Kabanata 34

95 0 0
                                    

“Ano bang pumasok sa kokote mo, Kelsi? Hindi naman kita tinulak kaya sinong tutulak sa 'yo? Oh gosh! Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari!”

“Kelsi, are you okay? Damn it! Saan ang masakit sa 'yo?”

Nag aalalang boses ni Aldrin ang mas pinakinggan ko kaysa sa talak ni Chel. Nang mag angat ako ng tingin sa kanya ang nag aalala niyang mga mata ang sumalubong sa akin. Imbis na sagutin siya ay agad akong yumapos sa kanya.

Finally! Na-chansingan ko rin. Good job, Kelsi!

Narinig ko ang pasinghal at sarkastikong tawa ni Chel.

“Takot na takot ako. Hindi ko alam kung anong nangyari. Bigla na lang parang may hanging tumulak sa akin,” pagke-kwento ko habang hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap kay Aldrin.

“It's okay. Wala ka bang sugat? Wala bang masakit sa 'yo?” nag aalala pa ring tanong ni Aldrin.

Umiling ako. “N-natakot lang.”

"Halika, ihahatid kita.”

“Ay! Naku, Sir Aldrin parating na ang kuya niyan. Ako na po ang bahala sa kanya...” singit ni Chel sabay padarag akong kinuha mula kay Sir Aldrin.

Napatayo ako ng tuwid sa tabi ni Chel.

“Wala ka namang sugat 'di ba? Patingin nga ng tuhod mo...” Sinilip ni Chel ang suot kong saya. “Oh! Wala naman. Ayos lang po siya, Sir. Huwag po kayong mag alala.”

Napabuga ng hangin si Aldrin. Alanganin naman ang naging pagngiti ko sa kanya.

“Ano ba kasing nangyari, Kels? Bakit mo naman ginawa 'yon?” tanong sa akin ni Chubby habang naglalakad kami sa loob ng mall dalawang araw mula no'ng insidente sa school kung saan kamuntikan na akong masagasaan ni Aldrin.

“Gusto lang talagang mapansin ni Sir Aldrin, e,” singit ni Chel. Pinandilatan ko siya ng mga mata pero pinandilatan niya lang din ako.

I took a deep sigh. “Ewan ko. Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko 'yon nagawa no'ng araw na 'yon,” sinsero kong saad.

Iyon ang totoo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa ko 'yon. Never did I fall on someone before. Ngayon lang. Kaya marahil ay hindi ko pa gamay ang kung paanong kumilos ng naaayon sa nararamdaman.

Pumasok sina Chubby at Chel sa isang coffee shop kaya magkasabay din kami ni Curly na sumunod sa kanila.

“Mahal mo na talaga?” tanong ni Curly nang nakaupo kami.

“Hindi naman talaga. I mean, hindi pa ako sigurado. Pero ang alam ko, may nararamdaman na ako para sa kanya,” I honestly answered.

Chel mischievously smiled. “Lahat naman tayo may nararamdaman para kay Sir Aldrin. Sadyang iba lang talaga 'yong sa iyo.”

“Ang importante, hindi ko pa mahal.”

“Hindi mo pa mahal? Pero nagawa mo na 'yong tumakbo ka sa gitna ng kalsada para lang mapansin ni Sir Aldrin. Surely, hindi mo pa mahal! Tss!” sabi ni Chubby.

“Oh, sister bakit parang galit ka pa kay Kelsi? Iyong totoo... Nagseselos ka ba? May gusto ka na rin kay Sir Aldrin?” natatawang bulyaw naman ni Curly sa kapatid.

“Kapag ba galit nagseselos kaagad? May gusto agad sa propesor nating 'yon? Iyang utak mo talaga e no?!” tugon din ni Chubby kay Curly.

Nagpapalipat-lipat na naman tuloy ako ng tingin sa kanilang dalawa. Magsisimula na naman ba sila sa favorite hobby nilang bangayan?

“Bakit? Anong meron sa utak ko?”

“Ay! May utak ka pala?” sabay halakhak ni Chubby.

Tumawa nang tumawa si Chubby na agad ring natigil matapos siyang batukan ni Curly. At nagpisikalan na naman po sila.

“Hindi talaga kayo titigil?” bigla ay singit ni Chel. “Mabuti pa, Chubby ay umorder ka na lang since ikaw naman ang mas nakakaalam sa kung saan ang pinakamasarap d'yan.”

“Ah... Banyo lang ako, guys. Naiihi ako,” pagpapaalam ko sa kanilang tatlo.

Nagdiretso agad ako sa CR. Pagkatapos na pagkatapos ko ay lalabas na agad ako mula sa cubicle ang kaso ay may narinig akong nakakaintrigang usapan. Wala naman dapat akong pakealam kung may nag uusap man o ano. Pero kasi narinig ko 'yong apelyido ng mga Lim. At iba ang kutob ko dito.

“I told you. Babagsak din ang kompanya ng mga Lim. At kapag nangyari na ang lahat ng plano ay siguradong luluhod sila papunta sa amin upang magmakaawa.”

“So kumusta naman ang pamilya mo?”

“Sinong pamilya ko ang tinutukoy mo? Iyong totoo ba o 'yong fake?”

“Siyempre 'yong fake!”

“Ayon... Paniwalang-paniwala sila na ako nga ang totoong bunso nila. Let's go na nga! Baka magtaka pa 'yong mga kuya ko kuno kung bakit ang tagal natin dito sa banyo.”

“Nacu-curious pa naman ako kung gaano kayo ka-close no'ng kapatid mong babae.”

Nang narinig ang pagsarado ng pintuan ng CR ay nagmadali agad ako sa paglabas ng cubicle. Nais kong habulin 'yong mga babaeng narinig kong nag uusap. Gusto kong makita kung sino sila.

Pero may kasabay akong lumabas mula sa isa sa mga cubicle. Agad na namilog ang mga mata ko pagkakita kung sino.

“Sidney...”

“Narinig mo rin?” tanong niya sa akin. And as usual tunog nagtataray na naman.

“A-ang alin?” pagmamaang-maangan ko.

“Oh god! Alam kong narinig mo ang mga sinabi ni Tanya at no'ng kaibigan niya.”

Umawang ang labi ko. Ibig sabihin si Tanya 'yon? E, bakit parang gusto niyang pabagsakin ang kompanya ng pamilya niya?

“E 'di ba k-kapatid mo si T-Tanya?” Nakakunot pa rin ang noong tanong ko.

“Kapatid ko nga si Tanya. Pero 'yong babaeng narinig natin, iyon 'yong nagpakilalang Tanya Lim, iyong kinidnap at namatay naming kapatid. Pero hindi siya 'yong kapatid namin at ngayon ko napatunayan 'yon.”

Mas lalong umasim ang ekspresyon ng mukha ko.

“Ang gulo naman!” reklamo ko.

Bumagsak ang balikat niya habang nakatingin sa akin. “Bakit nga ba ako nag e-explain sa babaeng umahas sa boyfriend ko?” aniya bago dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

Nakakatakot ang hatid na tunog ng mga takong ni Sidney.

“Miss Kelsi Guttierez, we're not close nor friends. But do me a favor...”

Nanghihingi ba siya ng pabor o inuutusan niya ako?

“Huwag na huwag mong ipagkakalat 'yong mga narinig mo. Not even with your friends.”

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now