Kabanata 55

101 3 0
                                    

"Kanina ka pa?"

Mula sa cellphone ko'y nag angat ako ng tingin kay Sidney nang marinig ko siya. Tipid akong ngumiti sa kanya. Naupo naman siya sa upuang kaharap ko.

"Kadarating ko lang din."

"Bakit gusto mong makipagkita?" She asked bluntly. Halatang ayaw niyang pahabain ang pag-uusap namin.

"Anong gusto mong inumin?" balik tanong ko, hindi sinasagot ang tanong niya.

"I have so much to do, Kelsi. So please, direct me to the point," tila nauubusan ng pasensya na aniya. Maldita talaga!

I bit my lower lip. "May plano na ba kayo ni Sir Tairon?" tanong ko.

Nagpang-abot ang kilay niya. "Plano?"

"Tungkol sa akin? I mean, Tanya..." Nahihirapan akong pagsama-samahin ang mga salita upang mabuo ang tanong ko kaya nahinto ako.

Her right eyebrow rose up. "Bakit? Gusto mo na bang lumantad ang pagkatao mo? Gusto mo na bang lumabas bilang si Tanya Lim?"

Natigilan ako. Anong pinagsasasabi niya?

"Now that you're scandal with Mr. Aldrin Torres was all over the news, nahihirapan kami ni Kuya Tairon na kausapin sina mom and dad. They we're so furious as of this moment. And that fake Tanya kept on talking about their wedding. Gusto niyang magpakasal na sila. Kaya kung nais mong ipaalam sa kanilang lahat na ikaw si Tanya ay isang malaking pasabog iyon na siguradong gugulo sa lahat. Kaya mo bang harapin iyon?"

"Sidney-"

"Kelsi... At first, galit ako sa 'yo. Dahil inagaw mo sa akin si Rain-"

"Hindi ko siya inagaw!"

"Whatever! We broke up because of you kaya gano'n na rin 'yon. I was angry... but that moment when we knew na ikaw ang kapatid naming si Tanya, I don't understand why pero gusto ko na lamang protektahan ka. Kaya sa tingin namin ni Kuya Tairon ay mas makabubuti kung huwag ka na munang lumantad bilang si Tanya Lim. Manatili ka sa kinatatayuan mo ngayon, aasikasuhin na muna namin ang nagpapanggap na Tanya Lim sa bahay. Nais naming malaman ang plano niya at kung sino-sinong mga kasabwat niya."

Natahimik ako. Kilala ko kung sino ang kasabwat niya pero nahihirapan akong sabihin iyon kay Sidney. Ayokong aminin pero lumalabas pa rin na nais kong protektahan si Aldrin.

"Sidney..." Dahan-dahan akong umiling ako. "Hindi ako si Tanya na iniisip mo."

Mabilis na nangunot ang kanyang noo, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka.

"You're Tanya Lim. We have your DNA Test to prove it, Kelsi."

Muli akong umiling saka napakagat sa ibabang labi. "Sidney, ako nga si Tanya..." I frustatedly closed my eyes. Ang hirap naman nito! "Pero hindi ako si Tanya-"

Pilit ang tawang pinakawalan ni Sidney. "Naglolokohan ba tayo?"

Muli na naman akong umiling. "No."

Nahihirapan akong sabihin sa kanya na ako nga si Tanya pero hindi ang Tanya na nakasama nila noon, hindi ang Tanya na naiwala niya sa Siargao noon dahil baka wala silang alam sa naging affair ni daddy at ng mommy nila-mommy namin.

"Sidney... Hindi ko alam kung paano kong sasabihin sa 'yo. Pero ako talaga si Kelsi Guttierez na anak ni Mr. Jonathan Guttierez..."

Kita ko ang inis sa mukha niya at ninais niya pang umapela pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon.

"At ng mommy niyong si Mrs. Lily Lim."

Namilog ang mga mata niya, ngayon ay nawala na ang inis at napalitan na ng pagkagulat at galit.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now