, ang tangi ko nailabas ay notebook. Hindi ko alam kung paano ko magagamit dito ngayon ang notebook ang tanging meron ako.

"Lean." Tawag sa akin ng guro naming lalaki.

"Leanna po, sir. Bakit po?"

"Leanna. Nasaan yung, "Ngumuso siya sa desk ko. "Libro mo?" Natigilan ako at parang nawalan ng hininga. Bumaling ako kay Craigan at tumango siya. Hindi ko alam kung bakit.

"Hiniram ko po muna, naiwan ko kasi ang libro ko." Singit ni Craigan at ang kanyang libro sa harapan ay inilipat sa desk ko.

"Masyadong nagmamadali, naiwan na ang libro." Ngumisi lamang si Sir at bumalik sa desk niya.

Paano kung hindi ako pinalabas kanina ng babae kong guro sa unang subject ngayong araw? Siguro magagalit siya dahil sa unang klase pa lang siya ay wala na kami libro. Kailangan ko na pag ipunan at iyong subject muna ang unang kong bibilhin.

Gusto ko sana tanungin si Craigan kung bakit niya ginawa iyon. Pero pinagisipan kong wag na. Mamaya ay mas matindi pa ito magalit kung mahuli kami nag uusap. Ayaw ko na mapalabas ulit!

Nang tumalikod ang guro naming lalaki at nag simula na magsulat sa whiteboard. Inilapag ko na kaagad ang lnabot na libro ni Craigan kanina sa akin.

Ibinalik ko ang aking mga mata sa harap nang nailapag ko na. Nakita ko ang pagbaling siya akin.

"Diba, naiwan mo yung libro? Ito, pinapahiram kita. Kasi notebook lang meron ka." Inilapag niya muli iyon sa aking desk.

"Hindi na." Bulong ko, kinuha ko muli ang libro sa aking harapan. Umambang iaabot sa kanya ngunit bigla humarap ang guro kaya hindi ko nagawa.

"Open your book," May inilipat siyang pahina sa kanyang desk. "On page twenty-one."

Kahit hindi ko libro, sinunod ko ang sinabi ng guro. Inilipat ko sa pahinang sinabi. Kinuha ko ang notebook, isusulat ang nasa whiteboard.

Kahit nasa dulo ako, nababasa ko ng klaro iyon. Kahit hindi pinapasulat ay isinulat ko na, dahil wala akong libro. Importante rin naman ang nakasulat doon. Habang sumusulat ay sumusulyap ako sa guro na nag sasalita.

Nakikinig pa din ako kahit papano. Yumuko ako para tingnan ang libro. Meron ako nakitang mga tanong na kailangan sagutin, kinopya ko nalang ang tanong sa notebook para may sasagutan din ako.

Gusto ko ng ibalik itong libro sa kanya, pero seryosong nakatingin si Craigan sa harap. Nakikinig nga.

"Please answer page twenty-one." Pagkasabi noon ay tapos ko na kopyahin ang limang tanong na sasagutin.

The First Kiss of My Last Lover | CompleteWhere stories live. Discover now