Kabanata 4

202 0 0
                                    

"Bakit ba kasi ipinangligo mo ang pabango mo? Ayan tuloy... Napansin ka nga pero para punain," sabi ni Chel habang sumesegway pa ng malakas na tawa.

Kahit sina Chubby at Curly ay pinagtatawanan ako. Napapatingin tuloy sa amin ang ibang estudyanteng kumakain dito sa cafeteria.

"Nyenyenye!" I mumbled saka ko sila inismiran at nagpatuloy ako sa pagkain.

"Uyy! Crush niya si Sir Aldrin!" panunukso pa ni Curly.

Agad na nanlaki ang aking mga mata. Gusto ko pa sanang takpan ang bibig niya ang kaso ay malayos siya sa akin. Hindi ko siya abot.

"Hoy! Hindi ah!" tanggi ko.

Napataas naman ang isang kilay niya. "Talagang hindi?"

"Hindi. Hindi talaga!" Kunot na kunot ang noo ko habang itinatanggi ang sinasabi ni Curly na may crush ako kay Aldrin. Panay pa ang pag lingon ko sa magkabilang gilid para lang maiwasan ang mga nanunukso nilang titig.

Never akong aamin. Kahit pa tamang hinala sila. At saka crush lang naman ito. Hindi naman siguro big deal ang magkaroon ng paghanga sa isang propesor hindi ba?

Habang kumakain ay nagke-kwentuhan silang tatlo ukol sa nakaraan nila. Pare-pareho silang nag high school sa Dewford High na katabi lang nitong academy.

"Hindi naman sa minamaliit kita sister. Pero kasi hindi ba ay sexy ang hinahanap doon. Malamang hindi ka talaga mananalo. At saka sa laki mong iyan? Papaano kita mamaliitin? Heler!" litanya ni Curly.

"Ah basta! Naniniwala talaga akong binayaran ni Sidney ang mga judge para siya ang tanghaling panalo," sabi ni Chubby.

Umirap si Curly. "Tanggapin mo na lang kasi ang pagkatalo mo."

Pinupuno ko lang ng pagkain ang bibig ko since hindi naman ako kailangan na magsalita. Wala naman akong alam sa kung anong pinag uusapan nila. Out of place ang drama ko. Natigil lang ang pagtatawanan ng tatlo nang biglang tumahimik ang buong cafeteria at tanging yapak lang ng takong ang gumagawa ng ingay. Napalingon kaming lahat sa hagdan na nagkokonekta sa first at second floor ng cafeteria kung saan nanggagaling ang tunog.

Literal na nakanganga ang lahat. Pababa mula sa ikalawang palapag ang isang babaeng singpayat ni Miss Universe Catriona Gray. Umaalon ang kulay chestnut niyang buhok. Nakikita rin ang pantay at mapuputi niyang ngipin dahil sa walang humpay niyang pag ngiti sa bawat kakilalang nadadaanan. That pointed nose of her also reminds of the famous Liza Soberano's viral photo. Ang kanyang nakataas na kilay na kahit na nagmamaldita ay bumagay naman sa hugis puso niyang mukha. Sobrang puti niya. Halos magkakulay kami pero mas maputi siya. Parang alagang-alaga ang kanyang balat at hindi pinahihintulutang masinagan ng araw.

Natigil siya sa paglalakad nang nakarating sa table namin.

Ang ganda niya lalo na sa malapitan!

Nakangiti akong nakatitig sa kanya habang nakatingala. I can't get enough of this beauty in front of me. Grabe! Nakakatomboy!

"Hi!" nakangiti niyang bati sa amin.

"Hello!" Magiliw kong bati pabalik. Halos nagkasabay kami ni Chel pero siya ay halatang walang gana nang sabihin iyon. Kaya agad akong napalingon sa kanya.

Nakita ko ring nasa malayo ang paningin nina Curly at Chubby na parehong nakanguso at nakakunot ang noo. Bakit naman kaya ganito umakto itong mga ito?

Muli akong tumingala sa magandang babae nang narinig ko ang kanyang pag ismid.

"Still the pathetic Rachel Ann Macasaet who hates me, huh!" Nang aasar ang tono ng kanyang pananalita. Parang iba, e. Hindi sila friendship?

"Pathetic? Talaga ba? At ako talaga ang tinawag mong pathetic? Look who's talking," ganti ni Chel dito.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon