Kabanata 49

107 0 0
                                    

Halos magkasabay naming nilingon ni Aldrin ang cellphone kong bigla na lang nag ring.

"Excuse me," pagpapaalam ko sa kanya bago ako tumayo at nagdiretso sa sala.

Tumatawag si Kuya Diego.

"Kuya?"

"Where the hell are you, Kelsi? Ang akala namin ay nasa kwarto ka! Kanina pa kami naghihintay dito sa bahay para sa dinner natin with the Morenos."

Naku lagot! Oo nga pala! Geez! Nakalimutan ko.

"Uhh..."

"Yeah? Nasaan ka ngayon? Ipasusundo kita kay Florence!"

Agad akong umiling. Oh no! Hindi pwede!

"No- I mean, pauwi na ako. May binili lang sandali."

Ramdam ko ang paglapit ni Aldrin sa akin.

"Saan ka na nga? Paalis na si Florence para hanapin ka."

"Kuya... P-pauwi na nga ako. Actually malapit na ako. Huwag mo na akong ipasundo kay Florence, okay?"

"Okay, fine! Just make sure na malapit ka na. God, Kelsi! Nakakahiya sa mga bisita."

"Opo! Sige na!"

Ibinaba ko na ang tawag. Nakalukot ang mukha ko nang lingunin ko si Aldrin sa likuran ko.

"Sorry," nakalabi kong paghingi ng paumanhin.

Tipid siyang ngumiti sa akin saka niya ako niyakap. Inihatid ako ni Aldrin hanggang sa labas lang ng village namin.

"Kita na lang tayo sa school sa Monday?"

Nakangiti akong tumango sa kanya. Ngumiti din siya sa akin.

"Baba na ako?"

"Mm..." aniya habang nakatitig sa akin.

I absentmindedly bit my lower lip. Doon ko lang napagtanto na mali ang nagawa ko nang bigla ay hawakan niya ang kamay ko at marahan niya iyong pinisil.

"There you go, Kelsi."

Nanlaki ang mga mata ko nang sa ikalawang pagkakataon ay hinalikan niya ako. Potek na 'yan! Napakalambot ng labi niya! Mabuti na lang talaga at hindi na ako mahilig sa Chicharon ni Mang Juan ngayon!

"I love you," wika niya bago siya humiwalay sa akin.

"B-bababa na ako," tugon ko saka ako nagmadali sa pagbaba at mabilis na naglakad papasok ng village. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog niyon.

"Ang saya mo, ah!" Napatalon ako sa gulat nang narinig ko ang boses ni Ulan sa likuran ko.

"U-ulan..."

"Sakay!" Ma-otoridad niyang utos sa akin. Seryoso ang mukha niya na kahit sino ay mapapasunod talaga.

Nakatungo akong sumakay sa kotse niya. Walang imik niya iyong pinaandar at nag U-Turn. Gulat akong napatingin sa kanya nang humarurot iyon palabas ng village.

"S-saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero wala akong nakuhang tugon. Tahimik siyang nag drive nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Ulan, 'yong dinner."

Tulad kanina ay hindi pa rin niya ako sinagot bagkus ay mas lalo niyang binilisan ang pagda-drive sa kotse niya. Tuloy ay napakapit ako ng maigi sa dashboard baka bigla na lang siyang pumreno at baka mapano pa ako.

Itinigil niya ang sasakyan sa beach kung saan niya ako dinala noong nakaraan. Pansin ko na mahilig si Ulan sa mga beach.

"I took her somewhere..."

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now