Kabanata 65

121 1 0
                                    


"What are you talking about? Haven't you know? I'm Tanya Lim," depensa ni Tanya pero kita ko ang panginginig sa labi niya. "And who's boyfriend you're talking? Aldrin is my fiancee. Hindi mo rin alam?"

I pouted my lips. "I'm sorry, hindi ko alam. Sa pagkakaalam ko kasi ako 'yong mahal niya at hindi ikaw. At sa pagkakaalam ko rin, ako 'yong may dugong Lim at hindi ikaw."

"Kelsi, anong sinasabi mong---"

"Diego! Kanina ka pang singit nang singit, naaalibadbaran na ako sa 'yo," agad na putol ni Ate Sidney kay kuya Diego.

"What's happening here?"

There you go. Umayos ako ng tayo at agad na inihanda ang napakaganda at matamis kong ngiti bago ko nilingon si Sonya. Pero mabilis ding nawala ang ngiting iyon nang mamataan ko agad sa palibot nila ni Daddy ang parents nina  Ate Sidney, Ulan at maging kay Aldrin.

"Mommy," agad na lapit ni Tanya kay Mrs. Lim.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Daddy.

"Dad..." sabi ko.

"Nag-aaway-away ba kayo?" muling tanong niya.

"Kelsi," Narinig kong tawag sa akin ni Kuya Tairon kaya nilingon ko siya. Iniabot niya sa akin ang isang brown envelope. Tinanggap ko 'yon at saka binuksan bago ako muling humarap sa mga parents namin kung nasaan ngayon si Tanya. Bakas na ang takot sa mukha niya pero pilit niya 'yong itinatago sa pamamagitan ng pekeng ngiti.

"Nakakapit ka sa maling tao, Tanya. Hindi ba dapat kay Sonya Guttierez ka kumakapit at siya ang tinatawag mong mommy?"

"Ano bang mga pinagsasasabi mo? Kanina ka pa, ah. Mommy, umuwi na nga lang tayo. Feeling ko hindi naman tayo welcome sa party na 'to."

"Oh! Maling mommy ulit ang sinasabihan mo."

"Kelsi! What is this nonsense?" bulyaw sa akin ni Sonya.

Ibinaling ko sa kan'ya ang nanlilisik kong mga mata saka dahan-dahan akong naglakad palapit sa kan'ya.

"Natatakot ka na ba?" tanong ko sa kan'ya.

Nanlaki ang mga mata niya, saka unti-unti siyang ngumiti at pilit na tumatawa. "Maybe she's drunk or something," aniya sa mga bisitang nakapalibot. "Diego, bakit hindi mo binabantayan ang kapatid mo? Bakit hinahayaan mo siyang uminom?"

"I'm not drunk. Maayos ang utak ko. O baka naman utak mo 'yong hindi? Kasi walang matinong tao na marunong pumatay ng kapwa niya."

"Are you crazy? Ano bang mga pinagsasabi mo?"

Malutong na sampal ang iginawad ko sa pisngi niya. I heard everyone gasped. Mabilis ko ring naramdaman ang mga kamay nina Aldrin at Ulan sa magkabilang braso ko.

"Bitiwan niyo 'ko," sabi ko sa kanilang dalawa. Bakit nangingialam sila?

"What's happening to you, Kelsi?" nanggagalaiting sigaw ni Sonya.

"Kelsi!" saway ni Daddy.

Dinukot ko ang laman ng envelope. Umiigting ang panga ko habang pinagmamasdan ang mga larawan ng mga taong pinatay ni Sonya bago ko 'yon puno ng panggigigil na inihampas sa mukha niya.

"Kulang pa ang isang sampal ko sa lahat ng mga kasalanang kailangan mong pagbayaran! Ipinapatay mo 'ko, hindi ba? Ipinapatay mo rin ang mga taong kumupkop sa akin. At ipinasunog mo ang bahay ng mga Macasaet para hindi ko malaman na ikaw ang dahilan kung bakit ako nawala noon! Mamamatay tao ka!"

"Kelsi, magdahan-dahan ka sa mga binibintang mo sa Mommy Sonya mo!" puno ng galit na sigaw ni Daddy sa akin.

"Hindi ko siya mommy! At alam niyo 'yan."

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now