Kabanata 10

151 2 0
                                    

“Na-detention iyang mga iyan. Nahuli ni Mr. Moreno.”

Dumating si Aldrin bitbit ang isang tray ng pagkain. Tumabi siya sa akin na siyang ikinagulat ko. Sinalubong agad ako ng mabango niyang amoy. Buti pa siya at nakaligo na. Samantalang kami ay sigurado akong nangangasim na. Napaurong tuloy ako ng konti palayo sa kanya. Baka this time body odor naman ang mapansin niya.

“Bakit?” tanong ni Tairon. Pero imbis na sagutin ni Aldrin ang tanong ng kanyang kaibigan ay ako ang kanyang nilingon.

Nagtama agad ang aming mga mata. A smile escaped from his lips. “Natigilan ka na naman. Continue eating, Ms. Guttierez.”

Napaiwas agad ako ng tingin. Hindi ko napansin at nakatitig na pala ako sa kanya habang nasa ere pa ang kamay kong may hawak ng kutsara na may lamang pagkain. Agad kong ipinagpatuloy ang naudlot kong pagsubo ng pagkain.

Nakita kong sumubo pa muna si Aldrin bago sinagot ang tanong ni Tairon.

“Nahuling nanonood ng porn.”

Agad na bumunghalit ng tawa si Tairon. “Seryoso?”

“Yeah.”

“Anong site iyan? Manonood ako,” natatawa pang sabi ni Tairon pero agad rin siyang natigilan nang sa nanlilisik na mga mata ay nilingon siya ni Chel.

May tinatago talaga si Rachel Ann. Humanda talaga itong babaeng ito sa akin mamaya sa room.

“Hindi naman kasi talaga porn iyon, sir. Romantic movie iyon. Nagkataon lang na iyong eksenang iyon ang siyang naabutan ni Mr. Moreno at agad naman siyang nag-conclude,” pagsusumbong ko kay Tairon. Umaasang kahit papaano ay kakampihan niya kami.

“Pero worth it naman ang pagkakakulong namin sa detention room,” wala sa sarili kong dagdag. Tunog kinikilig pa. Napatingin ako sa kanilang lahat at agad akong sinalubong ng mapanuri nilang mga mata.

“I-ibig kong sabihin... W-worth it kasi... Kasi natuto na kami na... na bawal manood ng ganoong palabas sa public place.”

Pigil pigil ko pa ang paghinga ko habang nagpapaliwanag. Ilang sandali silang walang imik until Curly broke the silence and laugh.

“Naaalala ko na naman tuloy ang kababuyang pinanggagagawa ni Kelsi kanina,” natatawa na namang sabi ni Curly.

Seriously? Kailan ba sila makakapag-move on?

Dahil na-curious si Tairon sa kung anong mga nangyari ay ayon at ikinwento na nga ng mga walanghiya kong kaibigan. Hindi na ako nakisali sa kwentuhan at halakhakan nila. Alangan namang ikwento ko pa ang mga kahihiyang nagawa ko?

“So ayun! Isinama niya si Sir Aldrin sa CR,” Tatawa pang sabi ni Chubby.

Natapos na kaming lahat sa pagkain at panay pa rin ang pagke-kwentuhan nila tungkol sa iba pang mga bagay. Mabuti na lang at nailihis na nila iyong topic at hindi na ako ang pinag uusapan nila.

“Ang ganda ng kwintas mo.” Nabigla ako at bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang pansinin ni Aldrin ang suot kong kwintas. Abala pa rin ang apat sa pinag uusapan kaya hindi nila kami napansin.

Napahawak ako sa kwintas ko.

“T-thank you po. Noong nakita ako ng Tatay Sergio at Nanay Linda ko ay suot-suot ko na raw ang kwintas na ito...” Napabuga ako ng hangin. “Ito na lang ang tangi kong pag asa para mahanap ko ang totoo kong pamilya,” sabi ko habang nakatingin sa suot kong kwintas.

“Ampon ka lang?” gulat na tanong niya. Lumingon ako sa kanya at agad siyang binigyan ng tipid na ngiti.

“Mahirap iyon,” komento niya.

Marahan akong tumango. “Syempre. Gusto kong malaman kung bakit ako iniwan ng totoo kong pamilya at hinayaang mag isa sa kalsada.”

“Ilang taon ka na, hindi mo pa rin nahahanap?”

Umiling ako. “Hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon. Noong bata ako ay lagi akong sumasama kay nanay sa paglalako niya. Nagbabakasakali kaming makita namin o mahanap ko ang mga magulang ko. Baka kasi ay naiwala lang nila ako. Kapag nga may magulang akong nakikita na naghahanap sa mga anak nila ay inaakala kong ako na ang anak nilang nawawala. Pero lumaki na lamang ako at nagdalaga ay hindi ko pa rin sila nakikita. Sa tingin ko, sinadya nila akong iwan at pabayaan. Kasi kung hindi babalikan nila ako sa kung saan nila ako naiwala.”

“Baka hindi pa tamang panahon,” sabi niya.

Napaismid ako. “Kung ganoon ay kailan? Walang tamang panahon at maling panahon sa taong maraming katanungan at naguguluhan, Sir Aldrin. Kapag nakita ko sila, sisiguraduhin kong masasagot lahat ng tanong ko.”

Hindi na siya muli pang nagsalita kaya natahimik na rin ako at muling bumalik sa pakikinig sa mga kaibigan kong nakikipagkwentuhan pa rin kay Tairon.

“E, talaga namang masungit siya,” sabi ni Chel.

“Hayaan niyo na at tumatandang dalaga,” natatawa namang sabi ni Tairon.

“E kasalanan ba namin kung bakit wala siyang lovelife?” si Curly.

“Narinig ko na iyong kwento niya, e. Hindi ako sigurado kung totoo o hindi pero kasi itong si Ms. Albarro—”

“Shhh!” Agad na pagpapatahimik ni Curly sa kanyang kapatid.

“Ay sorry! So ito na nga... Kaya raw tumatanda siyang dalaga ay dahil may nunal siya sa pwet. Kakambal niya raw ang malas kaya walang gustong mamuhay kasama siya,” sabay tawa ni Chubby.

Hindi ko ma-gets kung bakit siya natatawa. Hindi biro ang mamuhay mag isa. Malungkot.

“Deserve. Pangit din naman kasi ang ugali niya. Akalain mong ibinagsak niya iyong estudyante niyang lalake sa education department kasi raw ay hindi siya nito pinaunlakan sa request niyang ihatid siya sa bahay niya. E, sa layo ng bahay niya at lago siyang nai-issue kaya hindi pumayag ang estudyante niya ayon at ibinagsak. Pwede ba iyon, Sir Tairon? Hindi naman yata tama iyon 'di ba? Dapat ay sinet aside niya ang personal issue niya sa trabaho niya. Balita ko ay na-depress iyong estudyante,” sabi ni Curly.

“Nag suicide,” singit ni Aldrin kaya napalingon ako sa kanya.

“Totoo po?!” gulat na naibulalas ni Chubby.

“Oo. At iyong estudyanteng iyon daw ang sabi sabi ay madalas na nakikita sa office niya.”

Napayakap ako sa magkabila kong braso nang naramdaman ko ang paninindig ng balahibo ko. “Katakot naman,” sabi ko.

Nagpatuloy sila sa pag uusap at nakikinig lang ako. Pero mula sa peripheral vission ko ay nakikita ko si Aldrin na ilang sandali nang nakatitig sa akin kaya nagtanong na ako.

“B-bakit po?”

Nagagandahan ba siya sa akin kaya siya nakatitig? Halata kasi ang amusement sa mga mata niya.

“Kanina ko pa kasi napapansin... Pwede ba akong humiling sa iyo?” Napalakas ang boses niya kaya natigilan sina Tairon at ang mga kaibigan ko sa pag uusap tungkol kay Ms. Albarro at napatingin sila sa amin.

“Y-yes naman po.”

Napakamot siya sa batok niya at mukhang nag aalangan pa itong sabihin ang kung anumang gusto niyang hilingin.

“Uhh... Pwede... Pwedeng pakitanggal no’ng malunggay na dumikit sa ngipin mo? Nakaka-distract kasi, e.”

Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatutop sa aking bibig.

Shit!

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon