Kabanata 22

124 0 0
                                    

Namimilog ang mga mata ko habang nakatingin ako kay Mommy Sonya. Mula rito sa kinauupuan ko ay damang dama ko ang galit niya. Kita ko 'yon sa kung paanong manlisik ang kanyang mga mata.

Nais kong magtanong kung bakit ganito na lamang ang reaksyon niya pero natatakot ako. Ewan ko ba! Sa kilay pa lang ni Mommy Sonya na nagmamataas, kumakabog na ng malakas ang puso ko.

“Honey, calm down,” pagpapakalma ni daddy kay mommy kaya naman ay naupo itong muli. Uminom pa muna siya ng juice bago siya muling tumingin sa akin.

“I'm sorry, Kelsi... But are you referring to Ruth Fajardo?”

Dahan-dahan akong umiling habang pinapanatili ang paningin sa kanya.

“Hindi po... Ruth Macasaet po.”

Namilog ang labi niya kasabay ng pagtaas ng dalawa niyang kilay.

“I'm sorry. I thought iisang tao lang ang nasa isip nating dalawa.”

Tipid na ngiti ang pinakawalan ko't hindi na ako muli pang sumagot sa kanya. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain ko.

Naging tahimik na kami sa buong dinner na 'yon. Hanggang matapos ay hindi na talaga muli pang nasundan ang pag uusap namin kanina.

Pagkatapos ng hapunan ay nag presenta si Diego na ilibot ako sa kabuuan ng mansyon.

“So this is our pool area. Madalas dito idinaraos ang mga pagtitipon sa tuwing nag iimbita si mommy ng mga bisita.”

Marahan akong tumango sa kanya subalit ang paningin ko'y naroroon pa rin sa tubig.

“Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mo. What's wrong?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad akong napalingon sa kanya.

“Wala naman... Wala namang mali,” iling ko.

He grinned. “I'm sorry nga pala kung napagkamalan kitang isa sa mga babaeng patay na patay sa akin sa school.”

Agad akong natawa ng mahina bilang reaksyon sa sinabi niya.

His eyebrows immediately furrowed.

“What? Bakit natatawa ka? What's funny?”

“Feeling mo talaga, gwapo ka no?”

Nagtaas siya ng isang kilay. “Bakit? Hindi ba?”

“Well...”

Ngayon ay dalawang kilay na niya ang nakataas. Tuluyan na rin siyang humarap sa akin habang nakapameywang.

“Sabihin mong hindi. Baka nakakalimutan mong magkapatid tayo. Kung pangit ako, ganoon ka rin!”

Nagtawanan kami matapos niyang sabihin 'yon. Gwapo naman kasi talaga siya.

“Hindi talaga ako makapaniwalang nakakausap na kita ngayon, Kelsi. Dati ay sa puntod mo lang ako nagsasalita. Ngayon ay sa mismong harapan mo na,” sabi niya matapos ang ilang sandali.

Ngumiti ako sa kanya. “Ako rin. Hanggang ngayon feeling ko ay nananaginip pa rin ako. Kasama ko na ang totoo kong pamilya. Maaari ko na kayong yakapin kahit na anong oras ko gusto.”

“Kelsi, may hihilingin lang sana ako sa 'yo.”

“Ano 'yon?”

Pinaglapat niya ang dalawa niyang labi saka huminga ng malalim.

“Please don't tell mommy about the Macasaet Family. I'm sure she'll ask you details about them.”

Nagpang-abot ang mga kilay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. E, karapatan naman malaman ni mommy kung sino-sino ang mga tumulong sa akin na makabalik dito.

“Bakit?”

“Just, don't.”

“O-okay..”

“Promise me, Kelsi.”

Wala sa sarili kong nakagat ang labi ko.

“P-promise,” I said kahit pa hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabihin ko kay mommy ang totoo.

Isasawalang bahala ko na lamang sana ang kaninang ipinangako ko kay Kuya Diego. Pero nagulat ako nang habang nakahiga ako sa kama at matutulog na sana ay biglang pumasok si mommy sa kwarto ko.

“Taga saan ba itong Ruth Macasaet na sinasabi mo, Kelsi? I want to meet them, anak,” aniya saka umupo sa dulong bahagi ng kama ko.

I pressed my lips. “Mm...”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kasi direkta ang naging tanong niya sa akin. Dapat pala ay tinanong ko muna si Kuya Diego kung anong isasagot ko kapag tinanong ako kung taga saan.

“Yes?” ani mommy na naghihintay sa sagot ko. Nakataas ang dalawa niyang kilay at mukhang lagot ako kapag hindi ko siya nasagot ng tama.

“T-taga dito lang din po sa Manila.”

Bumagsak ang dalawang balikat niya at ngayo'y isang kilay na lang ang nakataas.

“Saan dito sa Manila?” dahan dahan ang pagkakabigkas niya ng bawat salita. Tila nagsasabi sa aking kapag hindi ako sumagot ng tama sa kanya ngayon ay malilintikan na talaga ako.

Naka-on naman ang aircon pero mainit ang pakiramdam ko't nararamdaman ko na ang ilang butil ng pawis sa noo ko na unti-unting namumuo.

“MOM!” malakas na sigaw ni Kuya Diego na kapapasok lang sa kwarto ko.

Napatayo si mommy at agad siyang hinarap. Bumagsak naman ang balikat ko't napabuga ako ng hangin. Tila nabunutan ako ng tinik at ngayo'y nakahinga na ako ng maluwag.

“What are you doing here, mom? I thought you're asleep already.”

“Well...” Nilingon ako ni mommy. Napatuwid agad ako ng upo. Isang marahang pagbuga ng hangin ang ginawa niya bago muling nagbalik ng tingin kay Kuya Diego.

“Tinatanong ko lang si Kelsi kung saan nakatira ang mga taong kumupkop sa kanya so I can personally thank them.”

“No need to do that, mom. I already sent them the invitation for tomorrow's event.”

Umawang ang labi ko sa sinabi niyang iyon kay mommy. Akala ko ba ayaw niyang makilala ni mommy ang pamilya nina Chel? Pero bakit pinadalhan niya ng imbitasyon?

“That's good.”

Hindi ko makita ang mukha ni mommy since nakatalikod nga siya sa akin pero rinig ko naman sa boses niya ang pagtataray.

“Well then... Good night, Kelsi.” Nilingon pa muna ako nito saka nginitian na agad ko namang ginantihan.

Nagkatinginan agad kami ni Kuya Diego habang hinihintay ang tuluyang paglabas ni mommy sa kwarto ko.

Isinarado niya agad ang pintuan pagkalabas ni mommy at nagmadali siya sa paglapit sa akin.

“May sinabi ka ba?”

Umiling ako.

He smiled and then he patted my head. “Good girl... As always. Good night, Kelsi.”

Tumayo siya at aalis na sana pero maagap kong hinawakan ang kamay niya.

“Oh bakit?” sabay lingon niya sa akin.

“Bakit ayaw mong malaman ni mommy kung saan nakatira sina Chel? Hindi ba ay dapat ngang malaman niya? Gusto lang naman niyang magpasalamat.”

Agad na nangunot ang noo niya. “I guess you already forgot how cruel our mother is, Kelsi. We have to be careful. Things might get worse.”

Umawang ang labi ko habang kunot na kunot ang noo ko.

“Hindi ko maintindihan.”

“You don't have to...” Hinawakan niya ang kamay ko at marahan niya iyong tinanggal mula sa pagkakahawak ko sa kanya.

“Sleep well now, Kelsi,” dagdag pa niya saka ako tuluyang iniwan sa kwarto ko.

Kababalik ko pa lang pero marami na agad gumugulo sa utak ko. Masaya akong nakabalik ako at nakilala ko na sila na kaytagal kong hinintay na makilala pero bakit parang may mali?

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now