Kabanata 40

109 0 0
                                    

Nahugot ko ang sarili kong hininga. Iba ang pakiramdam ko pero sinunod ko pa rin ang sinabi ni Kuya Diego.

“Bakit kailangan nating pumunta? Invited ba tayo?” tanong ko habang nasa byahe na kami ni Kuya patungo sa venue.

“Of course!” natatawang tugon niya.

Hindi na ako nagsalita pang muli at itinuon na lamang ang paningin sa labas ng bintana.

Sa isang hotel ginanap ang party. Pagkapasok pa lang namin sa venue ay agad na kaming sinalubong ng napakaraming taga media. May iilang panay ang pagkuha ng litrato. May iba namang nagtatanong tungkol sa naging buhay ko matapos kong bumalik sa pamilya ng mga Guttierez.

“Oh! They're here!” rinig kong anunsyo ni mommy sa mga kausap niya nang nakarating kami ni Kuya Diego.

Nakipagbeso siya kay Kuya Diego at ganoon din sa akin.

“Dad,” sambit ko saka yumakap kay daddy.

“Parang plinano no? Hindi ako makapaniwalang halos magkasabay na nawala at bumalik ang mga anak niyo,” rinig kong anang isang babaeng kausap ni mommy. Natatawa pa ito habang nagsasalita.

“The destiny played it well,” tugon naman ni mommy.

Humiwalay si Kuya sa grupo nina mommy at pumunta sa grupo ng mga kalalakihang niya lang at doon siya nakihalubilo. Naiwan ako sa grupo nina mommy at dahil hindi naman ako maka-relate ay napagpasyahan kong pumaroon na lang sa buffet table.

“Gusto mong ipagsandok kita ng pagkain?” Napalingon ako sa likuran ko nang nakarinig ng boses roon.

“Sir Aldrin...” sambit ko habang nakangiti.

“Aldrin... Wala ma tayo sa school kaya call me Aldrin instead.”

Pwede bang baby ko na lang?

Napangiti ako sa naisip ko at agad 'yong pinigilan sa pamamagitan ng pagkagat sa pang ibaba kong labi.

“Why are you smiling?” tanong niya at nakangiti na rin.

“Uh... May naiisip lang po.” Na kalokohan.

Bahagya siyang natawa. “Drop the po, Kelsi.”

“Sorry. Nasanay lang.”

Lumabi siya at tumango. Halos magkasabay kaming lumingon sa stage nang ianunsiyo ng event coordinator ang paglabas ni Tanya Lim.

Hindi katulad no'ng ako ang may party, kasama ni Tanya ngayon ang buong pamilya niya. Napapagitnaan siya ng parents niya at sa likuran ng mga ito ay naroroon si Sir Tairon, Sidney at ang isa pa nilang nakatatandang kapatid na lalaki.

Napatitig ako sa kanya. Napakaganda niya. Pero kahit na maganda siya ay wala siyang kamukha sa kahit na sino man lang sa mga kapatid niya. Mas lalo na sa parents niya. But who am I to say this? Kahit ako nga ay hindi ko kamukha si Kuya Diego.

Umawang ang labi ko nang naalalang nagpapanggap nga lang pala siya. Right! Narinig ko nga pala siya no'n na may masama silang plano para sa mga Lim.

“You looked so stunned. What are you thinking this time?”

Rinig kong tanong ni Sir Aldrin. Naglipat ako ng tingin sa kanya only to find out na nasa akin na pala nakatutok ang buong atensyon niya. Ibinalik ko agad ang paningin ko sa stage at doon napabuga ng hangin.

“Something terrible. I never thought it would be this terrible.”

“What are you talking about?”

Muli akong naglipat ng tingin sa kanya at saka ngumiti at umiling. “Wala po.”

Nangunot ang noo niya. “I said drop the po.”

Natawa ako. “Oo na nga!” sabay irap ko.

Maging siya ay nakitawa na rin sa ginawa kong pag irap.

May biglang tumikhim mula sa mikropono kaya muli namin 'yong nilingon.

“Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyaring pagkawala ng bunso naming anak na si Tanya 13 years ago. Na sa pagkakaalam namin ay nalunod at nilamon na ng dagat. But we were shocked nang ngayon ay bigla siyang lumitaw at sinasabing siya si Tanya,” emosyonal na sabi ng mommy nila.

Nilingon pa nito si Tanya at nagkangitian silang dalawa sa isa't-isa.

“Sa simula ay hindi agad kami naniwala but she insisted and said na naaalala niya so we did a DNA test at kanina nga lang ay nakuha na namin ang resulta nito at positive 'yon. Kaya pagpasensyahan niyo na ang agaran naming pag imbita sa inyo para sa selebrasyong ito.”

Nagpatuloy ang party. Sa probinsiya namin noon sa Davao, kapag may party, may pa-games, at kung ano-ano pa. Sa party ko no'ng nagbalik ako ay wala masyadong naganap kung 'di kainan lang at nag uusap-usap lang ang mga bisita. Ganoon din sa party na ito. Ganito nga siguro mag party ang mayayaman.

Nasa labas ako ng hall kung saan overlooking ang city. Nasa twelveth floor kami kung kaya ay kitang-kita ko ang napakagandang view. Maging ang bawat paghaplos ng malamig na hangin sa balat ko ay damang-dama ko.

Gulat akong napalingon sa likuran ko nang bigla na lang ay may nagpatong ng tela sa magkabilang balikat ko.

Nagtama pa ang mga mata namin ni Aldrin. Bago ako ako nagbaba ng tingin sa balikat ko. Ang kaninang suit pala 'yon na hinubad niya.

“Bakit nandito ka? It's cold here, Kelsi.”

“Kaysa naman doon ako sa loob na wala akong makausap at panay lang ang tingin ko sa mga tao,” nakangusong sagot ko.

Ngumiti siya saka ako tinabihan sa barandilya.

Wala akong masabi kaya nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang napakagandang view sa aking harapan. Ganoon din naman siya kaya nakuntento na lamang ako na magkatabi lang kami. Hindi kaya ito araw araw na nangyayari kaya dadamdamin ko na at ife-feel ang moment na ito. Paminsan-minsan ay nililingon ko siya pero nanatili ang mga mata niya sa tanawin.

“Estudyante kita, Kelsi,” ilang sandali lang ay bigla ay sabi niya.

Nagpang-abot ang mga kilay ko. Nilingon ko siya. Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin?

“Alam ko,” sabi ko pa.

Tumango naman siya ng marahan.

“Professor mo ako sa PE.”

Yeah. Professor na hindi marunong lumangoy.

Hindi ko napigilan ang sarili kong matawa sa mga pinagsasasabi niya. “Oo nga po. Bakit niyo po ba sinasabi ang mga ito?”

Doon lamang siya nagbaba ng tingin sa akin.

“You are 18. Legal...” Lumabi siya.

Kapagkuwan ay biglang naningkit ang mga mata niya. “But what do I think, falling for you is illegal?”

Natuod ako sa kinatatayuan habang nakatingin ako sa kanya at nililipad ng malamig na hangin ang buhok ko.

Is he perhaps... Confessing?

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon