Kabanata 36

98 0 0
                                    

Ang kaninang nakakunot na niyang noo ay mas lalo pang nangunot.

“I'm your fiancè...” mahina pero may diin ang bawat katagang sabi niya. “At ang ibig sabihin lang no'n ay girlfriend na kita.”

Umawang ang labi ko. “Hindi tayo, Ulan. Walang tayo,” matigas na tugon ko.

Umangat ang isang gilid ng labi niya. “I already told you, Kelsi. Whether you like it or not... You'll end up being my wife.”

He held my hand at hihilahin na sana niya ako paalis pero nagmatigas ako. “Ano ba, Ulan?! Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi na kita maintindihan! Ang akala ko ba ay galit ka sa akin dahil nagbalik pa ako? Hindi ba ay si Sidney ang gusto mo? Then why the hell are you doing this?”

Binasa niya ang labi niya habang nakatitig sa akin. Napaatras ako ng ilapit niya ang kanyang mukha sa akin pagkatapos.

“I already like you.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Ibinuka ko ang bibig ko upang magsalita pero wala ni isang kataga ang lumabas sa bibig ko kaya muli ko na lamang iyong itinikom.

Gusto na niya ako? Paano? Bakit parang ang bilis naman yata?

“Got it? Gusto na kita.”

“P-paano si Sidney?” Hilaw akong natawa. “Gano'n na lang 'yon? Hindi mo na siya mahal? Nagbalik lang ako na dapat ikakasal sa 'yo, nawala na agad si Sidney sa puso mo? Ganoon ba kababaw ang pagmamahal mo sa kanya? Kung ganoon nga... Mas lalo mo lang akong binibigyan ng rason na huwag magpakasal sa 'yo!”

Kumalas ako mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko, tumalikod at tumakbo paalis.

I still have four years to execute a plan kung paano ang gagawin ko para hindi matuloy ang kasal namin ni Ulan. At kailangan itong matigil sa lalong madaling panahon.

Kunot na kunot ang noo ni Aldrin habang nakatutok sa plato niya. Siya ang pinakaunang natagpuan ng mga mata ko pagkapasok na pagkapasok ko sa cafeteria dito sa dorm. Ang mga kaibigan ko'y nasa table din nila ni Sir Tairon. Maging si Sidney ay naroroon na siyang ipinagtaka ko.

Dumiretso ako sa table nila at naupo sa bakanteng upuan na napapagitnaan nina Chel at Sidney.

Na kay Sidney ang paningin ko habang umuupo. Lumingon siya sa akin gamit ang nanlilisik na mga mata na agad namang sinaway ni Sir Tairon.

“Saan ka nanggaling?” tanong ni Chel.

“Uh... May pinuntahan lang sandali.”

Bahagya pang nangunot ang noo ni Chel. May bahid ng pagdududa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang ilang sandali lang ay tumango-tango siya.

“Ms. Guttierez, pwede ba kitang makausap?” bigla ay sabi ni Sidney na agad kong ipinagtaka.

“At bakit mo naman siya kakausapin? Pwede kayong mag usap dito pero hindi sa labas. Baka kung ano pang gawin mo, e!” agad na litanya ni Chel.

“Pwede ba! Huwag kang praning. Wala naman akong gagawing masama sa kaibigan mo!” tugon naman ni Sidney.

“Ah talaga? E, nakailang sampal ka na nga ulit sa kanya?”

Hindi nakasagot si Sidney kay Chel. Natigilan siya't napaiwas ng tingin. Wala nga siyang gagawing masama sa akin. Pero nakakatawang isipin na nakailang sampal na siya sa akin. Masama rin naman 'yon.

Nauna nang tumayo si Sidney at naglakad paalis. Kaya tumayo na rin ako't agad na sumunod sa kanya.

“I saw the two of you...” bigla ay sabi ni Sidney pagkalabas na pagkalabas namin ng dormitory.

“N-nino?”

“Ni Florence.”

Napakagat ako sa labi ko. Sa tono ng boses ni Sidney ngayon ay tila ba nararamdaman ko 'yong sakit na nararamdaman niya.

“What did he tell you?”

I took a deep sigh. “He said he's...”

Muli kong nakagat ang pang ibaba kong labi. I'm stuck between telling or not. Natatakot akong baka mas masaktan ko siya.

“What?”

But who cares anyway? Sino ba ako para protektahan ang feelings niya? Anong karapatan ko?

“He said he's i-inlove with m-me,” nauutal kong sabi.

Sidney let out a loud sigh. “I thought you're going to lie.”

Mabilis na nagpang-abot ang mga kilay ko. “What are you trying to say?”

“Narinig ko rin kayo,” aniya saka nag angat ng tingin sa bilog na buwan.

Napayuko ako. “I'm sorry.”

“Kelsi...”

Muli akong nag angat ng tingin sa kanya. “Me and my brother wants to confirm something.”

Nagpang-abot ang mga kilay ko. Ano na naman kaya ito?

Hindi ako sumagot sa kanya at nanatili lang na nakatingin sa kanya. Ilang sandali pa siyang nakatitig sa buwan bago nagbaba ng tingin sa akin.

“Let's do a DNA test.”

Mas lalong nangunot ang noo ko. Ako ba ang ipapa-DNA test? Bakit naman? Sigurado akong ako si Kelsi Guttierez kaya bakit pa? Para saan pa?

Sarkastiko akong natawa. “Bakit naman? Para saan? Bakit feeling ko you crossed the line this time?”

Napalunok siya. Kinakabahan ba siya? “Basta... Bukas na bukas ay sasama ka sa amin para magpa-DNA test.”

“Teka nga! Bakit ko naman gagawin 'yon?”

She bit her lower lip. “Sasabihin namin sa 'yo pagkatapos nating gawin 'yon.”

“No. Sabihin niyo muna sa akin ngayon,” matigas na sabi ko.

Marahan siyang pumikit at unti-unting nagbuga ng hangin. “May hinala si Kuya Tairon na ikaw ang...”

“Ang alin?”

“Ang kapatid namin.”

Nanlaki ang mga mata ko. Paano naman nangyari 'yon? E, may pruweba ako na ako si Kelsi Guttierez. Itong kwintas ko pa lang ay sapat nang katibayan. Maging si Ulan ay kinumpirma 'yon.

“Pinaglalaruan niyo ba ako?”

“Hindi...” aniya na bumalik na ngayon sa pagiging mataray. “You know what, si Kuya Tairon lang talaga ang may gusto nito. At kung ako ang pagdedesisyonin ay ayaw kong gawin mo 'to. Tama na sa akin na wala na si Tanya. At kung ikaw man 'yon, hindi rin kita tatanggapin bilang kapatid. I just hope she really died for real,” bulong niya sa huling linya.

Napalunok ako. Bakit ba tila galit na galit sa mundo itong babaeng ito?

“Sidney...”

“Kung ayaw mong gawin, edi huwag— Ah! Kaya ba ayaw mong gawin kasi gusto mong manatili bilang Kelsi Guttierez na fiance ni Florence? Is that why? Do you want him already?”

She smirked.

“You're not going to be his wife. It's the place I am going to fill in... Not yours.”

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon