Kabanata 29

112 0 0
                                    

“Oh! She's finally here. Kelsi, anak this is Mr. and Mrs. Lim,” pagpapakilala ni mommy sa mag asawang nasa kanyang harapan.

Lim. Gaano ba karami ang may apelyidong Lim? Sila marahil ang parents nina Sidney at Tairon.

Ngumiti sa akin ang lalaking Lim na agad ko rin namang sinuklian ng ngiti. Maging ang babaeng Lim ay tumingin at ngumiti rin sa akin. Pero hindi na muli pang nag iwas ng tingin.

Nailang akong bigla.

Mabuti na lamang at dumating si Ulan kaya napunta roon ang atensyon nila.

Pero ako naman ngayon ang napatitig sa kanya. Hindi tulad ni Mommy Sonya ay mukha siyang mabait. Masyadong soft ang facial features niya na iisipin kong wala siyang naging kasalanan sa mundo.

“Nasaan ba ang mga anak ninyo?” tanong ni daddy.

“They're not coming. Alam niyo naman... Masyadong busy ang mga 'yon,” sagot ni Mrs. Lim.

“I'm so happy at nandito na ulit si Kelsi. You know, ang akala talaga namin ay matagal na siyang namaalam,” litanya ni mommy habang nakaangkla ang braso sa akin. Nakangiti siya sa babaeng kaharap pero mababakas sa tinig niya ang pang iinggit.

Tama! Namatay nga pala ang bunsong anak nila na si Tanya. Kasabayan ko lang din 'yon no'ng nawala.

“Well, Sonya. I'm glad that you're daughter came back alive.”

“Thank you, Lily. How about your daughter's case? Wala pa rin ba kayong lead?”

Panandaliang rumihestro ang gulat sa mga mata ni Mrs. Lim dahil sa biglaan at diretsong tanong na 'yon ni mommy. Mabuti na lang at agad niya 'yong naitago at pinalitan ng pekeng ngiti ang kanyang labi.

“My son Tairon already had an idea of what happened to their sister. He said na baka buhay pa talaga si Tanya.”

Sarkastikong natawa si mommy. “That's absurd! Hindi ba nga ay may nakita kayong bata? May inilibing kayong bata to be exact... Sino 'yon? Kung sinasabi niyong buhay pa ang anak niyo?”

Tipid na ngumiti ng sarkastiko si Mrs. Lim.

“Naniniwala akong buhay pa ang anak ko, Sonya...” sabay tingin nito sa akin. “Kung ang anak niyo nga'y bumalik sa inyo na buong akala niyo'y wala na.”

Umiling siya. “Hindi ako nawawalan ng pag-asa, Sonya. Dahil anak ko 'yon.” ani Mrs. Lim, emphasizing the last sentence.

“Excuse me,” dagdag pa niya saka kami tinalikuran.

Tinanggal ni mommy ang braso niyang nakaangkla sa akin. Saka nanlilisik ang mga matang tinitigan ang nakatalikod na si Mrs. Lim.

Mukhang hindi sila tunay na magkaibigan. Kung ganoon, plastikan lang pala ang mga ganap nila kanina.

Nang natapos ang party ay si Ulan pa rin ang naghatid sa akin pauwi. Ipinapaubaya nga ako ng pamilya ko sa kanya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na ganito na ang sitwasyon ng buhay ko ngayon.

“What were you thinking this time?” untag sa akin ni Ulan habang lulan kami ng sasakyan niya at binabaybay ang daan pauwi.

Iritado akong napapikit ng marahan. “Kailangan bang sabihin ko sa 'yo lahat ng nilalaman ng isip ko?”

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. Kita ko sa kanya ang pagkagulat.

Ilang sandali siyang nanahimik bago niya ipinarada ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada, pinatay ang makina at humarap sa akin.

“Pagkatapos na pagkatapos ng graduation mo ay aayusin na ang kasal nating dalawa.”

Kumunot ang noo ko. Graduation? Does he mean, college grad? Goodness! Ang tagal pa no'n!

Oh!

Hindi sa nagrereklamo akong matagal. What I mean is, masyado 'yong matagal para...

Hindi ba dapat ay masaya ako kasi matagal pa? Ang dami pang pwedeng mangyari. We might end up hating each other and execute a plan on how to stop this effin' fixed marriage.

Mataman akong napatitig sa kanya. Nagtataka ako kung bakit hindi ko makita sa mga mata niya ang pagtutol sa kalokohang ito.

Is he perhaps... approved of this?

“Ask me anything you wanna know,” dagdag niya nang marahil ay walang nakuhang tugon mula sa akin.

“Bakit?” Nanlulumo kong tanong. Hindi ko alam kung bakit bigla ay parang naiiyak ako sa sitwasyon ko.

Bigla ay na-miss ko sina nanay at tatay.

Para kasing hindi ganito ang buhay na gusto ko. Parang hirap ng buhay ng isang Kelsi Guttierez sa puder ng mga Guttierez. Parang kontrolado ang buhay ko dito.

Bumuntonghininga siya habang nakatitig sa akin.

“Kung iniisip mong gusto ko rin 'to... You're wrong. May mahal akong iba. But because I promise to my late grandfather that I will marry you... Kailangan kong tuparin 'yon. Natin. Kailangan natin 'yong tuparin.”

Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa bago niya muling wasakin ito.

“I have no plans of loving someone kasi bata pa lang ay alam ko ng tayo ang wakas.”

Hindi ako nakasagot. Ang batang ako ba sa puder nila ay alam ito noon?

Bakit wala akong matandaan? Bakit kahit na konti ay wala akong maalala tungkol sa kanila?

“I'm sorry to tell you this but... I was so happy when you died.”

Agad na nanlali ang mga mata ko't naikuyom ko ang mga palad ko. Paano niya nagawang maging masaya sa pagpanaw ng isang tao? Napakasama niya kung ganoon!

“Masaya ako no'n kasi ang naiisip ko no'n ay malaya na ako. Malaya na akong magpakasal sa babaeng mahal kong talaga. Kumbaga, para akong nakawala sa sumpa.”

Sumpa? Sumpa ang turing niya sa akin? Ang kapal ng mukha!

“No'ng nakilala ko si Sidney, alam ko na agad na siya ang gusto kong pakasalan. Na siya ang gusto kong makasama habang buhay. Pero bumalik ka. Buhay na buhay. Nabuhay muli ang mga sinumpaan natin sa mga lolo natin. Nakatakda ka ulit ikasal sa akin. Hindi lang para sa ikalalago ng kompanya ng Guttierez at ng Moreno, kung 'di ay para sa isang pangakong kailangan tuparin.”

Napapikit ako. Hindi ko kayang salubungin ang naninisi niyang mga tingin.Ipinaramdam niya sa akin ang galit niya sa sitwasyong kinasasadlakan namin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang sinisisi niya ako sa mga nangyayari. Kasalanan ko ba kung gustuhin kong mahanap ang totoo kong pamilya? Kasalanan bang hilingin ang makapiling sila? Hindi ko naman alam na ganito pala ang mangyayari sa pagbalik ko.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon