Kabanata 26

114 0 0
                                    

Hindi na siya muli pang nagsalita at nakipagtalo sa akin. Ilang sandali lang ay isa-isa ng nai-serve ang mga pagkain namin. At talaga namang ang sarap ng mga pagkain nila rito. Ang sarap pala ng buhay mayaman. Sayang at wala na sina nanay at tatay para maranasan din itong mga nararanasan ko.

"Kelsi? Ikaw ba 'yan?"

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang may magsalita bigla sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon at agad na nanlaki ang aking mga mata.

Naroroon sa kabilang table ang mga kaibigan ko!

Oh no! Bakit? Bakit kailangan nila akong makita kasama ang lalaking 'to?

"Ikaw nga!" masayang kumpirma ni Chubby.

"H-hi guys!" may pag aalinlangan kong bati sa kanila.

Agad silang tumayo at sabay na naglakad palapit sa table namin. Nakangiti silang tatlo pero wala sa akin ang paningin. Kung 'di nasa kay Ulan.

"Are you two having a date?" agad na tanong ni Chel.

"Kayo na ba?" si Chubby.

"Or nililigawan mo pa ba ang kaibigan namin ha, Rain?"

Kung natigilan ako ay mas lalo na si Ulan. Napaawang ang labi niya habang sinasalubong ang nang aakusang mga tingin sa kanya ng mga kaibigan ko. Ilang sandali lang ay ngumiti siya. Marahan niyang ibinaba ang kubyertos na hawak saka niya inabot at hinawakan ang isa kong kamay na nakapatong sa lamesa.

"Yes. We're having a date."

Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at saka ako umiling nang umiling sa mga kaibigan ko.

"Naku! Hindi! Bakit naman kami mag d-date ng lalaking 'to? Hindi ko siya type no!"

Imbis na paniwalaan ako ay pinagtaasan pa ako ng kilay ng mga kaibigan ko.

“Ouch! Ang sakit palang harap-harapang ma-deny,” sabi ni Ulan na may paghawak pa sa dibdib niya.

“Ano ba, Ulan? Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo?” sita ko sa kanya pero pinagtawanan niya lang ako.

“Teka. . . Ulan? May special name na agad siya sa 'yo?” tanong ni Chel.

“Ay! Iba din talaga itong si Kelsi!” kantyaw pa ni Chubby.

“Ikaw Kelsi, ah! Nagse-sekreto ka na sa amin!” sabi naman ni Curly.

Oh god! Gusto ko na lamang lamunin ako ng tiles. Ngayon na mismo.

“Pasensya na, guys. Ang totoo ay nanliligaw na talaga ako sa kanya. Hindi pa nga lang niya alam.”

Abot hanggang tainga ang ngiti ng mga kaibigan nang magbaling sila ng tingin sa akin. Iritado ko silang inirapan lalo pa at kita ko sa kanilang mga mata na kinikilig sila.

Hindi ako makapaniwalang napaniwala sila ni Ulan. Napakatanga ng mga kaibigan ko.

Inaya namin silang kumain kasama namin pero agad nila kaming tinanggihan at umukupa sila ng sarili nilang lamesa na mas malayo sa amin. Anila'y binibigyan daw nila kami ng space so we can enjoy oir date.

Matapos kumain ay sumama kami ni Ulan sa mga kaibigan ko. Nanood kami ng movie at nag ikot-ikot sa mall. Pansin ko rin naman na nag-e-enjoy si Ulan kaya keri lang.

Alas sais na ng hapon nang nag desisyon kaming magsiuwian dahil na rin nakatanggap na si Ulan ng tawag mula kay mommy.

“Bakit hindi mo inimbitahan ang mga kaibigan mo sa gaganaping party mamaya?” tanong ni Ulan habang nagda-drive. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe pauwi ng mansyon ng mga Guttierez.

Hindi ako nakasagot sa kanya. Sinadya ko talagang hindi ipaalam sa mga kaibigan ko ang tungkol sa gaganaping party mamaya. Dahil iyon ang utos sa akin ni Kuya Diego. Hindi ko man alam ang dahilan ni kuya kung bakit niya ako pinagbawalang imbitahan sina Chel ay sinunod ko pa rin.

“Hey!” tawag sa akin ni Ulan.

“Huwag mo nga akong kausapin!” sabi ko sa kanya nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

“And why?”

“Because. . .” Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong rason ko kung bakit ayaw ko siyang kausap. Basta ang alam ko lang ay naiinis ako sa kanya.

“Because?” tanong niya sa sinabi kong hindi ko na nasundan.

“Because. . . We were not close!”

Agad kong naitukod ang mga kamay ko sa dashboard ng sasakyan nang bigla na lamang siyang pumreno.

“WHAT THE HELL?!” sigaw ko sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko habang galit akong nakatingin sa kanya. Habol-habol ko ang hininga ko dahil sa nerbiyos.

Pero ang Ulan ay dahan-dahan pa akong nilingon na parang tamad na tamad siya sa ginagawa niya. Kalmadong-kalmado siya habang ako'y halos mamatay na sa takot dahil sa kamuntikan na akong masubsob sa harapang bahagi ng kotse niya.

“Kelsi. . .”

“ANO?” galit kong sigaw.

“Tell me. . . What do you want me to do para masabi mong close tayo?”

Natigilan ako. Seryoso ba siya? Gusto niya ba talagang makipag-close sa akin? Gusto niya na nga yata ako!

“Sinamahan kita sa araw na 'to. Nakasakay ka sa kotse ko. Nakatabi mo ako. Naka-holding hands mo pa ako kanina. Hindi pa ba sapat ang mga 'yon para masabi mong close tayo?”

Napanganga ako.

“B-bakit?” tanong ko nang nakabawi sa pagkagulat.

Kumunot ang noo niya.

“I mean. . . Kailangan ba talagang maging close tayo?”

Nakatitig lamang ako sa kanya matapos kong bitawan ang mga katagang 'yon. Ilang minuto pa siyang nakipagtitigan sa akin bago siya nagpasyang mag iwas ng tingin at magmaneho ulit.

Pinili niyang balewalain ang tanong ko kaya ganoon din ang ginawa ko. Binalewala ko ang lahat at pumikit ako. Since malayo pa ang bahay namin ay nagpasya akong ipahinga ang mga mata ko.

Nakapikit pa rin ako't hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Hindi naman sa inaantok ako pero sadya lang talagang tinatamad lamang akong magdilat ng  mga mata at tumingin sa kung anong pwedeng tingnan sa daang tinatahak namin.

Kahit pa naramdaman ko na ang paghinto ng kotse, senyales na nakarating na kami ay hindi pa rin ako nagdilat ng mga mata at ipinagpatuloy ko pa rin ang trip kong pagpikit.

“I wanna get closer to you. I need to. . . Dahil ikaw ang babaeng nakatadhana sa akin. Ikaw lang. . . At wala ng iba, Ms. Kelsi Guttierez.”

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now