Kabanata 13

124 0 0
                                    

News flash!

The former CEO Joseph Guttierez of the Guttierez Corporation died just this morning, January 28, 2007 7:00 a.m due to cardiac arrest. Ito ay matapos marinig ang balita na ang pinakamamahal niyang apo na si Kelsi Guttierez ay namatay sa nasabing plane crash nitong umaga lang din.

The bereaved family is now investigating the said plane crash happened in Davao.

“Papuntang Davao Del Sur si Kelsi kasama ang nanny niya. Nagpumilit siyang sumama sa nanny niya na bibisita sana sa pamilya nito sa Davao.” - Jonathan Guttierez

“Wala kaming masisisi sa nangyari. It was an accident. Ang magagawa na lang namin ngayon ay ang magdasal.” - Sonya Guttierez

“Stop asking me questions. Hindi pa patay ang kapatid ko.” - Diego Guttierez

***

Habang nakatingin sa nagugulat na mukha ni Diego ay pilit namang nagsusumiksik sa utak ko ang isang article na nabasa ko sa internet kamakailan lang.

Isa sa mga goal ko kapag nakatungtong ako ng Manila ay ang hanapin ang totoo kong mga magulang.

Pero hindi iyon madali. Sobrang hirap pala talaga kahit pa may mga sources ka na.

Bago ang pasukan dito sa Dewford Academy ay nagpaalam ako kina tito at tita na mamamasyal ako sa MOA pero ang totoo ay pumunta ako ng Makati para hanapin ang Guttierez Corporation na sinasabi sa article. Dahil hindi ko kabisado ang lugar ay umaasa lamang ako sa google map. Mabuti na lang at hindi ako naligaw.

Pero na-disappoint ako nang nakitang hindi Guttierez Corporation ang naroroon sa lugar na iyon. Ibang pangalan ang nasa harap ng building. Hindi rin katulad ng larawang nakita ko sa internet noong nakaraang buwan.

Nanlumo ako noon. I'd tried to search any related articles from the Guttierez family pero wala na akong nakita pa. So I stopped searching.

Kaya noong nalaman kong nandito si Diego Guttierez ay nabuhayan agad ako ng pag asa. He might be my brother.

“Sagutin mo ang tanong ko. Paano iyan napunta sa iyo?”

“Suot-suot ko na ito mula pa pagkabata.”

Ilang sandali siyang natulala sa kwintas ko bago niya ako nagawang hatakin palayo sa mga estudyanteng maaaring makarinig sa amin.

“Hindi ikaw ang kapatid ko. Matagal na siyang patay. So don't you ever play with her memory. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin,” sabi niya habang hawak-hawak ng mahigpit ang braso ko.

“N-nasasaktan ako,” reklamo ko. Pero imbis na pakinggan niya ako ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

“Sino ka? At bakit nasa iyo ang kwintas ng kapatid ko? Saan mo nakuha iyan?”

“Sinabi ko na sa iyo. Ako nga si Kelsi!”

“Fuck!” naibulalas niya saka niya ako tinalikuran.

Kita ko kung paanong nanginig ang kanyang mga kamao habang nakakuyom iyon ng napakahigpit.

Napasinghap ako nang naramdaman ang paninikip ng aking dibdib. Nasasaktan ko ba siya? Mahirap ba akong tanggapin? Mahirap ba akong paniwalaan? Ang alam nila ay patay na ako. Sigurado din naman ako na ako ang kapatid niya. Nakita ko ang litrato ko, e.

Napaatras ako nang bigla akong nilingon ni Diego. Namumula na ang kanyang mga mata nang tingnan niya ako.

“Kung ikaw nga si Kelsi... N-nasaan ka sa loob ng labing tatlong taon? Pinaniwala mo kaming lahat na patay ka na.”

Agad na naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi.

Naniniwala na ba siya ngayon sa akin?

“Naniniwala ka bang ako si Kelsi?”

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at unti-unting umiling.

“Imposible!”

“Imposible pa rin ba gayong nakikita mo na ako sa harapan mo?”

“Paano ako maniniwala sa iyo kung ang tanging patunay mo lang ay ang kwintas na iyan!”

“Hindi niyo nakita ang katawan ko matapos ibalitang sumabog ang eroplano 'di ba? Hindi niyo makikita kasi buhay ako!”

Tumuwid siya ng tayo. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ay hinila niya ako palapit sa kanya. Sunod kong naramdaman ay nasa bisig na niya ako.

“Just for this moment... Maniniwala akong ikaw ang kapatid ko. Please... Gusto ko lang iyon maramdaman ulit,” sa nanginginig na boses ay sambit niya habang yakap yakap niya ako.

“I miss my sister so much.”

Niyakap ko rin siya pabalik. Naipikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang higpit ng yakap niya. Nararamdaman ko ang pangungulila niya.

“If you were really my Kelsi... I'd be so happy.”

Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon bago niya tinanggal ang pagkakayakap sa akin saka niya agad na inalis ang mga luhang nagkalat sa kanyang pisngi.

“Isasama kita sa bahay. ”

“Ha?” Umawang ang bibig ko. Agad agad? Ipapakilala na ba niya ako sa mga magulang niya? Makikilala ko na ba agad ang mommy at daddy ko?

“Kilalang kilala ka ni daddy kaya kung makikita ka niya... Alam kong siya ang kukumpirma kung ikaw ba talaga si Kelsi o hindi,” sabi niya saka ako agad na tinalikuran. Mabilis siyang naglakad palayo na agad namang sinundan ng mga kasama niya.

Napaupo ako sa bench na nakita ko sa may likuran. Hindi ko akalaing magiging ganito ang pakiramdam ko matapos kong magpakilala kay Diego. May kulang pa rin. Pero kahit papaano ay masaya ako. Kahit na hindi pa lubusang naniniwala si Diego.

“Wala kang pasok?” Napatayo ako bigla nang narinig ang baritonong boses na galing sa likuran ko.

“S-sir Tairon!” gulat na saad ko.

“So... Magkapatid kayo ni Mr. Diego Guttierez? Kaya pala pamilyar ang pangalan mo.”

Naupo ito sa bench kung saan ako naupo. Siya ang pumalit sa pwesto ko.

“O-opo! Ako ang anak nina Sonya at Jonathan Guttierez na inakala nilang namatay sa pagsabog ng eroplano.”

Tumango siya. “Yeah. I heard about the plain crash. It’s the talk of the town way back. The heiress of the Guttierez Corporation died on a plain crash. At agad na sumunod ang lolo niya. Inatake sa puso matapos marinig ang nangyari sa apo nito. That was very heartbreaking. Because that same day... Our youngest sister died too. Nalunod sa dagat ng Siargao.”

Nakatulala siya habang binibigkas ang bawat kataga. Parang inaalala nito ang mga nangyari 13 years ago. Magkasabay pala kami ng kapatid niyang si Tanya na naikwento na niya sa amin. Swerte nga lang ako at buhay.

Paano naman ako mamamatay? Kung ang kwento sa akin ni nanay ay iniwan daw ako ng isang babae. Hindi naman patungkol sa plain crash ang mga sinasabi niya. Palaisipan pa rin sa akin ang mga ito. Magulo masyado.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now