Kabanata 45

99 0 0
                                    

Tila nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako nakasagot kay Ulan at makailang beses lamang akong napalunok.

Maging sa buong byahe ay makailang ulit pa akong nilingon ni Ulan at tinanong kong ayos lang ba ako pero ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko. Kinakabahan ako sa maaring nangyari. Kaya naman ng makarating kami ni Ulan sa bahay nila ay agad na akong bumaba ng kotse niya.

Mataas at malakas pa ang apoy nang nadatnan namin. Agad akong lumapit kay Diego at tinanong kung nasaan sina Chel, pero hindi niya ako pinapansin. Hindi niya ako magawang sagutin. Bakas rin ang pag aalala sa mga mata niya.

"Kuya, nasaan si Chel?" naiiyak kong tanong.

Umiling lang siya sa akin. At hindi ko magawang makuha 'yong ibig sabihin ng pag iling niya.

"Kuya, magsalita ka naman!"

Napahugot siya ng hininga at magsasalita na dapat, kaso ay nakuha ang atensyon namin ng mga rescuer na papalabas ng bahay.

Nagpumilit akong lumapit kahit pa delikado at hindi sila pumapayag. Naroroon na rin si Ulan sa tabi ko at nakahawak sa balikat ko.

"Must've been her father," ani Diego.

Mabilis na bumagsak ang mga luha ko. Mas lalo pa akong naiyak nang nakita ang sunod-sunod na paglabas ng mga rescuer kasama ang mga bangkay ng mga taong nasa loob. Lima iyon na natatabunan ng puting tela.

Hindi ko kinaya at agad na tumalikod. Mabilis namang dumalo sa akin si Ulan at niyakap ako ng mahigpit. Nangatog ang tuhod ko. Nanghihina ako sa dami ng tanong sa utak ko.

Mas lalong humigpit ang yakap ni Ulan sa akin nang narinig namin ang sinabi Diego.

"Silang lahat..." nabasag ang boses niya.

Nanikip ang dibdib ko. Tahimik akong humagulgol sa dibdib ni Ulan. Mahina iyon at halos kaming dalawa lang ni Ulan ang nakaririnig kahit na sa loob-loob ko'y gusto ko nang umiyak ng malakas at hayaang kumawala ang paghagulhol ko.

"Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Ulan. Ang akala ko ay ako ang kausap niya pero narinig ko ang boses ni Diego kaya siguradong siya ang kausap.

"Yeah!" namamaos ang boses na tugon niya. "Iuwi mo na muna si Kelsi."

Ramdam ko naman ang mabilis na pagtango ni Ulan saka ako dahan-dahang inalalayan pabalik sa kotse niya.

"Hush now!"

Umiling ako. "Ulan... Gusto kong pumunta doon. Gusto kong makita kung sina Chel ba 'yon. Please, Ulan."

He shook his head. "No. You're not going anywhere."

"Ulan..."

"Kelsi, listen..." He cupped my face. "We need to get out of here. Diego wants us to go."

"Bakit?"

Kagat ang pang ibabang labi niya ay muli siyang umiling sa akin bago niya isinarado ang pintuan ng passenger seat.

Panay ang hikbi ko habang lulan ng sasakyan ni Ulan. Kaya nang biglaang huminto ang sasakyan ay nanlaki ang mga mata ko nang hindi sa bahay namin siya huminto.

"Anong ginagawa natin dito? Bakit tayo nandito?" tanong ko, papalit-palit ang tingin ko kay Ulan at sa magarang bahay sa harapan kung saan huminto ang kotse.

"This is my house. My mom is in Cambodia, so ako lang ang mag isa dito."

"Ano ngang ginagawa natin dito?"

Hindi niya ako sinagot at bumaba siya ng kotse. Nagmadali siyang pagbuksan ako ng pinto saka inalalayan maging sa pagbaba at pagpasok sa loob ng bahay.

Walang kahit na maids or guards man lang sina Ulan kaya talagang mag isa lang siya sa napakalaking bahay na ito.

Naupo ako sa couch at pinanood si Ulan na pumasok sa isang pintuan. Nang nakabalik siya ay may dala na siyang isang baso ng tubig.

"Uminom ka para kumalma ka naman. Huwag kang mag alala dahil hindi naman pababayaan ni Diego ang mga labi ng pamilya ng kaibigan mo."

Muli akong napaiyak sa sinabi ni Ulan. Hindi ko matanggap na wala na sina Tita Ruth at ang buong pamilya niya, at lalong-lalo na si Chel. Napakasakit isiping wala na ang bestfriend ko.

I heard him 'tsk,' before pulling me for a hug. Muli ay hinayaan niya akong umiyak sa dibdib niya. Wala siyang pakealam kung mabasa ko man ng luha ang suot niyang damit.

Hindi ko na alam kung ilang oras kami ni Ulan sa ganoong posisyon, nagulat na lang ako matapos kong makita ang sarili ko sa salamin ng kwarto niya. Mugtong-mugto ang mga mata ko at sabog na sabog ang buhok ko.

"Ipapa-cremate raw," ani Ulan nang pumasok siya sa kwarto niya kung saan naroroon ako.

Marahan akong tumango sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili kong muling maiyak.

"Kelsi... sunog na sunog ang mga katawan nila at halos hindi mo na makilala, pero nakiusap ako kay Diego na kung maaari sana ay hayaan kang makita sila... gusto mo ba silang makita?"

Natahimik ako. Hindi ako sigurado kung makakaya ko bang makita sina Chel na wala ng buhay.

Tipid akong ngumiti kay Ulan kasabay ng marahan kong pagtango. I want to see them, despite of the fact that I might break down.

Tipid ding ngumiti sa akin si Ulan. "Don't worry. I'll be with you."

"Thank you!"

Gusto ni Ulan na mag dinner muna kami bago pumunta sa Crematorium. Ayaw ko sana dahil wala akong gana, pero nagpumilit siya at sinabing gutom raw siya kahit halata namang sinabi niya lang iyon para mapapayag akong kumain kaya nag dinner na nga lang muna kami.

Nagpa deliver lang kami at halos trienta minutos rin ang ginugol namin sa dinner na 'yon. Ang tagal kumain ni Ulan, panay na nga ang pagri-ring ng cellphone niya dahil sa mga tawag at texts ni Diego.

Tahimik lamang ako habang nasa byahe kami papunta sa Crematorium. Hindi rin naman ako kinakausap ni Ulan at mukhang malalim din ang iniisip niya dahil sa kunot na kunot niyang noo at ang mga mata niya'y nakatutok lang din sa daan.

Nang makarating kami sa Crematorium ay naabutan ko doon sina Chubby at Curly. Mukhang umabot na rin sa kanila ang balita. Umiiyak sila nang lumapit sa akin at yumakap.

"Hindi ko inaasahan 'to," ani Curly.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganun. Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Chubby sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

Hindi ko sila magawang sagutin dahil miski ako ay hindi alam kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit nasunog ang bahay nila at umabot sa puntong ito.

"Patuloy pa rin ang imbestigasyon. At ayon sa isang detective na nakausap ko'y mukhang sinadya ang pagkasunog," singit ni Diego.

"Gawin mo ang inuutos ko. Ilang araw ko ng ipinahahanap sa 'yo ang tinitirhan ng pamilyang 'yan. Pero hanggang ngayon hindi niyo pa rin nakikita! Mga inutil! You better be... dahil kung hindi, kayo ang ipapapatay ko!"

Bigla ay sumagi sa isip ko ang mga salitang narinig ko kay mommy kagabi.

Napasinghap ako. Huwag naman sanang maging tama ang iniisip ko. Dahil kapag nagkataon ay guguho ang mundo ko.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon