Kabanata 47

107 2 0
                                    

Mula sa pagkakaupo at nanlalaking mga mata ay napatayo ako. Sa isang iglap ay wala na akong nakitang Chel. Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin habang pilit na inaaninag ang parteng iyon kung saan ko nakita si Chel. Kung madilim dito sa pwesto namin ay mas madilim doon, at natatabunan pa halos ng nagtataasang mga palumpong.

"Kelsi, are you okay?" Tumayo rin si Aldrin at tiningnan din ang tinitingnan ko. "Anong tinitingnan mo?"

"N-nakita ko yata s-si Chel." Nanindig ang mga balahibo ko.

"What?" gulat na aniya.

Guni-guni ko ba iyon? Pero parang hindi, e. Nakalugay ang mahaba niyang buhok, nakasuot siya ng puting bestida at may sapin ang kanyang mga paa. At nakangiti siya habang pinapanood kami ni Aldrin, makikita ang tuwa sa kanyang mga mata kaya imposibleng multo iyong nakita ko.

"Kelsi!" Halos magkasabay kaming napalingon ni Aldrin sa bukana ng Crematorium. Naroroon si Ulan kasama si Kuya Diego.

"Kanina ka pa namin hinahanap," ani Kuya Diego.

Nilingon ko pa muna si Aldrin bago ako naunang maglakad palapit kina Kuya Diego at Ulan.

"Jacket naman ngayon," rinig kong ani Ulan kaya nilingon ko siya. "Damn, man! You're so fast!" dagdag niya habang sarkastikong nakangiti kay Aldrin.

"Yeah! Naunahan na nga kita..." tugon ni Aldrin kay Ulan bago siya naglipat ng tingin sa akin. "Kelsi, pasok na ako sa loob."

Agad naman akong tumango sa kanya. "O-opo!"

Ngumiti pa siya sa akin bago nagpasyang pumasok na ng tuluyan. Nang nawala na siya sa paningin ko ay doon ko lang nagawang ilipat ang paningin ko kay Ulan na ngayo'y salubong na salubong na ang mga kilay habang nakatitig sa akin.

Napaatras ako. Nagtaas naman siya ng isang kilay. "What is he trying to say? Anong ibig sabihin no'ng sinabi niyang naunahan na niya ako?"

Nangunot ang noo ko. "Ewan ko, nagpapaligsahan ba kayo?"

"Kelsi, may tinatago ka ba sa akin?"

"Tama na 'yan. Umuwi na tayo," pigil ni Kuya Diego sa nagbabadyang sagutan namin ni Ulan.

Sumunod ako kay Kuya Diego nang naglakad siya papunta sa kotse niya. Dire-diretso ako papasok nang hindi sila nililingon. Muling nagawi ang paningin ko sa lugar kung saan ko nakita si Chel kanina. Walang katao-tao doon at halos hindi gumagalaw ang mga palumpong.

"Anong tinitingnan mo?"

Umayos ako ng upo at saka lumingon kay Diego. "Nothing. Ano na ang nangyari sa loob? Tapos na ba?"

Marahan siyang tumango at malungkot na ngumiti. "Makakapagpahinga na sila. Bukas ay dadalhin ang mga abo nila sa St. Thomas upang doon sila tuluyang mahimlay—" Napabuga siya ng hangin kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga kamay na kanina ay nakahawak sa steering wheel. Nanghihina siyang pumikit na agad kong ipinag-alala.

"Kuya..."

"Hindi ko matanggap." Tuluyan na ngang pumiyok ang boses niya.

Nangilid ang mga luha ko habang nakatingin sa kanyang isubsob niya ang kanyang mukha sa manibela. Hindi ko man maintindihan kung bakit ganito ang mga ipinapakita niya sa akin, pero nasasaktan akong panoorin ang mahinang pag-iyak niya.

Marahan kong ipinatong ang isang kamay ko sa likod niya saka iyon marhang tinapik. "Everything happens for a reason kuya, someday we'll get to understand and get used to it."

Umiling siya, nakasubsob pa rin ang mukha sa manibela. "Hindi ko maintindihan at kailanma'y hindi ko ito maiintindihan. Hindi ko matanggap na kinuha nila sa akin ang babaeng pinoprotektahan ko."

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now