Kabanata 50

108 0 0
                                    

Nanginginig ang mga kamay kong nakakuyom habang kunot-noo kong pinagmamasdan ang bawat paghampas ng mga alon sa madilim na karagatan. Nakaupo na ako sa hood ng kotse ni Ulan, habang siya ay nakasandal sa wind shield at pinapanood ang mga bituin sa langit. Pareho kaming tahimik at mukhang kahit siya ay ayaw buksan ang usapin patungkol sa kay mommy, Chel at sa pamilya nito.

Lumabas sa bibig ni Ulan ang mga katotohanang hindi ko alam kung paano kong isa-isang tatanggapin.

"Hindi ka pa ba nagugutom? Hindi ka pa nagdi-dinner," kapagkuwan ay tanong ko habang ang paningin ay naroroon pa rin sa dagat na pinapanood ko.

Pansin ko ang pag kilos niya at ilang minuto nga lang ay nakabangon na siya at nasa gilid ko na.

"Kelsi..."

Napabuga siya ng hangin na tila hirap na hirap dugtungan ang naunang sinabi.

Naglipat ako ng tingin sa kanya. Walang ekspresyon ang mukha ko nang nagpang-abot ang aming mga mata.

Ngayon, ay hindi ko na alam kung papaano ko pang haharapin si mommy pagkatapos ng mga nalaman ko.

"Bakit gusto akong ipapatay ni mommy?"

Bahagya siyang nagulat sa tanong ko. Tumikhim siya at umayos ng upo kahit hindi naman na kailangan.

"Dahil hindi ka niya anak. Anak ka ni Mr. Guttierez sa ibang babae."

Tumango ako. Mukhang tama si Aldrin sa hinala niyang nagkaroon ng affair si Daddy sa mommy nina Sidney at Sir Tairon.

"Ibig sabihin ay nagkaroon nga ng relasyon ang mommy nina Sidney at si Daddy? At ako ang naging bunga."

"Hindi ko alam kung siya nga ang babae. Pero base sa mga sinabi mo ay mukhang tama ka."

"Bunga ako ng isang pagkakamali?"

Hindi ako sinagot ni Ulan. Bumaba siya mula sa hood ng sasakyan saka ako inalalayan sa pagbaba.

"Let's eat dinner."

Hindi ko siya sinagot at nagpatianod na lamang sa kanya. Dinala ako ni Ulan sa isang hotel malapit sa dagat na pinagdalhan niya sa akin. Maging doon sa napili niyang pwesto sa restaurant ng hotel ay overlooking ang dagat.

"Hey!"

Mula sa pagkain ko ay nag-angat ako ng tingin kay Ulan. Tumaas ang dalawang kilay ko. "Hm?"

Nagtaas din naman siya ng isang kilay. "I guess, hindi ka gutom."

Muli akong nagbaba ng tingin sa plato ko. Halos hindi ko pa nga nagagalaw ang pagkain ko.

"Sorry."

"Kumain ka na."

Tumango ako sa kanya at sinimulan na ang pagkain ko.

Matapos naming kumain ni Ulan ay inihatid niya na ako sa bahay.

"Nakauwi na pala ang mommy mo?" tanong ko habang nasa kotse pa kaming pareho matapos kong natanaw ang mommy niya sa labas ng gate ng bahay namin at mukhang nagkakapaalaman sila nina daddy at mommy.

"Kaninang umaga lang."

Tumango ako. Bumuga pa ako ng hangin bago nagdesisyong tanggalin ang seatbelt.

"Kelsi..."

Naglipat ako ng tingin sa kanya.

"Please think about it."

Pinaglapat ko ang mga labi ko bago marahang tumango. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang pagsama ko sa kanya sa ibang bansa. Desidido na ako sa desisyon kong hindi sumama pero tumango pa rin ako upang hindi niya na ako kulitin.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now