Kabanata 17

122 1 0
                                    

Naging magalaw ang mga mata ni Aldrin. Hindi niya magawang salubungin ang mga tingin kong mapanuri.

“Let's e-eat, Ms. Guttierez,” he said. And wait... Did he just stummer? Naiilang ba siya sa akin?

Nagkibit balikat ako at nagsimula na lamang kumain ng leche flan na in-order niya para sa akin. Nakailang subo pa lamang ako nang nakita namin ang mga estudyante, maging sina Chel, Chubby, at Curly na natatarantang nagtatatakbo palabas ng dormitory. Nagtakbuhan silang lahat papunta sa field.

Nangunot ang noo ko at agad akong napatayo.

May isang salita sila na paulit-ulit nilang sinisigaw.

“Sunog! Sunog! Sunog!”

Tumayo na rin si Aldrin. Kakausapin ko pa sana siya pero nagmamadali na agad siya sa pagtakbo palabas ng cafeteria upang puntahan ang mga natatarantang estudyante sa field. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang sumunod na rin sa kanya.

“Chel, anong nangyari?” sapo-sapo ko ang dibdib ko at habol-habol ko ang hininga ko habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa tuhod ko. Napagod ako sa pagtakbo.

“Nasusunog daw sa eleventh floor,” si Chubby ang sumagot sa tanong ko. Nilingon ko si Chel at naiiyak ito habang nakatingin sa dormitory.

May usok ngang nanggagaling doon pero hindi naman masyadong malakas. Wala rin akong nakikitang apoy.

“Chel, ayos ka lang?”

Nilingon niya ako sandali bago niya agad na ibinalik ang paningin sa dormitory.

“Nasa loob pa ang mga professors, Kelsi. Baka napano na sila roon.” Halata ang pagkabahala sa kanyang mga mata.

Wala akong naisagot sa kanya kaya napatingin na lang din ako sa dormitory.

Ilang sandali pa kaming nanatiling ganoon at kabado bago namin nakita ang paglabas ng mga professors.

“Maam, ano na pong balita? Masusunog na po ba ang dormitory?” Narinig kong tanong ng isang estudyante sa babaeng propesor.

Ngumiti naman ang propesor sa estudyante. “Ayos lang ang lahat. Huwag na kayong mag alala dahil hindi naman talaga iyon malaking sunog. May isang estudyante lang na broken hearted at nagsusunog ng mga litrato nila ng ex-boyfriend niya sa loob ng kanyang kwarto. Dahil sa dami ay lumaki ang apoy at marami ang usok na lumabas kaya inakala ng mga nasa kabilang kwarto na nasusunog na ang dormitory.”

Napabuga ako ng hangin. Iyon naman pala. Minsan talaga ibang nerbiyos ang hatid ng pag ibig.

“But even if it is a false alarm. Nag-panic pa rin ang lahat at karamihan sa mga parents niyo ay nagsipagtawagan dahil sa pag aalala kaya papauwiin namin kayo ngayon at sa Monday na lamang ulit mag re-resume ang klase,” dagdag niya pa.

Ang kaninang mga kabadong mukha ay agad na napalitan ng malalaking ngiti. Ewan ko ba at bakit nasisiyahan ang lahat sa tuwing walang pasok. Kung hindi naman nila gustong pumasok dapat ay hindi na sila nag enroll in the first place.

Kinuha lang namin sandali ang mga gamit namin sa dormitory saka kami nag diretso na sa gate para makauwi na.

Nakatayo na kami nina Chel sa gate habang hinihintay ang sundo nina Chubby at Curly nang lumapit sa amin si Tairon. Nakasunod naman sa kanya ang kapatid niyang si Sidney.

“Tinitingin-tingin mo?” mataray na tanong sa akin ni Sidney nang abutan niya akong nakatingin sa kanya. Kahit medyo natakot ako sa ginawa niyang pagtataray ay nginitian ko pa rin siya ng pagkalaki-laki dahilan upang manlaki ang kanyang mga mata.

“Anong pangalan mo?” Pati sa pagtatanong ng pangalan ay tinatarayan niya ako. Jusko! Sobrang kabaligtaran sila ng ugali ni Tairon. Napakamaldita nga niya.

“She's a Guttierez, sister,” singit ni Tairon, sinasagot ang tanong ng kanyang kapatid.

An evil smile escaped from Sidney's lips.

Dumating ang sundo nina Chubby at Curly kaya naibaling ko sa kanila ang atensyon ko.

“Bye, guys! See you on Monday!” pagpapaalam ni Chubby na agad namang sinaway ng kapatid.

“Gagala tayo sa Sunday hoy! Kaya magkikita tayo sa Sunday. Kahit kailan talaga makakalimutin ka! Kaybata-bata mo pa, ulyanin ka na!” ani Curly.

“Tss. Sige, kitakits na lang sa Sunday, Chel at Kels!”

Nakangiting kumaway sa amin ang magkapatid na Chubby at Curly kaya kinawayan rin namin sila pabalik ng may ngiti sa labi.

“So... You are the long lost heiress of our company's rival, Kelsi Guttierez.”

Napalingon ako kay Sidney nang nagsalita itong muli sa likuran ko matapos ang ilang sandali. Napalayo si Chel at Tairon sa amin at mukhang nag uusap sila ng seryoso kaya hindi nila napansin ang sinabi ni Sidney.

Hindi ako nakasagot sa kanya at nakatulala lamang ako habang nakatingin sa pinaghalong asul at berde niyang mga mata.

“Kelsi!”

Napalingon ako sa bukana ng gate kung saan ko narinig ang tumawag sa pangalan ko. Nakita kong tumatakbo si papalapit sa amin si Diego. Kasama niya ang mga teammates niya sa basketball.

“D-diego...” naiusal ko.

“Ngayon kita isasama sa bahay,” seryosong sabi niya.

Napatingin ako kay Chel at Tairon. Nakita kong umaliwalas ang mukha ni Chel pagkakita kay Diego habang umiigting naman ang panga ni Tairon at nakakunot pa ang noo. Bahagya tuloy na nangunot ang noo ko.

Nang napansin siguro ni Diego na nakatingin ako kina Chel ay agad na lumipad ang tingin niya sa kanila. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang nakakalokong ngisi na sumilay sa labi ni Diego pagkakita kay Tairon. There is something about them at hindi ko iyon alam. Nakakapanlumo!

“Ngayon na kita isasama sa bahay.” Nagbalik ako ng tingin kay Diego at ibinigay ko sa kanya ang buo kong atensyon nang muli siyang nagsalita.

“No! She is not coming with you!” singit ni Tairon na siyang ikinagulat ko.

“Kuya?” nagtatakang tawag ni Sidney kay Tairon.

“And why the hell? She claimed that she is my sister so as of this moment... She gave me the rights to make her come with me wherever I wanted to.”

“Hindi niyo pa sigurado iyon,” bakas ang galit sa boses na sabi ni Tairon.

Diego smirked. “Kaya nga isasama ko siya. Bakit ka ba nakikialam?”

Natigilan sandali si Tairon bago nakabawi. He crossed his arms at saka siya nagtaas ng noo kay Diego.

“M-may pinapagawa ako sa kanilang dalawa ni Ms. Macasaet so she's not allowed to go anywhere. Dapat ay magkasama lang silang dalawa.”

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Tairon. Wala naman akong naaalalang may pinapagawa siya sa amin ni Chel. O baka hindi niya pa lang nasasabi sa amin?

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Diego. “Again, Mr. Lim with all due respect. Sa ating dalawa ako ang mas may karapatan kung totoong siya nga ang kapatid ko. This is a family matter kung saan wala kang kinalaman. Ako ang kuya at hindi ikaw. In addition to that, nasa labas tayo ng school. Why don't you just go on with your investigation about your long lost sister instead—” Natutop niya ang kanyang bibig. “My bad! Patay na nga pala iyong kapatid niyo,” he mocked.

Agad na nanlisik ang mga mata ni Tairon habang nakatingin kay Diego. Kita ko rin kung paanong nanginig ang kanyang mga kamao. Nagbabadya itong lumipad sa ere papunta sa mukha ni Diego. Ngunit gamit ang dalawang kamay ay hinawakan iyon ni Chel kaya marahil ay nakapagtitimpi ito.

Napatingin ako kay Diego at nakitang seryoso rin siyang nakatingin sa kamay nina Chel at Tairon. Pinaghalong pagkairita at sarkastiko ang ngiting nakasilay sa kanyang labi.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt