Kabanata 48

100 1 0
                                    

"Oh? Ano ng resulta? Natahimik ka na d'yan," ani Sidney sabay hablot sa papel na hawak ko.

Tiningnan niya ito at hindi na muling natanggal ang kanyang mga mata roon.

"Sidney..." untag ko sa kanya pero wala akong natanggap na tugon. Nanatili sa papel ang kanyang mga mata.

"Sidney, positive ako sa sibling test—"

"Oo! Nababasa ko," pagpuputol niya sa akin.

Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. "B-bakit galit ka?"

"Hindi ako galit."

Marahan akong tumango habang nakatingin sa kanya.

She shook her head. "I'm confident earlier because I know magiging negative ang resulta mo. I know, I felt it. Wala akong nararamdamang lukso ng dugo. But now... I can't believe this."

Napalunok ako. Hindi niya ba ako matanggap kung sakali mang totoo ito?

"Nahihirapan ka bang tanggapin ako?" malungkot na tanong ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin at saka tipid na ngumiti. "I don't know. It's just that, hindi ako makapaniwala."

Natahimik ako't napayuko. Hindi ko magawang salubungin ang nagtatanong niyang mga mata.

"Ikaw si Tanya... Bakit hindi mo na kami naaalala?" puno ng emosyon ang boses na wika niya.

"Pasensya na."

Rinig ko ang marahas na pagbuga niya ng hangin. "We need to tell Kuya Tairon. Kailangan niyang malaman na ikaw si Tanya."

Walang lumabas na salita sa bibig ko. Nag angat lang ako ng tingin sa kanya at hinayaan lang siyang mag dial sa cellphone niya.

Sunod-sunod ang pagbuga niya ng hangin habang hinihintay na sagutin ni Sir Tairon ang tawag. Pero makailang-ulit na niya iyong idi-nial pero hindi talaga ito sumasagot sa tawag niya.

"He's not picking up his phone. Maybe he's busy. Let's go, Kelsi. Ihahatid kita sa bahay ng mga Guttierez—Oh! Please don't tell Diego or anyone about this. Hintayin mo ang tawag namin ni Kuya Tairon."

Pumayag ako sa nais niya kaya nang nakauwi ako sa bahay ay tahimik akong nag diretso sa kwarto ko. Naligo at nahiga na ako sa kama at lahat ay hindi ako pinatatahimik ng utak ko. Sino ang nagsasabi ng totoo? Sino ang nagsisinungaling? Saang pamilya ba talaga ako nabibilang?

Bumangon ako mula sa kama saka nagtungo sa opisina ni daddy dito sa loob ng bahay. Kumatok ako't nang nakarinig ng tugon mula sa loob ay pumasok na ako.

"Anak..."

"Dad..." Yumakap ako kay daddy. "Pwede po ba kitang makausap?" tanong ko nang humiwalay ako sa yakap ko sa kanya.

"Mm? Tungkol saan?"

"Uh... Dad, ang sabi kasi sa akin ni Kuya Diego, naipa DNA test niyo na raw po ako?"

Tumaas ang dalawang kilay niya marahil ay sa gulat. "Oh? Bakit mo itinatanong, anak?"

I bit my lower lip. "P-pwede ko po bang makita ang resulta?"

"Why? Hindi ka pa rin ba sigurado sa pagkatao mo, anak?" tugon ni daddy. Tinalikuran niya ako at nag diretso siya sa table niya.

"Positive ang resulta mo, Kelsi. Ako ang daddy mo. You're a Guttierez," wika niya habang inaabot sa akin ang resulta ng DNA Test na isinagawa nila.

Kagat labi ko iyong pinagmasdan. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na maintindihan ang lahat.

"Bakit, anak?"

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now