Kabanata 54

113 0 0
                                    

"Sigaw na." Napalingon ako kay Ulan nang narinig ko ang sinabi niya.

Muli na naman niya akong dinala sa beach na paborito niyang puntahan.

"Bakit mo 'ko dinala dito?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay at saka siya naupo sa buhangin. Walang pakialam kung madumihan man siya o hindi.

"Bakit? Ayaw mo sa beach? Saan mo ba gusto... sa Condo?" natatawang patanong niyang tugon.

Naubo ako at agad na tumikhim. Naupo ako sa tabi niya at tahimik na pinanood ang bawat paghampas ng alon.

"Bakit hindi ka pa umiiyak?"

Napatingin ako sa kanya. Nanatili akong nakatitig sa seryoso niyang mukha. Kunot ang kanyang noo habang nakatitig sa malayong parte ng dagat.

"Bakit ka nandito?" tanong ko, hindi inaalis ang paningin sa kanya.

Unti-unti siyang lumingon sa akin. Nang nagtama ang aming mga mata ay hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kanya.

"What do you mean?" aniya sabay taas ng isang kilay niya.

Mapait akong napangiti sabay yuko. Kagat-kagat ko ang gilid ng labi ko habang iniisip na sana ay hindi na lang ako nakinig sa damdamin ko. Kung pinilit ko sanang mahalin si Ulan na nakatakdang ipakasal sa akin ay hindi sana ako nagkakaganito ngayon.

Sa maikling panahon ay nagustuhan ko si Aldrin. Sa simpleng pag amin niya ng nararamdaman sa akin ay mas lalo ko siyang natutunang mahalin. At sa ilang salita niya lang na hindi ko sinasadyang marinig ay nadurog na niya ang puso ko. Gano'n kadali akong nagmahal at nasaktan.

Nag angat ako ng tingin kay Ulan at nakitang nasa akin pa rin ang mga tingin niya.

"Bakit nandito ka pa rin sa tabi ko? Hindi ka ba galit sa akin? May eskandalo akong lumabas sa media na naging dahilan upang magkagulo ang lahat. Hindi ka ba galit? Bakit nandito ka pa rin?"

Nanatili ang mga titig niya sa akin, maging ako sa kanya.

"Ulan, mahal mo talaga ako?"

Hindi niya ako sinagot, maging pag iwas ng tingin ay hindi niya ginawa.

Napabuga ako ng hangin. "Bakit parang masyadong mabilis?" mahinang tanong ko.

Dahan-dahan siyang humugot ng hangin bago ito dahan-dahang ibinuga. "Balikan mo 'yong mga sandaling nasa paaralan tayo at kung paano akong tumingin sa 'yo, baka sakaling malaman mo ang sagot."

Unti-unting nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maalala kung paano niya akong tingnan noon.

"Hindi ko maalala," I honestly said.

Mahina siyang tumawa, pekeng tawa kung tutuusin.

"Kasi lahat ng atensyon mo ay naroroon kay Mr. Torres kaya hindi mo 'ko napapansin..."

Hindi ako nakasagot sa kanya.

"Masyado kang abala sa pagbuo ng pag-ibig mo sa kanya, Kelsi. Kaya kung paano kong nabuo ang pag-ibig ko sa 'yo ay hindi ko masasabing mabilis. Nabilisan ka kasi no'ng sabihin ko sa 'yo ay doon mo lang ako napansin," dagdag niya.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung paanong tugon ang nararapat kong gawin. Sa pagpikit ko'y ninais ko na lang takasan ang lahat ng 'to.

"Mahal ko siya." Sa muling pagdilat ng aking mga mata ay iyon ang unang mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Mahal mo siya..." Tumango-tango siya. "Alam ko."

Umangat ang paningin ko sa mga ulap at doon marahas na bumuga ng hangin sabay pikit.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon