Kabanata 62

122 1 0
                                    


"Gano'n sila kasama?" hindi makapaniwalang sabi ko. Paano nila nagawang pumatay ng maraming tao? Paano nila nagawang pumatay ng mga taong walang kalaban-laban?

Naninikip ang dibdib ko. Bumuhos sa akin ang mga ala-ala ko kasama ang mga taong pinatay nila. Si Lolo at Lola, si Chel at ang pamilya niya. Tapos pinagtangkaan pa nilang patayin ang totoo kong ina? Inosente ang mga taong pinatay nila. Bakit nila nagawa 'yon?

"Alam niyo 'to? Pero hinayaan niyong manatili sa bahay na 'to ang Tanya na 'yon?"

"That's part of our plan, Kuya. Marami pa kaming dapat na malaman tungkol sa kanila kaya hinayaan namin siyang manatili rito."

"And risking our mother's health?"

"Ate, kailangan ko nang umuwi. Pasensiya na," singit ko at agad nang tumayo at tumakbo paalis.

Nang makapasok ako sa loob ng kotse ay doon ko lang nagawang ibuhos ang mga luha ko. Bakit naging ganito? Anong pinagmumulan ng galit nila at umabot sa ganito ang kasamaan nila?

Naging mariin ang pagkakahawak ko sa steering wheel. Hindi ako makakapayag na hindi nila mapagbabayaran ang mga kasalanan nila. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng mga mahal ko. Magbabayad sila.

Salubong ang mga kilay ko habang nag-da-drive ng mabilis. Alam kong hindi pa ako mas'yadong sanay sa pagmamaneho pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko at naging mabilis ang pagpapaharurot ko. Pakiramdam ko'y ito lang ang tanging paraan para maibsan ang sakit at galit na nararamdaman ko ngayon.

Halos hingalin ako matapos kong ihinto ng biglaan ang kotse ko sa tapat ng Condo ni Aldrin. Nanlilisik ang mga mata kong pinagmasdan ang building niyon.

Humugot pa ako nang malalim na hininga bago ako nagdesisyong lumabas ng kotse.

"Kelsi?" Nanlalaki ang kan'yang mga mata nang makita ako pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan.

Agad kong naikuyom ang mga kamay ko. Gusto ko siyang sampalin na lang bigla. But I managed to smile a bit, pilit na itinatago ang galit ko sa likod ng mga ngiting iyon.

"May oras ka ba? Gusto kitang makausap."

He smiled. Gusto kong matawa. At nagawa niya pang ngumiti sa akin. Ang kapal ng mukha niya.

"Pasok ka," aniya.

Pumasok ako at nagdiretso sa sofa niya. Hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko. Ilang taon na ang nagdaan pero wala man lang nagbago sa interior design ng condo niya at gano'n pa rin ito tulad noon.

"Mabuti naman at nakipagkita ka sa akin," aniya at naupo sa harapan ko.

Tumitig ako sa kan'ya. Agad namang naglikot ang mga mata niya. Hindi niya magawang ipirmi ang kan'yang mga mata sa akin.

"G-gusto mo ng juice? Coffee? Tubig?"

"Wala. I don't need anything, Aldrin. Just the truth."

Nangunot ang noo niya. "Nasabi ko na sa 'yo lahat ng alam ko."

"Talaga ba? Ayon sa narinig ko'y alam mo kung nasaan si Chel. Kinidnap niyo ba siya? Anong plano niyo sa kan'ya? Papatayin niyo rin ba?" Hindi ko na napigilan pa ang pagtaas ng boses ko. Nagupuyos ako sa galit at hindiko na kayang itago pa 'yon.

"What are you talking about? I don't know anything about Chel."

"Sinungaling ka!" Napatayo ako. Tumayo rin siya at lumapit sa akin.

"Kelsi, nagsasabi ako ng totoo! Wala akong alam kung nasaan siya."

"Aldrin, ano ba! Nandoon ako no'ng tinanong ka ni Kuya Diego kung nasaan si Chel. Hind ako bingi."

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon