Kabanata 60

105 0 0
                                    


“Let’s start eating,” si Mommy Sonya.

Nagsimula kaming kumain pero ang ngisi sa mukha ni Kuya Diego ay ‘di pa rin nawawala.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Minsan naiinis ako sa mommy ni Ulan. Hindi ko na mabilang kung makailang ulit na ba n’yang nabanggit ang tungkol sa kasal namin ni Ulan. Maging si Mommy Sonya at Daddy ay pinabulaan na ang usaping iyon.

“What are you doing here?” Hindi ako  lumingon kahit pa narinig ko na ang boses ni Ulan sa likuran ko.

“Bakit ka nandito?” tanong ko.

Naupo siya sa tabi ko. Ibinabad niya rin ang mga paa niya sa tubig ng pool, ginagaya ang ginagawa ko.

“Sinusundan ka. Ano namang gagawin ko sa loob? Magpaiwan ro’n para magisa ng parents mo at ng mommy ko? No way.”

“Nando’n naman si Kuya Diego, eh.”

“Umalis si Diego. May pupuntahan raw.”

Napalingon ako sa kanya. “Saan?”

Nagkibitbalikat siya. Inalis ko ang mga paa ko mula sa pagkakababad nito sa tubig at tumayo ako.

“Tara,” sabi ko kay Ulan.

“What?”

“Let’s go. Hanapin natin si Kuya Diego. Kailangan natin siyang sundan, dahil baka may alam na siya kung nasaan sina Chel.”

“Ugh! Come on, Kelsi. Pwede bang bukas na lang? Wala ka bang jetlag? Ang taas ng energy mo, ah.”

Napabuga ako ng hangin. “Are you going or not?”

“Not.”

Seryoso akong napatingin sa kanya. Sa halos anim na taon naming pagsasama ay masyado na naming kilala ang isa’t-isa. Si Ulan ‘yong tipo ng taong kung ano ‘yong desisyon niya, iyon na ‘yon. Mahihirapan ang kung sinumang magtatangkang sirain ang pader na binuo niya para sa lahat ng desisyon niya.

“Fine.” Padabog akong bumalik sa pagkakaupo ko sa tabi niya. At sa inis ko’y winisikan ko siya ng kaunting tubig mula sa pool.

“What the hell, Kelsi!?” Naibulalas niya sabay tingin sa damit niyang ngayon ay medyo basa na.

“That’s what you get,” halakhak ko.

“Seriously?” iritado ng tugon niya. Kunot na kunot na ang noo, madilim na ang ekspresyon ng kan’yang mukha. Huminto ako mula sa paghalakhak pero naroroon pa rin ang mapang-asar kong ngiti sa labi ko.

“Sorry, Ula—Ah!” pang iinis ko pa sana. Pero ako ‘yong nainis nang bigla ay itinulak niya ako sa pool. Isang hawi niya lang sa akin gamit ang isang kamay ay bumagsak na ako sa napakalamig na tubig ng swimming pool namin.

Marunong akong lumangoy. Pero imbis na umahon mula sa pool ay umakto akong nalulunod.

“Tu... tulong! Tu... long... Hindi ako marunong... lu... mangoy!” sabi ko habang patuloy sa pag a-aktong ginagawa.

Naulinigan ko ang nag-aalalang mukha ni Ulan bago siya lumusong sa tubig upang sagipin ang nagpapanggap na ako. Gusto ko ng matawa.

Nang maramdaman ko na ang matipuno niyang mga braso na pumulupot sa katawan ko ay umayos ako ng tayo. Hanggang dibdib ko lang naman ‘yong tubig. Ang tanga ni Ulan.

“Fuck!” Tumalikod siya sa akin. Umalingawngaw ang tawa ko habang pinapanood siyang nagpupuyos sa galit.

“Naughty girl,” aniya saka ako winisikan ng tubig. Gumanti rin ako sa kan’ya. Hanggang sa iyon na ang naging libangan naming dalawa sa gabing iyon.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now