Kabanata 33

106 0 0
                                    

“Ayos ka lang?”

Lutang man ay pinilit ko ang sarili kong lingunin ang mga kaibigan kong dinulugan na ako sa table ko.

“Woah! Kinikilig pa rin ako!” Nailipat ko ang paningin ko kay Curly nang marinig ko ang tili niya. Kitang kita ko kung paano niyang paypayan ang sarili niya na para bang siya'y naiiinitan.

Napabuga ako ng hangin saka pasiring na inilipat ang paningin sa kanila.

“Saan ka naman kinilig?”

“Aba! Sa paraan pa lang ng pagtitig at paghaplos niya sa 'yo...” ani Chel habang nakapikit at hinahaplos ang kanyang pisngi, ginagaya ang paraan ng paghaplos ni Ulan sa pisngi ko kanina. “At 'yong kiss! Ahh! May feelings siya sa 'yo, Kelsi!” tili niya.

Napuno ng tili ang lamesa namin. Nawalan ng pakialam ang mga kaibigan ko sa kung sinumang makarinig sa ingay nila.

Natawa ako't napapailing. Kung alam lang nila na halos isumpa na ako ng lalaking 'yon. Mahal na mahal kaya no'n si Sidney. At sigurado akong sa pagkakataong ito ay nag iisip na siya ng plano sa kung paanong makukuha ang mana niya nang hindi nagpapakasal sa akin.

Pero iyon ang akala ko.

Dahil sa araw-araw na nagpapang-abot kami ni Ulan ay nagiging extra sweet na siya sa akin na tila ba'y nagpapahayag ng damdamin. O baka naman ay assuming lang ako?

“Wait for me here. I'll go get you some snacks.”

Katatapos lang ng klase namin no'n nang ayain niya akong maglakad-lakad sa school namin habang hinihintay ko si Kuya Diego na matapos sa klase niya.

Friday na naman at uuwi na naman kami sa mga bahay namin.

“Ano kaya kung ayain ko sina mommy at dadday na mamasyal no?” nakangiti at excited na excited kong sabi kay Ulan nang nakarating ito sa aking harapan mula sa kung saan.

Iniabot niya sa akin ang isang bote ng soda at isang chichirya.

“Imposibleng mapapayag mo sila, Kelsi. Masyado silang busy sa kompanya niyo.”

Napanguso ako. Hindi ba talaga sila excited na maka-bonding ako? Parang wala lang kasi sa kanila ang pagbabalik ko. Para bang alam na nila na babalik ako kaya hindi sila excited na makasama ako. Ewan ko ba! Ang gulo ng pakiramdam ko sa tuwing naiisip ko ang pamilya ko.

“Ano kaya kung mag date tayo?”

Kunot noo ko siyang nilingon. “Date?”

“Mm,” tango niya.

Umismid ako. “Baliw ka ba?”

“What? What so wrong with asking you on a date?”

Tss!

Imbis na sagutin siya ay itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa kinakain kong chichirya.

“Next time kung ililibre mo ako. Iyong chicharon ni Mang Juan ang bilhin mo. Iyon ang paborito ko.”

Agad na naningkit ang mga mata ko't bumusangot ang aking mukha nang bigla ay bumunghalit siya ng tawa.

“Alam mo, hanggang ngayon iniisip ko pa ring sinungaling ang mga kaibigan ko.”

Huminto siya sa pagtawa pero ang multo niyon ay naka-plaster pa rin sa kanyang mukha. “Bakit naman?”

“Kapag kasi magkasama tayo ay maingay ka naman, taliwas doon sa sinasabi nilang one man one word ka. Tapos hindi ka pa raw palangiti. E, ang ingay mo nga kasi tawa ka nang tawa!”

Mas lalo lang siyang natawa sa mga sinabi ko.

“KELSI!”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na 'yon. Doon ay nakita kong nag uunahan sa pagtakbo ang mga kaibigan ko upang makarating sa kinaroroonan ko.

Halos sabay lamang silang nakarating habang naghahabol ng kanilang hininga. Pinagtaasan ko sila ng kilay.

“May marathon?” sarkastiko kong tanong.

“Have you... heard the news?” ani Chubby.

“Anong news?”

“Buhay si Tanya Lim!” bigla ay sigaw ni Chel na nagpawindang sa akin.

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo. Hindi ako makapaniwala. Halos magkasabay lamang kaming nawala noon. At ngayo'y kasabay ko lang din siyang nagbalik?

Hmm... Parang may something fishy na nangyayari.

“Coincidence...” rinig kong komento ni Ulan. Nababasa ba niya ang iniisip ko?

“Kaya pala isang linggo na akong hindi tinitext ni Tairon. Iyon pala ay inaasikaso niya ang pagbabalik ni Tanya—”

Agad na naputol ang pagsasalita ni Chel nang pagkalingon niya sa amin ay nakakunot na ang aming mga noo habang nakatingin sa kanya.

I knew it! May something sa kanilang dalawa.

“What?” Chel mouthed.

Curly crossed her arms. “Baka naman may iba ka pang nais sabihin sa amin, Ms. Rachel Ann Macaset.”

“Ano namang sasabihin ko?” kunot noong tugon ni Chel.

“Are you guys in a relationship?” singit ni Ulan na mas lalong nagpakunot sa noo ni Chel.

“W-w-what? N-no! No! No! No!” natatarantang pag de-deny ni Chel saka agad na nag iwas ng tingin.

“Hindi ngaaa!” bulyaw niya sa amin matapos makitang ang mga nagdududa naming mga tingin ay nakapukol pa rin sa kanya.

“So... Saan niyo naman nabalitaan 'yan?” tanong ko.

“Nag text si Sir Tairon kay Chel,” sagot ni Chubby.

“Textmates kayo?” natatawa kong sabi.

Muli na namang kumunot ang noo ni Chel na pinagtawanan naming lahat.

Ang balitang patungkol kay Tanya ay natabunan ng panunukso namin kay Chel sa kaugnayan nito sa isa naming propesor.

Naunang umuwi si Ulan. Maging ang magkapatid na Curly at Chubby. Tanging si Chel lang ang kasama ko sa parking lot habang hinihintay si Diego na sumingit pa sa basketball practice niya.

“Ang tagal naman ng kapatid mo,” reklamo ni Chel.

“Nag text naman na sa akin, last game na raw.”

“Kanina pa 'yon, e.”

Napakagat labi ako nang nakitang papalabas si Aldrin. Hindi ko na nagawang pansinin si Chel. Dumiretso si Aldrin sa itim niyang sedan. Para siyang artistang naglalakad habang pinapatalon-talon ang susi niya na nasa kanyang kaliwang kamay.

Napailing ako. Ang gwapo talaga!

Nang paandarin niya ito at pinaharurot paalis ay hindi na ako nagdalawang isip pa na itulak ang sarili ko papunta sa gitna ng kalsada kung saan patungo ang direksyon niya.

“KELSI!” rinig kong sigaw ni Chel.

Napapikit ako ng mariin. Habol-habol ko ang hininga ko habang nakayuko ako sa gitna ng kalsada. Hindi ko maintindihan. Bigla ay gusto kong matawa sa sarili ko. Ganito ko na ba siya kagusto at handa na akong isakripisyo ang buhay ko para lang mapansin niya? Oh my goodness!

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now