Kabanata 6

154 0 0
                                    

Nakakabagot ang pangalawang araw ng eskwela. Puro babae na kasi ang sumunod na mga propesor. At puro mga maldita pa.

Napahiga agad ako sa higaan ko nang nakapasok kami sa dorm. Alas singko na ng hapon at ngayon lang natapos ang klase namin.

Matapos makapagbihis ng tatlo ay niyaya nila agad akong maligo sa swimming pool ng school namin. Gusto ko sanang sumama pero pagod pa ang katawan ko kaya gusto ko na munang magpahinga.

"Kayo na lang," tanggi ko sa kanila.

"Ang KJ naman nito," ani Curly.

"Kapag nagbago isip mo. Sumunod ka na lang ah?" sabi naman ni Chel.

"Nandoon si Sir Aldrin for sure. Ayaw mo talagang sumama?"

Nakaka-tempt ang sinabing iyon ni Chubby. Gusto kong makita si Sir Aldrin pero naubos yata ang lahat ng energy ko sa kakasulat at kakayuko kanina sa klase. Kaya tinanggihan ko na talaga ng todo ang tatlo.

Naidlip ako't nagising ng bandang alas siyete. Nakatulog ako na suot pa ang navy blue naming uniform. Kaya pala feeling ko mainit pa rin kahit na naka-aircon ang room. Masyado kasing hapit sa katawan ko ang puting blouse ng aming uniporme. Samantalang maiksi naman ang palda namin.

Napagdesisyunan kong lumabas at sumunod kina Chel kaya nagbihis na muna ako. Simpleng puting tshirt at maong short lang ang isinuot ko.

Bago ako dumiretso sa pool ay bumili pa muna ako ng sukang paumbong flavored na chicharon ni mang juan sa cafeteria. Matapos makabili ay saka ako nagtungo sa pool habang kumakain.

Nasa bukana pa lang ay pansin ko na kumpol ng mga natatarantang estudyante ng Dewford Academy. Humahangos ang mga ito at nagsisisigaw ng tulong. May iba pang tumatakbo palabas na nakasalubong ko. Kamuntikan pa nga akong mabangga.

"Sino bang marunong mag CPR diyan?" narinig kong may sumigaw.

"Nasaan ba kasi ang mga med students?"

"Nagkaklase pa raw, e."

Nagpatuloy ako sa paglalalad palapit. Mukhang may nalunod yata. Hindi ako sigurado pero base na rin sa mga kilos ng lahat ay parang ganoon nga ang nangyari.

Nakita ko sa kumpol ng mga estudyante sina Chel. Bakas sa mga mukha nila ang pag aalala. Itinapon ko sa gilid ang hawak kong chichirya at saka ako agad na tumakbo papunta sa kanila.

Hinawi ko ang ibang nakakaharang sa daraanan ko. At halos mawalan ako ng hininga sa aking nakita. Basang-basa at walang malay si Aldrin!

"M-marunong akong mag CPR!" Bagaman kinakabahan ay nilakasan ko ang loob ko.

Tinuruan kami noong high school kung paano ang tamang pag C-CPR. May naaalala pa naman ako at siguro ay sapat na iyon para tumulong ako imbis na maghintay sa kung pwedeng tumulong.

Napatingin ang lahat sa akin at kita ko kung paanong napabuga ng hangin ang iba. Tila nakahinga ng maluwag.

Lumapit ako kay Aldrin at naupo sa kanyang harapan. Inilagay ko ang dalawang kamay ko kanyang dibdib saka buong lakas kong itinutulak. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para sana bigyan siya ng hangin.

Pero hindi ko pa man tuluyang nailalapat ang bibig ko sa kanya ay dumilat na siya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita ako kasunod niyon ay ang pag-ubo niya at ang paglabas ng mga tubig mula sa kanyang bibig.

Narinig ko ang matunog na pagbuntonghininga ng ibang estudyante na naririto. Nawala na ang kabang naramdaman nila ilang sandali ang nakakalipas.

"Ano ba iyon? Bakit ang baho?" reklamo ni Aldrin.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now