Kabanata 23

124 0 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Sino ba namang hindi magigising sa lakas ng boses ni Kuya Diego?

"LITTLE SISTER! GISING NA!" sigaw niya mula sa labas ng pinto.

Alam niyo 'yong feeling na parang may glue ang mga talukap mo na parang kayhirap dumilat? Gano'n 'yong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit antok na antok ako.

"Kelsi, come on!" sabi niya na ngayon ay rinig kong nasa malapit ko lang. Mukhang nasa tabi ko lang siya.

"Mm... Sandali lang."

"Breakfast is ready. Naghihintay na sina mommy at daddy sa dining table. I bet, hindi mo gugustuhing mapagalitan ni daddy sa pagiging late."

Agad akong nagmulat ng mga mata at mabilis na bumangon.

"Istrikto ba si daddy?" sa nanlalaking mga mata ay tanong ko kay Diego. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong pormadong-pormado na siya. Bagong ligo, nakapantalong at puting polo shirt na may tatak na maliit na kuneho.

Imbis na sagutin ako ay nagngising aso lamang siya saka agad na lumabas ng kwarto ko.

My goodness! Kahit pa sabihing ito ang pamilyang kinabibilangan ko, hindi ko pa rin pala talaga alam kung paanong kumilos ng naaayon sa kung anong gusto nila.

Mabilis akong nagtungo sa banyo. Naghilamos at nag-toothbrush. Hindi ko na masyado pang pinagtuonan ng pansin ang ayos ko at basta na lamang akong bumaba at nagdiretso sa dining area.

"Good-" bati ko sana pero agad din akong natigilan at napatungo nang nakita kong hindi lang pala ang pamilya ko ang naririto. May mga bisita pala sila na kasama sa breakfast na ito.

"Morning po," pagpapatuloy ko.

"Kelsi!" Nananaway agad ang boses ni mommy at hindi ko alam kung anong mali kong nagawa.

"Siya na ba 'yon, Sonya?"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Sa kutis at mukha nito ay makikita mong nabibilang din siya mayamang angkan. Mukhang magkasing-edad lang sila ni mommy kaya sigurado akong isa ito sa mga kaibigan niya. Malapad ang pagkakangiti niya at nagniningning pa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Napabuntonghininga pa si mommy bago niya nilingon ang babaeng nagsalita.

"Yes. Ito na nga si Kelsi." Nilingon niya akong muli. "You should've at least given yourself a good bath. But nevermind, maupo ka na lang, Kelsi."

"Wow! What a lovely girl you have. Hi, Kelsi! I am your mom's bestfriend. I am Karen Moreno."

Lumipat ang paningin ko sa katabi ng babae. Doon ko nakita ang nakangising aso na lalake na kaedad ko lamang. Tumaas ang isang kilay niya nang nakitang nakatitig ako sa kanya. Napasimangot ako.

I can't believe this! Nandito si Florence Moreno. Iyong mahangin na SSC president ng Dewford Academy.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lamang ako sa katabi niyang si Karen.

"Nice to meet you po." Ngumiti pa muna ako sa kanya bago ako dumulog sa lamesa.

Tumabi ako kay Diego at agad na bumulong. "Hindi mo sinabi sa akin na may bisita."

"Hindi ka rin naman nagtanong," bulong niya rin pabalik sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Paano ko itatanong? Alangan namang pagkagising ko itatanong ko kaagad kung may bisita ba o wala."

"That is why you have to be prepared as always. Unlike this morning, hindi ka naligo."

"What are you two talking about?" singit ni mommy sa aming dalawa ni Kuya Diego.

"Wala po," agad na sagot ko.

"Pinagsasabihan ko lang na dapat maligo muna bago bumaba," sagot naman ni Kuya.

Kunot noo ko siyang nilingon at pinanlakihan ng mga mata.

Sumbungero!

Hindi man malakas pero rinig mula dito sa akin ang mahina at nakakainsultong tawa ni Florence.

"Paano siya nakabalik?" Nilingon ako ni Mrs. Moreno. "Hija, how did you find them?"

Mommy laughed a bit. "Karen, we're not that hard to find. Laman naman kami lagi ng dyaryo, magazines, billboards, and even on TV. Who knows, baka nakita niya kami doon. Right, Kelsi?" ani mommy.

Tipid lamang akong ngumiti. Ang hirap kaya nilang hanapin.

"Anyway, Kelsi. This is my only son, Florence. Oh! Naalala ko pa noon, lagi kang nakasunod sa kanya," natatawang sabi ni Mrs. Moreno.

Napataas ang dalawa kong kilay at mangha akong napatingin sa kanya. Seryoso ba siya? Ako? Laging nakasunod sa mahangin na SSC president na 'yan? No way!

"Now that Kelsi's back. I think kailangan nating tuparin ang mga ipinangako natin sa mga lolo nila," sabi pa ni Mrs. Moreno na hindi ko na pinansin pa.

Tahimik akong kumain at wala na sa kanila ang buo kong atensyon. Naroroon na ako sa nami-miss ko na sina nanay at tatay.

Nagulat na lamang ako at tapos na ang breakfast.

"Kelsi, Rain will accompany you to our botique now. Kukunin niyo ang mga damit na pina-reserve ko doon," biglang sabi ni mommy pagkatayong-pagkatayo ko mula sa mesa. Ako ang pinakahuling tumayo at mukhang hinintay lang niyang matapos ako bago niya sinabi 'yon.

"Uhh... Bakit po siya?" Nilingon ko si Kuya Diego. "Bakit hindi si Kuya Diego?"

May kapatid naman ako. Bakit kailangan pang 'yang lalaking 'yan ang sumama sa akin? Ni hindi ko nga 'yan gaanong kakilala.

"Sorry, Kelsi. But I have some errands to do today. I can't come with you."

"Ganoon ba? Edi ako na lang mag isa ang kukuha. Kaya ko na 'yon, mommy! Ayaw ko pong makaabala pa ng ibang tao."

"Oh no honey! Hindi ibang tao si Rain. Soon you'll eventually thanked me for this," sabay ngiti ni mommy.

Kumunot ang noo ko. Thanked? Bakit naman ako magpapasalamat?

Lumingon ako kay Ulan at nakitang nakangising aso na naman siya sa akin.

"Come on, Kelsi. Move faster. Maligo ka na at huwag mo ng paghintayin pa si Rain."

"She can take her time, tita. I can wait."

"Rain, hijo. You'll be a good husband I'm sure," singit ni daddy.

Napailing na lamang ako at nagdiretso na sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos ay agad na akong bumaba. Puting t-shirt, itim na fitted jeans at doll shoes lang ang suot ko. Malayo pa lang ay kita ko na ang pandidiri sa mukha ni mommy.

"She's kind of..." pangunguna ni Mrs. Moreno.

"Yeah. I know. Mas maganda pa ang suot ng mga saleslady kesa sa kanya. Kahapon lang siya dumating, Karen. So I just really don't have an idea of what's her taste when it comes to fashion."

"It's understandable, Sonya. But she still looks beautiful though."

Hindi na sumagot si mommy at napabuga na lamang ng hangin.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now