Kabanata 19

113 0 0
                                    

“Diego?” tawag ni Sonya kay Diego. Ang kanyang boses ay nag de-demand ng kasagutan mula sa kanyang anak.

Lumingon ako kay Diego at nakitang nakatingin na rin pala siya sa akin habang naglalaro ang ngisi sa kanyang labi.

“Ikaw na magpakilala sa sarili mo. Malakas loob mo 'di ba?” bulong niya sa akin habang bakas ang panunukso sa kanyang boses.

“Who is she, son?”

Naiwala ko ang paningin ko kay Diego at agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Galing siya sa isang pintuan na nasa ilalim ng dalawang magkabilang hagdanan. Dahil bukas ang pintuan kung saan siya nanggaling ay nakita ko ang isang pile na mga libro roon. Mukhang library ang nasa loob. Hindi ko lang talaga sigurado.

“Is she your girlfriend?” muling tanong ng lalake. Mestiso siya at masasabi kong may pinagmanahan ang pagiging magandang lalaki ni Diego.

He must be our father.

Napahawak ako sa dibdib ko. Malakas ang kabog niyon. I can feel it. He is my father.

“She is Kelsi Guttierez, claiming that she's your daughter who reportedly dead thirteen years ago,” seryosong sabi ni Diego.

“What?!” naibulalas ni Sonya at nakita ko ang pagmamadali niya sa pagbaba mula sa hagdanan.

Jonathan Guttierez remained in his place. Kunot ang kanyang noo habang diretsong nakatingin sa akin. Hindi ko masigurado kung anong laman ng isipan niya. Mahirap hulaan kung naniniwala ba siya kay Diego o hindi.

“Anong pruweba mo na ikaw nga ang anak namin?” tanong ni Sonya nang nakarating siya sa aking harapan.

She's beautiful. But I saw anger from her eyes. Tila hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig kaya nagpupuyos siya sa galit.

Dinukot ko ang kwintas na suot ko na nasa ilalim ng suot kong damit at saka ko 'yon ipinakita sa kanya.

Agad siyang napasinghap. “This can't be... Saan mo napulot iyan?” singhal niya sa akin. Ngayon ay halata na ang galit sa kanyang boses.

Nilingon ko si Jonathan at nakita kong naroroon pa rin siya. Nakatingin at nakikinig na parang wala lang ang lahat.

“Ang sabi sa akin ng mga taong kumupkop sa akin ay suot suot ko na raw ito noong nakita nila ako sa Davao.”

“Is that all? Iyan lang ba ang pruweba mo?” ani Sonya.

Nakagat ko ang labi ko. Wala na akong ibang pruweba. Ito lang. Oo nga pala at ito lang. Hindi ko alam na baka nagsisinungaling lang si nanay at napulot niya lang itong kwintas. Pero imposible. Hindi sinungaling si nanay. Hindi niya ako magagawang pagsinungalingan.

“I-ito lang po.” Napayuko ako.

Narinig ko agad ang halakhak ni Diego sa aking tabi.

“We can run some tests. A DNA test perhaps,” singit ni Jonathan.

Nagsimula siyang maglakad palapit sa akin at ngayon ay nakangiti.

“I don't know your motives, hija. Pero kung iniisip mong basta basta kaming maniniwala sa iyo ay mali ka ng iniisip. You can't just fool around a Guttierez. Kilalang kilala ko ang anak ko.”

“I-I am so sorry po. Umaasa lang din po ako. L-lumaki kasi po akong iyon ang alam ko. Na ako ay si Kelsi Guttierez.”

Napabuga ng hangin si Jonathan. Unti-unting namuo ang mga luha ko sa aking mga mata. Nawalan na ako ng pag asa.

“Turn around,” aniya.

Naging mariin ang pagkagat ko sa aking labi. Pinapaalis na ba niya ako?

Humugot ako ng malalim na hininga at tumalikod na. Nagpang abot ang mga mata namin ni Diego na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatuwid ng tayo sa gulat nang biglang punitin ni Jonathan ang damit ko.

“Ano pong ginagawa niyo?!” sigaw ko. Hindi porke't hindi ako ang anak nila ay pwede na nila akong bastusin ng ganito. Haharap na sana ako kina Jonathan at Sonya pero agad na akong pinigilan ni Diego. Hinawakan niya agad ako sa magkabila kong braso.

“Stay still, Kelsi,” aniya.

“What?!”

Narinig ko ang pagsinghap ni Sonya.

“My daughter...” panginginig sa boses ni Jonathan ang sunod kong narinig.

“Meron?” tanong ni Diego na agad akong binitawan. Nagtungo rin siya sa likuran ko.

And then suddenly I remember the scar on my back. Naroroon iyon sa balakang ko sa bandang kaliwang gilid. Maliit lang at mukhang nasunog.

“Maganda ang kutis mo, anak. Pero nabahiran ng ganito. Hindi ko alam kung anong mayroon sa totoo mong pamilya pero ako ay lubos na nag aalala. Gusto kitang ibalik sa kanila pero natatakot akong hindi lang ito ang makuha mo. Sa mura mong edad ay may sunog ka ng parte sa iyong katawan,” sabi ni nanay isang umaga matapos niya akong paliguan.

Right. Pwede rin maging pruweba 'yan.

“Ikaw nga si Kelsi,” narinig kong sabi ni Diego.

Tuluyang naglandas ang mga butil ng luha sa aking pisngi. Inalis ko pa muna iyon bago ako dahan-dahang humarap sa kanila.

Nagulat ako nang nakitang sunod sunod ang pagtulo ng luha ni Diego habang si Jonathan naman ay nakaawang ang labi pero nagsisimula ng mamasa ang mga mata.

“Ikaw nga ang kapatid ko!” si Diego ang unang yumakap sa akin ng napakahigpit.

“Hindi ako makapaniwala. Naniwala kaming patay ka na,” nanginginig ang boses ni Jonathan. Tiningnan ko siya at nakita kong tumulo na ang kanyang mga luha.

“Hindi ba 'yan tattoo?” Hindi pa rin naniniwalang tanong ni Sonya.

“A burnt skin can't be tattoed, mom!” baling ni Diego sa kanyang ina sabay hiwalay sa akin.

“You really are my daughter... My heiress!” sabay yakap sa akin ni Jonathan. Yakap na sobrang higpit. Yakap na ramdam ko ang pangungulila. Yakap ng isang ama. Gumanti rin ako ng mahigpit na yakap sa kanya.

“You are all nuts! Nagpapaniwala kayo sa kanya. She must've been scheming it all. Baka ay pakana na naman ito ng mga—”

“Mom!” agad na saway ni Diego sa kanyang mommy.

“Do a DNA test. Prove it to me first bago ko siya tanggapin dito sa pamamahay ko!” ani Sonya saka niya kami tinalikuran at umakyat siyang muli sa hagdanan.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now