Kabanata 8

145 2 0
                                    

Isang lalakeng mukhang koreano ang istriktong nakatayo sa harapan naming apat. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa amin. But despite of his mad expression ay kapansin-pansin talaga ang kagwapuhang taglay nito.

“Se detention room na kayo magpaliwanag. Here’s your love letters,” sabi nito saka may iniabot na maliliit na piraso ng papel sa akin na agad ko namang tinanggap.

“Magkita-kita tayo doon in less than 30 minutes.”

Tahimik ang mga kasama ko kaya tahimik din ako hanggang sa makaalis na siya.

“Sino iyon?” tanong ko sa kanilang tatlo pero walang sumagot sa akin kaya nilingon ko at nakitang nakatulala lamang sila.

“Hoy!” sigaw ko pero tiningnan lang ako.

Napabuntonghininga ako at tinalikuran na lamang silang lahat. Sinimulan kong ligpitin ang nagkalat na plastic ng mga chips na kinain namin. Pati na rin ang mga lata ng coke. Ilang sandali pa ay halos tumilapon ang mga hawak ko sa gulat nang biglang sabay-sabay na nagsigawan ang tatlo.

“Ahh!” si Curly na agad tinakpan ang bibig.

“Oh my god!” si Chel habang pinapaypayan ang sarili.

“Totoo ba ito?” at si Chubby na pinagsasasampal pa ang sarili.

Napakunot ang noo ko. Ano na namang nangyayari sa mga ito?

“He’s the supreme student council president, Mr. Florence Moreno aka. Rain. Singlamig ng hanging dulot ng ulan ang trato sa lahat. Ngunit nagagawang painitin ng kanyang maswerteng girlfriend. Ang swerte ng girlfriend niya at nagagawa niyang ngitian. E, kaming ordinaryong tao lang sa buhay niya ay sinisimangutan niya lang,” mahabang eksplinasyon ni Curly habang naglalakad kami papuntang detention room. First time ko ito. Jusko!

“And guess who’s the lucky girl,” nagmamalditang sabi ni Chel sa akin.

“I don’t want to guess. Not interested,” bulong ko.

“Ito naman ang kill joy! But anyway, si Sidney. Ang swerte no? Pero ang malas naman ni Rain sa kanya kasi ang pangit ng ugali ng babaeng iyon.”

At dahil ramdam ko na naman ang galit niya kay Sidney ay baka ito na ang tamang panahon ko para magtanong.

“Ang laki talaga ng galit mo kay Sidney no? Parang sagad hanggang buto! Inano ka ba niya?” tanong ko.

“Nah! Huwag na nating pag usapan!”

Nasa harap na kami ng double doors kung saan may nakasulat na detention room in bold letters and in all capslock. Pangalan pa lang, nakakatakot na.

May pitong estudyanteng nakaupo sa loob ng room nang nakapasok kami. Dumiretso kami ng upo sa mga upuang nakita. Pero hindi pa man nag iinit ang puwet ko sa pag upo ay bumukas na ang pintuan at iniluwa nito ang lalakeng nagbigay ng detention slip sa akin kanina.

Agad akong napatayo nang nakita kung sinong sunod na pumasok.

“Sino ba 'yang mga estudyanteng sinasabi mo na nanonood ng porn?”

Oh dear! Another kahihiyan moment for me!

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Aldrin nang nakita kami bago nangunot ang kanyang noo at bumuntonghininga siya ng malalim.

Naupo siya sa silyang nasa harap at saka niya ipinatong ang mga kamay niya sa table. “Mr. Moreno, please tell me what exactly happened,” istriktong utos niya sa lalakeng nakatayo sa kanyang tabi habang ang paningin ay nakatutok sa akin.

“Naglilibot po ako sa garden nang nakita ko ang apat na ito, sir,” sabay tingin nito sa amin. “Nagkukumpulan sila. Akala ko noong una ay may inaaral sila sa harap ng laptop. But as I stole a glance, may nakita akong lalake at babaeng nakahubad. They are watching pornography, sir.”

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon