Kabanata 27

103 0 0
                                    

Gustuhin ko mang magdilat ay hindi ko magawa. Para akong natuod sa kinauupuan ko. What the hell is he saying?

“We have to be the closest. . . We have to make things work,” dagdag niya pa.

Baliw na yata 'tong taong ito.

Nakarinig ako ng iilang katok sa bintana ng kotse na nasa side ko kaya doon na ako nagpasyang magmulat ng mata at magbuga ng hangin. Lumipad agad ang paningin ko kay Ulan na lumalagpas ang paningin sa akin.

“What are you two still doing there?”

Napalingon ako kay mommy. Nagpang-abot ang aming mga mata ng ilang sandali bago ito naglipat ng tingin kay Ulan na nasa driver's seat.

“Florence, kanina pa umuwi ang mommy mo. Umuwi ka na rin at maghanda sa party. You have to be there. Hindi ka pwedeng mawala,” sabi ni mommy sabay ngiti kay Ulan.

“Darating po ako, tita.”

Ngumiti pa si mommy bago lumayo sa pinto upang makalabas ako. Lumingon ako kay Ulan at isang ngiti ang iginawad niya sa akin na hindi ko nasuklian. Nagtagal siya ng ilang sandali dahil diniskarga pa ng mga katulong ang mga paperbags mula sa sasakyan ni Ulan. Pero nanatili akong nakatingin sa sasakyan niya at nakatitig doon. Hanggang sa makaalis ang kotse niya ay nakatitig pa rin ako sa kaninang pwesto nito.

Anong ibig niyang sabihin sa 'We have to make things work' na sinasabi niya?

“Are you okay? Pumasok na tayo,” sabi ni mommy bago ako tinalikuran at naunang pumasok ng bahay.

“Anong nangyari sa date niyo?”

Mula sa salamin ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Kuya Diego. Nakasandal siya sa gilid ng pintuan habang magkalingkis ang kanyang mga braso. Suot ang itim na formal suit at black leather shoes ay napakagwapo niyang tingnan. Kaya naman ay hindi ko rin masisisi si Chel kung bakit gustong gusto niya ang lalaking ito.

“Anong ginagawa mo dito?” Bahagya kong ikinunot ang aking noo.

“Miss Kelsi, huwag po kayong masyadong gumalaw. Naglalagay po ako ng eyebrow.” Nag angat agad ako ng tingin sa baklang nagme-make-up sa akin saka ako agad na humingi ng paumanhin.

“Ano nga kasing nangyari sa date niyo?” muling panggugulo ni Kuya Diego.

“Ano ba kasing date pinagsasasabi mo? E, hindi naman date 'yon!”

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. “Iyon ang akala mo.”

Agad akong natigilan. May alam ba siyang hindi ko alam? Alam ba niya ang tungkol sa mga pinagsasasabi ni Ulan kanina? Iyong ako raw ang babaeng nakatadhana sa kanya?

Napatitig ako kay Kuya Diego. Nakangisi siya sa akin at halata sa mukhang alam niya ang dahilan ng paninitig ko sa kanya.

“We'll be waiting for you downstairs, Kelsi,” matapos ang ilang sandali ay sabi niya saka ako tinalikuran at tuluyang umalis.

Hindi ako nakapagsalita.

Matapos ang ilang sandaling paglalagay sa akin ng kolorete sa mukha at pag aayos ng mga bakla sa buhok ko ay iniwan na din nila ako para makapagbihis na ako ng damit.

Napatitig ako sa salamin nang nakita ko kung gaano kaganda at kabagay sa akin ang maroon na mermaid dress na hapit na hapit sa katawan ko. Kumikinang ito sa tuwing napapasadahan ng ilaw. Ang lagpas balikat kong buhok ay sinadyang ilugay ng mga bakla kanina. Kinulot ang dulo at nilagyan ng maliit na korona ang tuktok ng aking ulo.

Pak! Ang ganda ko'y pang miss universe.

Napalingon ako sa pintuan nang nakarinig ako ng mahinang katok doon. Lalapit na sana ako pero bumukas 'yon kaya napatigil ako. Kitang-kita ko ang pagpasok ng lalaking naka-suit na may necktie na kasing kulay ng suot kong damit.

Napasinghap ako. Is this some kind of a joke? Bakit magkakulay? Matching-matching. Gano'n.

Nakangiti si Ulan habang naglalakad siya palapit sa akin. Ngayon ko lang napansing napakagwapo niya pala talaga. Pero wala pa ring tatalo sa kagwapuhan ng Aldrin ko.

“Are you done? Let's go?”

Hindi ako nakasagot sa kanya at mas lalo pa akong natameme nang idikit niya ang malapad niyang palad sa bewang ko.

“S-sandali . . . Wala pa akong suot na sapatos.”

Agad akong lumayo sa kanya saka ko kinuha ang stilleto na nakapatong lang sa kama. Yumuko ako upang isuot 'yon pero agad lang din akong napaayos ng tayo. Ang hirap palang magsuot ng sapatos kapag nakasuot na ng gown. Dapat pala sapatos ang inuna ko.

“Are you okay?”

Nilingon ko si Ulan saka ako tipid na ngumiti sa kanya. Nagbalik ako ng tingin sa sapatos at yuyuko na sanang muli pero hinawakan ako ni Ulan sa siko kaya napatingin akong muli sa kanya.

“Let me,” sabi niya saka ako nginitian.

Kinuha niya ang sapatos saka siya yumuko sa paanan ko upang isuot ang mga 'yon sa akin. Naalala ko tuloy si Sir Aldrin no'ng welcome party sa school.

“Okay na . . .” sabi niya saka tumayo. “Let's go?”

Ngumiti ako at tinanguan siya. Iminuwestra niya sa akin ang braso niya. Humugot pa ako ng isang malalim na hininga bago ako kumapit doon.

“Nasaan na sila?” tanong ko habang sinusuyod ang kabuuan ng sala. Wala na ang pamilya ko.

“They're already at the venue.”

Agad kong nilingon si Ulan. “Bakit hindi nila ako hinintay? Bakit ikaw ang sumundo sa akin?”

“Kasi kailangan tayo ang magkasabay?” patanong niyang tugon.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko talaga magawang intindihin ang mga binibitawang salita nitong si Ulan. Para bang ipinapalabas niyang obligado siyang isabay ako. Bakit naman? E, may sarili naman akong pamilya. Sa totoo lang ay medyo naguguluhan pa ako at naninibago.

Kahapon lang ay nakilala ko ang mga magulang ko. Tapos heto at hinahayaan nila ako sa lalaking hindi ko naman talaga kilala kung tutuusin.

“Bagay sa 'yo ang suot mo,” aniya habang nagd-drive.

“Thanks,” maikli kong tugon.

“Are you really that snob?”

Umiling ako. “Not really . . . Just on the people I really don't like.”

Natawa siya sa sinabi ko.

“So you're trying to say na hindi mo ako gusto kaya ka-snob sa akin? Is that so?”

Hindi ko siya sinagot. Ngunit maging paghinga ay napigil ko nang dagdagan pa niya ang mga una niyang sinabi.

“Paano na lang kung mag asawa na tayo? I want a happy family, Kelsi. Ayaw kong iniisnab mo ako.”

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum