Kabanata 58

111 0 0
                                    

"Kapag ba hinalikan mo 'ko. Magiging totoo ka na?"

Nangunot ang noo niya. Umawang ang labi pagkatapos ay muli itong itinikom. Siguradong may gusto siyang sabihin pero may nagpipigil sa kanya.

"Ano? Hindi ka makasagot hindi ba? Kasi kahit anong halik pa ang ibigay mo sa akin, hindi niyon mababago ang galit na nararamdaman ko sa 'yo!"

Mas lalong nangunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Ibinuka kong muli ang bibig ko upang magsalita pero mabilis niya akong sinunggaban ng halik. Nanlaki ang mga mata ko.

And that moment when he broke the kiss ay mabilis na lumagapak sa pisngi niya ang isang palad ko. Nagngingitngit ako sa galit. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, naghahalo ang sari-saring emosyon.

Pailalim niya akong tinitigan habang umiigting ang panga niya. Galit na siya. Nararamdaman ko na ang galit niya.

"Tell me, Kelsi. Anong dahilan ng galit mo sa akin?"

Napalunok ako. Nag iwas ako ng tingin saka marahang umatras. "Iuwi mo na lang ako."

Dahil hindi nakatingin sa kanya ay nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang niyang hinawakan ang palapulsuhan ko saka ako basta na lang hinila papasok sa loob ng bahay.

Marahas niyang binitawan ang kamay ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng living room. Sunod-sunod siyang napabuga ng hangin.

"Kaya ka ba umalis at piniling saktan ako dahil sa galit na sinasabi mo?"

I remained silent. Nasaktan ko ba talaga siya sa ginawa kong pag alis dahil mahal niya ako? O nasaktan siya dahil nasira ko ang plano nila ng babae niya? I'm sure it's the latter.

"Sabihin mo sa akin kung anong nagawa kong kasalanan sa 'yo para maintindihan kita." Punong-puno ng frustration ang boses niya pero nanatili siyang kalmado. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon.

Napabuga ako ng hangin. "Si Tanya..."

Iyon pa lang ang lumalabas sa bibig ko ay nagawa ko na siyang paatrasin. Sarkastiko akong natawa.

"'Yong babaeng nakatakdang ipakasal sa 'yo ay ang babaeng totoong mahal mo, hindi ba?"

Nanlambot ang tuhod ko. "Hindi ako," Pumiyok ang boses ko.

"Ginamit mo lang ako, para sa plano niyo at ikaliligaya niyo ng babae mo."

Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Iyong tipong sa isang pilikmata ko lang ay agad iyong bumagsak. Hindi dahan-dahan o unti-unti, kung 'di isang bagsakan.

Limang taon kong hindi pinakawalan ang mga luhang 'to. Inipon ko talaga para sa komprontasyong ito. Para isang bagsakan lang, para hindi ako mapagod, para dadaan lang 'yong sakit.

"Kelsi... mali ang iniisip mo."

"Anong mali?"

"Ikaw ang mahal ko."

Nakagat ko ang labi ko dahil sa matinding frustration na nararamdaman. Nahuli ko na siya pero nagsisinungaling pa rin. Nakita ko ang mariing pagpikit niya.

"Parang awa mo na, huwag na tayong maglokohan! Nakakapagod, e! Aldrin, nakakapagod masaktan!"

"Inuulit ko... Ikaw ang mahal ko."

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at doon pinalis ang mga luhang nagsibagsakan mula sa mga mata ko.

"Narinig ko kayong nag uusap sa CR ng Dewford Academy no'ng araw na nagharap tayo sa Dean's office. Narinig ko ang tungkol sa plano niyo..."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero agad rin siyang nakabawi. Humugot ng malalim na hininga bago unti-unting napayuko.

"Narinig ko ring sinabi ni Tanya na... Nagtagumpay ka sa plano niyo na mapaibig ako." Napasinghap ako nang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now