Kabanata 41

96 0 0
                                    

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Matapos niyang sabihin 'yon ay nag iwas siya ng tingin sa akin at hindi na muling nagsalita. Kaya hindi rin ako sigurado sa ibig sabihin ng mga salitang binitawan niya.

“A-ano pong ibig niyong sabihin?”

Hindi niya ako sinagot. Nag iwas ako ng tingin at gaya niya, itinuon ko na lang din ang paningin ko sa view.

Bagama't hindi nakatingin sa kanya ay umaasa pa rin akong tutugunan niya ang tanong ko. Pero mukhang disidido na siyang tapusin ang usaping 'yon.

“There you are!”

Nakarinig ako ng boses ng babae sa likuran. Pasimple ko pang tiningnan si Aldrin na parang walang narinig. Bago ko nilingon ang babaeng siguradong nasa likuran namin.

Bago pa man ako makaayos ng tayo ay naglakad na palapit ang babae kay Aldrin.

“Son, I've been looking for you. Tara na sa loob. Nais kang ipakilala ng mga Lim sa bunso nilang anak.”

Rinig ko ang marahas na pagbuga ni Aldrin ng hangin. Pero hindi na siya nagsalita pa at dumiretso na lamang sa paglalakad pabalik sa loob, kasunod niya ang babae na mommy niya pala.

“S-s-sir Aldrin,” kandautal ko.

Tumigil siya sa paglalakad saka dahan-dahan akong nilingon. Bahagya akong napaatras nang muling nagkasalubong ang aming mga mata. Walang ekspresyon ang kanyang mukha maliban sa mga mata niyang nangungusap.

Hinubad ko ang suit na kanina ay iniabot niya sa akin saka ko 'yon iniabot sa kanya.

“N-nakalimutan mo...”

Ilang sandali pa niya akong tinitigan bago siya ngumiti at naglakad palapit sa akin. Kinuha niya ang suit na inaabot ko. Ang akala ko ay aalis na siya matapos 'yong kunin pero nagulat ako nang ipatong niya 'yon ulit iyon ng maayos sa balikat ko.

“I know you wanted to stay here kesa sa loob. Malamig rito kaya... You can keep it, Kelsi.”

Hindi ako nakapagsalita. Sa loob ko'y tila may nagaganap na fireworks display.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko nang tuluyan na ngang pumasok si Aldrin sa loob.

Huli na nang namalayan kong kasama ko pa pala dito ang mommy niya. Naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Napayuko agad ako.

“Nice to meet you.”

Nag angat ako ng tingin saka bahagyang ngumiti sa kanya. Nakaka-intimidate ang aura niya.

“Nandoon din kami sa party mo. But we don't get the chance to introduce ourselves to you. I'm Genevive Torres, by the way. I bet you already knew my son Aldrin.”

“A-ah opo! Professor po namin siya sa isang subject.”

“Sa Dewford Academy ka nag aaral? What course?”

“Tourism po.”

Tumaas ang isang kilay niya. “Oh! I see. I suggest you to shift to business related courses, hija.”

Ngumiti siya sa akin bago tinapik ng marahan ang braso ko.

“Study well, hija. I'm sorry but I need to go. Nice to meet you again.”

Naiwan akong nakatingin pa rin sa kaninang kinatatayuan niya. Iyon ba ang mamanugangin ko? Siguradong impyerno ang magiging buhay ko kung sakali mang magkatuluyan kami ni Aldrin. Nakakatakot siya! Sa uri pa lang ng pananalita niya ay ramdam ko na, na hindi niya ako gusto para sa anak niya.

Napabuga ako ng hangin saka ako pumihit patalikod upang muling panoorin ang magandang view. Hindi ko akalaing ang nakakabagot at nakakainis na daloy ng trapiko ay napakaganda palang tingnan mula rito sa taas.

Totoo nga talaga 'yong sinasabi nilang nakadepende ang pananaw mo sa isang bagay sa estado at kinatatayuan mo sa buhay.

“Mm...” May biglang umungol.

“Damn! You're making me horny.”

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nilingon ang kung sino sa aking likuran. Nalaglag ang panga ko matapos makita kung sino ang mga taong may lakas ng loob na mag make out dito sa party na ito.

“Oh my god!” agad na naibulalas ni Sidney matapos akong makita.

“F-future w-wife...” bakas ang gulat sa mga mata ni Ulan.

“S-sorry... Y-you can c-continue,” sabi ko saka nagmamadaling pumasok sa loob ng hall kung saan ginaganap ang party.

He was just my fiancé in an agreement made by our grandfathers at wala kaming relasyon. But why do I feel betrayed? Seeing him kissing another woman in front of me feels like my heart was shot by a thousands of arrows.

“Kelsi...”

Agad akong natigil sa paglalakad nang naramdaman ang nanlalamig na kamay ni Ulan sa siko ko.

“Florence, let me go,” malamig na saad ko.

“Let's talk—”

“We don't need to, Florence. Please I don't wanna make a scene. Bumalik ka na kay Sidney.”

Sana naman ay makinig siya. Ayaw kong makasira ng party na hindi naman akin.

Padarag kong inalis ang siko ko mula sa pagkakahawak niya. Tinalikuran ko siya't agad kong iginala ang paningin ko sa buong hall. Hinahanap ko si Kuya Diego. Gusto ko nang umuwi.

“Mag usap tayo, Kelsi. I really want to explain,” pakiusap niya.

What's there to explain? Ang klaro klaro ng pagkakarinig ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang mga sinabi niya. Sidney's making him horny. Like what the fuck? Ginagago ba niya ako?

Hindi ko siya sinagot. Namataan ko si Kuya Diego sa grupo nina mommy at daddy kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit doon.

“Kuya...” tawag ko sa kanya pagkalapit ko.

“Oh! Kelsi, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa naming hinahanap,” tugon niya nang nilingon ako.

“Sa veranda, nagpahangin lang. Uh... Kuya, gusto ko nang umuwi.”

“But the party—”

“Mag ta-taxi na lang ako.”

“No need. I'll take you home,” singit ni Ulan na nasa aking likuran.

Napakagat ako sa labi ko. Ilang sandali lang ay ramdam ko na ang paglapat ng isang palad niya sa bewang ko.

Nagkibit-balikat sa akin si Diego. Ang ibig sabihin lang no'n ay ipinagkakatiwala niya ako kay Ulan.

“Tita, tito, sorry to disturb you but Kelsi wants to go home already. Ihahatid ko na po,” agad na pagpapaalam ni Ulan kay mommy at daddy. Kahit na hindi pa nga ako pumapayag na siya ang maghatid sa akin.

“Kelsi, bakit gusto mo nang umuwi?” tanong ni mommy. Napakagat akong muli sa aking labi. Wala akong maisagot sa kanya.

The truth is hindi ko talaga alam kung bakit ginusto kong umuwi. Bigla na lang 'yong pumasok sa utak ko. Marahil ay nababagot lang talaga ako.

O dahil may iba akong nararamdaman.

Hindi naman siguro ito dahil kay Ulan at Sidney 'di ba? Hindi naman siguro ako affected sa kanila since wala naman akong feelings para kay Ulan.

Pero hindi na ako sigurado. Hindi ko na maintindihan. Nakakainis!

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt