Kabanata 24

111 0 0
                                    

“Rain, ingatan mo itong anak ko. Ayaw kong mawala pa siya ulit,” bilin ni daddy.

“Dad, they're not going anywhere. Kukuha lang sila ng damit sa botique,” natatawang sabi ni Kuya Diego kay daddy.

“You don't have to worry, tito. I promise you I will take care of her,” sabi ni Ulan. Tumabi siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumapat ang malapad niyang palad sa bewang ko.

Kailangan bang may pa ganito?

“Let's go?” nakangising anyaya niya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya at hinayaan ko siyang akayin niya ako palabas. Nang makarating sa isang magarang kotse na sigurado kong pagmamay-ari niya ay agad akong lumayo mula sa kanya.

“Chansing ka ah!”

“Tss! Hindi ka maganda para chansingan.”

Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat. “Sakay!”

“Oh! Gentleman,” sarkastiko kong sabi sabay irap. At saka ako padarag na sumakay sa sasakyan niya. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagsusumbong na ginawa niya kay Sir Aldrin kaya kami na-detention. Sagad sa buto ang galit ko sa lalaking 'to.

Pareho kaming tahimik habang nagda-drive siya. Nang nakarating sa mall ay mabilis ko ng binuksan ang pintuan at agad akong lumabas ng sasakyan. Hinintay ko pa siyang makalabas bago ako sumabay sa kanya papasok. Malamang ay iyon ang nararapat kong gawin. Hindi ko naman alam kung saan ang botique na tinutukoy ni mommy.

Gulat akong napatingin kay Ulan nang hawakan nito ang kamay ko't mas lalo pa siyang dumikit sa akin.

Ibinuka ko ang bibig ko upang sana ay magtanong pero hindi ko pa man nabubuo ang tanong na dapat kong isaboses ay nagulat akong muli nang naramdaman ang isang palad na dumapo sa aking pisngi.

Isang malakas na sampal ang nagpanginig sa buo kong mukha. What the f?

“MANG AAGAW!”

Nanlilisik na mga mata ni Sidney Lim ang sumalubong sa akin nang lingunin ko siya. Ramdam ko ang pag init ng pisngi kong sinampal niya. Sigurado akong namumula na ito ngayon.

“What the hell, Sidney?!” naibulalas ko. Hindi ko maintindihan kung bakit tinawag niya akong mang aagaw at kung para saan ang malakas na sampal na 'yon.

“Gusto mo sa kabila pa para instant blush on?!”

“Ano bang problema mo?!”

Imbis na sagutin ako ay si Ulan ang hinarap niya. “Kaya ka ba nakipaghiwalay sa akin ay dahil sa babaeng 'to?!”

“Sid...”

Pilit kong tinatanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Ulan pero mahigpit ang hawak niya. Hindi ko kayang kumawala. Ito marahil ang dahilan kung bakit ako nasampal.

“How could you do this to me?” iiling-iling na saad ni Sidney.

“I told you already. I fell out of love. I no longer have feelings for you...”

Mas lalong hinigpitan ni Ulan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “And I am officially dating Kelsi now.”

Agad na napaatras si Sidney. Nanlaki ang mga mata ko.

“What the hell?! Kaka-break lang natin kagabi, may kapalit na ako agad?” Galit akong nilingon ni Sidney. “Ganyan ka ka-easy to get? Kakakilala niyo lang 'di ba? Dating na agad? I can't believe this!”

Napanganga ako. Ako? Easy to get? Hindi ko na gusto ang tabas ng dila ng babaeng 'to ah!

Gusto kong sumagot pero yumuko na lamang ako. Ang daming taong nakatingin ngayon sa amin. Bwiset na Ulan! Dinamay pa ako sa LQ nilang dalawa nitong si Sidney.

“Tunay ngang nagmula ka sa mga Guttierez.”

Naiangat ko ang paningin ko at diretso iyon kay Sidney.

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko.

“Nakikipag-agawan ka. Mang aagaw! Magnanakaw!”

“Sid, that's enough! Let's go, Kelsi,” sabi ni Ulan at saka ako hinila paalis.

Nagpatianod na lamang ako sa kanya dahil gustong-gusto ko na ring lumayo mula sa mapanghusgang mga mata ng mga taong nandoon.

“Bitawan mo nga ako!” bulyaw ko sa kanya nang nakalayo kami sabay agaw ko sa kamay kong hawak niya.

Tumingala siya't bumuga ng hangin na para bang isang malaking problema ako at iritado siya.

Kasalanan ko bang nagsinungaling siya at sinabi niya kay Sidney na nagd-date na kami?

“Sinadya mong hawakan ako sa kamay no! Para isipin ni Sidney na may something sa ating dalawa. Tell me! Sinadya mo ba 'yon para masampal niya ako?!” bulyaw ko sa kanya. Neverminding the people around who might hear us.

“May something naman talaga sa ating dalawa,” simpleng sagot niya. Nagawa pang mamulsa.

“Ha!” Napabuga ako ng hangin. Hindi ako makapaniwala sa inaasta ng lalaking 'to. Ni hindi niya man lang nagawang mag sorry sa akin sa ginawa niyang pagpapahamak sa akin mula sa mga kamay ni Sidney.

He smirked. “Let's go, Kelsi,” sabi niya at basta na lang akong tinalikuran at nagsimulang maglakad papunta sa kung saan.

Nakangiting babae ang sumalubong sa amin nang nakapasok kami sa loob ng isang botique. Ito na marahil ang botique na sinasabi ni mommy.

“Hi. Ikaw na ba si Miss Kelsi?”

“Hi. Ako nga,” sabay ngiti ko sa kanya.

“Pleased to meet you. Ako si Judy at narito na nga pala ang mga damit na pina-reserved ni Madam Sonya.”

Agad na namilog ang mga mata ko matapos kong makita ang maraming paperbags na hawak ng anim na staffs na nasa likuran ni Judy ngayon.

Ang akala ko ay damit para sa sinasabi nilang party na gaganapin mamayang gabi ang kukunin namin dito.

“Ang dami pala...” namamangha kong bulong.

“You own this mall. Sobrang yaman niyo kaya huwag kang mag expect ng hindi bongga mula sa mommy mo. She hates unimpressive things...” singit ni Ulan. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. “Especially the one you're wearing.”

Nakanganga at kunot noo akong lumingon sa kanya. Balit napakadaldal niya? Ang sabi ng mga kaibigan ko ay hindi siya palasalita. E, ano 'tong nangyayari? Him being a one word man is a scam!

Hindi ko na siya sinagot at itinuon ko na lamang ang atensyon sa mga paperbags na hanggang ngayo'y bitbit pa rin ng mga staffs.

“Miss Kelsi, saan po namin ito dadalhin?” tanong ni Judy.

Napatingin ako sa bata niyang mukha. Mukhang mas matanda lang siya ng isang taon sa amin. Mga mid-twenties siguro.

“Akin na bitbitin ko,” sabi ko at agad na sinubukang kunin ang mga paperbags. Pero agad akong natigilan nang hawakan ni Ulan ang braso ko.

“Seriously? Saan nagpunta utak mo? Hindi mo kayang dalhin lahat ng 'yan. Stupid.”

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now