Kabanata 56

108 1 0
                                    

Pinili kong maglakad pauwi since malapit lang naman ang cafe na pinagkitaan namin ni Sidney sa village namin.

Malapit na ako sa gate ng village namin nang mahinto ako mula sa paglalakad. Nagpang-abot ang aming mga tingin ni Aldrin. Tila natuod ako sa kintatayuan at nanatili lamang akong nakatingin sa kanya, gano'n din siya sa akin.

Napalunok ako. Matapos no'ng araw na 'yon ay hindi na kami muling nagkita. Ni hindi niya ako sinubukang tawagan o i-text man lang. Para bang matapos no'ng araw na 'yon ay nawala na lang siyang bigla na parang bula.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang nakakuyom ang mga kamao. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin.

"Kelsi..." mahinang aniya nang nakalapit siya sa akin. Namamaos ang kanyang boses na parang pagod na pagod.

Hindi ako sumagot. Wala akong planong sumagot. Matapos no'ng mga nalaman ko ay ginusto ko siyang kausapin pero ngayong nagpakita na siya sa akin, ay bigla ayaw ko na siyang makita.

"Hindi ka nag reach out sa akin. Did they-"

"Kailangan ba?" pagpuputol ko sa kanya. Parang biglang nag init ang ulo ko at halata na agad ang galit sa boses ko.

Nangunot ang kanyang noo. Bakas rin ang gulat sa kanyang mukha.

"I'm sorry but I need to go," sabi ko bago siya nilagpasan. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo sa kanya nang habulin niya ako at hawakan sa siko na dahilan upang matigil ako sa paglalakad.

"Can we talk?" aniya.

Sa totoo lang ay ayaw ko siyang kausapin. Pero nang makita ko ang namumungay niyang mga mata ay tila nawala na ako sa wisyo at nagpatianod na lang nang hilahin niya ako at dinala sa kotse niya.

Nagkatinginan pa kami nang buksan niya ang pinto ng passenger seat.

Gusto kong magsalita pero pinili kong manahimik at pumasok na lang sa kotse niya.

Pinanood ko siya mula sa pagsarado niya ng pintuan, pag ikot sa harap at pag sakay sa driver's seat.

Doon lang ako nag iwas ng tingin at tumingin sa harap nang lumingon siya sa akin.

"Kelsi... okay naman tayo, hindi ba?"

Nilingon ko siya at agad kong naikunot ang noo ko. Mabilis na namasa ang mga mata ko kaya muli kong ibinaling ang paningin ko sa harap.

I bit my lower lip.

"I want to call you... but I had to settle things, kaya hindi ako nagkaroon ng oras na tawagan ka."

Tumango ako. "Hindi mo kailangan mag explain... Sir," nakatingin pa rin sa harap na tugon ko.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag kilos niya at pagpihit paharap sa akin.

"Are we cool, Kelsi?"

Bahagya ko siyang nilingon saka ako pilit na ngumiti. "Yes, of course. Bakit naman po hindi?"

"What's with the sudden manners?"

Hindi ako nakasagot sa kanya. Napalunok pa ako't muli na lamang tumingin sa harapan.

"Kelsi, talk to me. What's the matter?"

Napabuga ako ng hangin saka naglipat ng tingin sa kanya. "Are you... really in love with me?" emosyonal na tanong ko, naiiyak.

He was taken a back. I got it. It's all part of their plan.

"O-of course I do," mahinang tugon niya, may pagdadalawang-isip sa tono ng boses.

"Kasi ako... no'ng nagtapat ako sa 'yo... despite of you being my professor... nagpakatotoo ako."

"Kelsi..." Sinubukan niyang abutin ang kamay kong nakapatong sa kandungan ko pero inilayo ko 'yon sa kanya.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now