Kabanata 30

113 0 0
                                    

“I was the one who put that necklace on your neck.”

Napatingin ako sa kanya. Was he that close to me before at talaga binigyan niya pa ako ng kwintas?

“Kung alam ko lang na 'yang kwintas na 'yan ang magiging daan mo pabalik. Hindi ko na lang sana 'yan ibinigay.”

Nalaglag ang panga ko.

“You're selfish,” hindi makapaniwalang saad ko.

Oo at hindi ko siya masisisi. Pero nasasaktan ako sa mga pinagsasasabi niya. Gaano ba katatag ang pangakong binitawan niya sa lolo niya at ganito na lamang siya kung makapagsalita? Parang sinasabi niya sa akin na dapat ay hindi na lamang ako bumalik at namatay na lang ng tuluyan.

Ang sama niya! Napakasama niya!

“Yes, I am.”

Napapailing-iling ako habang nakatingin sa kanya.

“Paano mo 'yan nasasabi sa harapan ko? Paano mo ako nagagawang saktan? Ngayon lang tayo nagkakilala! Ngayon lang tayo nagkasama, Florence! Ngayon lang!” bulyaw ko sa kanya.

Naikuyom ko ang mga kamao ko nang nagsimulang pumatak ang ilang butil ng luha mula sa aking mga mata.

Hindi niya alam ang mga pinagdaanan ko. Hindi niya alam kung paano kong hilingin sa bawat gabing dumaraan na sana'y makapiling at makasama ko na ang mga magulang ko na kaytagal kong pinanabikan. Hindi niya alam kung gaano kahirap ang bitbitin ang lahat ng katanungan sa isip ko tungkol sa pagkatao ko.

Wala siyang alam pero heto siya't sinasabi ang lahat ng 'to sa akin na parang alam niya ang lahat ng tungkol sa naging buhay ko.

“BECAUSE YOU'RE THE FUCKING REASON WHY! KASALANAN MO 'TO! IKAW ANG DAHILAN KAYA NANGYAYARI ANG LAHAT NG ITO! KAYA PINILI KONG SAKTAN ANG BABAENG MAHAL KO! KAYA AKO NASASAKTAN! IKAW ANG DAHILAN, KELSI! IKAW!”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa naging sigaw niya. Tumutulo na rin ang mga luha niya kahit pa ang kanyang mga matang nakatingin sa akin ay nag aapoy sa galit.

“Hindi ko kasalanan kung gustuhin kong makita at makilala ang pamilya ko, Florence!” humikhikbing saad ko.

“Pero kasalanan mo ang lumuhod at magmakaawa sa lolo mo na ipakasal ako sa 'yo!” bagama't kalmado na ay nababakas pa rin ang galit sa kanyang boses.

Napakapit ako sa door handle. Nag iwas ako ng tingin sa kanya habang sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin. Nahihirapan akong huminga. Gusto kong umiyak pero huminto ang paghikbi ko.

Anong nangyayari? Anong mga pinagsasasabi niya?

Binuksan ko ang pintuan. Uuwi na lamang akong mag isa. Hindi ko siya kayang makasama ng ganito. Ayaw ko pero kinakain ako ng konsensya ko.

“Stay,” matigas na sabi niya.

I shook my head. “Kaya kong umuwi mag isa.”

“Close the door. Ihahatid kita.”

Napapikit ako ng mariin.

“Tatawagan ko si Diego. Sasabihin kong magpapasundo na lamang ako dito.”

“And then what? Make me look bad to them kasi hindi kita magawang ihatid ng maayos?”

“No!” Napatingin ako sa kanya. “It wasn’t my intention! I-I just wanna go home alone.”

“You can be alone in your room.”

Lumapit siya sa akin at siya na ang nagkusang magsara ng pintuan. Sa sobrang lapit niya sa mukha ko ay naaamoy ko na ang gamit niyang pabango.

Nilingon niya ako nang hindi umaalis sa harapan ko. Napaatras ako bigla dahil kamuntikan nang magpang-abot ang mga ilong namin.

“You'll pay for what you did, Kelsi. At sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang mga ginawa mo.”

No need. I already am regretting kahit na hindi ko naman maalalang lumuhod ako sa lolo ko para ipagmakaawa ang kasal na ito.

Tahimi na kami at wala nang imikan nang ihatid niya ako. Pagkadating sa bahay ay nagdiretso agad ako sa kwarto ko at hindi na pinansin pa si Diego na nakangiti sa akin.

“What's with the face?”

“Pasensya na, kuya. Gusto kong mapag isa.”

Gustuhin ko mang matulog ng gabing 'yon ay hindi ko magawa. Pilit akong ginugulo ng mga salita ni Ulan.

“Good morning!”

Naiangat ko ang paningin ko kay Aldrin nang pumasok siya sa classroom kinabukasan. Napaayos ako ng upo at itinutok ang buo kong atensyon sa kanya.

“Ipagpapatuloy natin ang paglalaro ng basketball ngayon. Get yourselves ready. I'll be waiting outside.”

Napapailing ako habang sinusundan siya ng tingin palabas.

Napakagwapo talaga! Napakalinis tingnan!

Gulat akong napatingin kay Chel nang hawakan nito ang baba ko't iniangat ng bahagya upang tulungan akong itikom ang bibig kong hindi ko namalayang nakanganga na pala habang pinagpapantasyahan si Aldrin.

“Baka kasi pasukan ng langaw,” nakangising aniya.

Umakto akong sasapakin siya kaya agad siyang lumayo sa akin habang tumatawa.

“Dahan-dahanin mo, Kelsi! Professor natin 'yang gusto mong landiin!”

Tumayo ako't nabatukan ko na siya ng tuluyan. Kay aga-aga iniinis ako.

“Wala akong plano no!”

Hanggang crush lang naman ako! Wala akong planong landiin siya. Yuck! Ang cheap kaya ng ganoon.

Nameywang siya. “Ahh! May fiancé ka na nga pala.”

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman 'yon? Nasa party ba siya kagabi?

“Oh, ano? Nagtataka ka kung bakit ko nalaman no?”

“Pumunta ka sa party kagabi?”

Kumunot ang noo niya. “Hindi no! Nasa news lang naman kasi kayo at saka nasa magazine! Ay, wait...”

Kinuha niya sa desk niya ang cellphone niya at agad siyang nagtipa doon.

Ilang sandali lang ay inabot niya sa akin ang cellphone niya.

“Oh!”

Agad na nalaglag ang panga ko matapos makita kung anong nasa balita. Dalawa ang litratong narooon. Isa ay 'yong nakatalikod kaming pareho at nakapulupot ang isang braso ni Ulan sa bewang ko habang ang isa naman ay 'yong nakangiti kaming pareho habang naglalakad papasok ng hall.

“Ang ganda ganda mo d'yan, Kels! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang napakayaman mo at isa kang tagapagmana. Tapos dumagdag pa 'tong ikakasal ka kay Florence Moreno! Alam mo bang ang daming galit sa 'yo?” natatawa pang sabi niya.

At ikinatuwa pa niyang maraming galit sa akin ha!

“Bakit? Anong kasalanan ko?”

“Aba! Ang dami kayang fansclub na nakakalat d'yan sa labas. May mga team RainNey ding nagpo-protesta d'yan. Hindi mo pa ba sila nakakasalubong kanina pagkapasok mo dito?”

Umiling ako.

“Ah! Hindi ka pa nabu-bully. Wait for it.” sabay halakhak niya.

Hindi ko na alam kung kaibigan ko pa ba siya o ano.

Bakit parang tuwang-tuwa siyang ibubully ako?

“Member ka ba ng team Rainney? Kung makatawa ka d'yan!”

“Hindi no! Excited lang ako kasi alam kong gagantihan mo sila. Kilala kita, Kelsi! Hindi ka nagpapa-bully. Naisip ko lang na ngayong ikaw na ang fiancé ni Rain. Ikaw na rin ang magiging reyna ng school at hindi na si Sidney!”

Nalukot ang mukha ko. Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ni Rachel? Kung saan saan umaabot ang imahinasyon niya. Tsk!

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now