Kabanata 63

133 0 0
                                    


"I love you," bulong niya sa akin pagkatapos. Pareho kaming patagilid at magkaharap na nakahiga sa sofa.

I gave him a peck on his lips again. "I love you too."

Nagkatinginan kami. "So... is this the part where we bid our goodbyes?" saad ko.

Mabilis na nangunot ang noo niya. "At sinong may sabing hahayaan kitang umalis? Now that I marked you mine, hindi na kita hahayaang mawala, Kelsi."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Isiniksik ko naman ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi ko inaasahang mauuwi sa ganito ang pagpunta ko rito. Hindi talaga ako karapat-dapat na tularan.

Umahon ako mula sa pagsiksik sa dibdib niyang kahit pawisan kanina ay sobrang bango pa rin. "Nagugutom at nauuhaw ako," paglalambing ko.

"Wait. Ikukuha kita ng tubig," aniya at akmang tatayo.

"Hindi na. Ako na, naiihi rin ako," pigil ko sa kan'ya.

Tumango siya at tinulungan akong bumangon. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay napabalik na ako sa pag upo. At sa mismong kandungan niya pa. Shocks! Pareho pa kaming hubo't-hubad. Tuloy damang-dama ko ang tayong-tayo pa na alaga niya na tumutusok ngayon sa may puwetan ko.

Nakangisi na siya nang silipin ako. "Bakit?" aniya.

"Nanghihina ang tuhod ko. Hindi ako makatayo," sabi ko.

Kinagat niya ang labi niya habang nakangisi. "Isang round pa lang, nalumpo ka na?"

Agad ko siyang sinamaan ng tingin na tinugunan niya lang ng halakhak. Saka niya ako binuhat ng mala-pinsesa.

Dinala niya ako sa kusina, inilapag sa lamesa at pinainom ng tubig. Pagkatapos ay muli na naman niya akong kinarga saka siya nagtungo sa kwarto niya at idiniretso ako sa banyo. Inalalayan niya ako para makaihi ako.

"Kaya ko na. Hindi na siya mas'yadong nangangatog," pigil ko sa kan'ya nang akmang kakargahin niya ako ulit.

Umiling siya. "Let me help you." Hindi na siya nagpapigil pa at muli na akong kinarga. Napangiti na lamang ako habang pinapanood siya.

Marahan niya akong inihiga sa kama niya saka kinumutan. "Magpahinga ka muna. Ipaghahanda lang kita ng makakain," aniya.

Ngumiti ako at tumango sa kan'ya. "Magbihis ka," sabi ko.

"Kahit huwag na. Gusto kong sa katawan ko pa lang ay mabubusog ka na," tugon niya sabay kindat sa akin at lumabas na ng kwarto.

Doon ko lang nagawang ilabas ang kilig na nararamdaman ko. Tila bumalik ako sa dating Kelsi na college student na in love na in love sa propesor niyang si Aldrin Torres.

Nakatulugan ko ang paghihintay. Dulot na rin ng pagod na nararamdaman ko. Nagising ako nang makaramdam ng mahihinang pagdampi sa labi ko.

"Aldrin," sabi ko nang mamulatan ko si Aldrin na nakatingin sa akin.

"Ready na ang late lunch mo," nakangiting aniya.

Tumango ako sa kan'ya. At napangiti nang makitang may damit na siya. Tumayo siya at tumalikod sa akin. May kinuha siya sa closet niya at saka bumalik sa akin. Marahan niyang inilapag ang puting long sleeve sa dulo ng kama.

"Magbihis ka muna. Hihintayin kita sa labas," aniya saka hinalikan ang noo ko at lumabas na ng kwarto.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay doon lang ako dahan-dahang bumangon at nagbihis. Kahit pa nararamdaman ko pa ang pananakit ng gitna ko. Mas'yado iyong masakit pero kailangan kong kayanin. Ginusto ko 'to, eh.

Ngayon ko lang naalala kung gaanong nakakahiya ang mga pinanggagagawa ko kanina. Naghubad ako sa harapan niya. Ang ingay ko kanina, habang pinapakain ko sa kan'ya ang...

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon