Kabanata 53

100 1 0
                                    

"Kuya... Hindi ko sinasadya, saka wala kaming relasyon ni Sir Aldrin,"

"But you kissed! How will you going to explain the kiss?"

"H-he kissed me. Biglaan 'yon. H-hindi..."

"He initiated the kiss? Hindi mo ginusto? Answer me! Are you telling the truth?"

"Oo."

Naiwan ang mga tingin ko sa ere kung nasaan nakapwesto ang cellphone ni Kuya Diego kanina.

"See? Hindi ginusto ng kapatid ko ang nangyaring halikan. Ang ibig sabihin lang no'n ay wala siyang gusto sa professor niya. So, kung mayroon mang maaaring managot dito ay hindi si Kelsi 'yon."

Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin habang nakakunot ang aking noo. Mali ang pagkakaintindi ni Kuya Diego. Wala akong narinig na reklamo mula sa kabilang panig kaya lumingon ako sa harapan namin kung saan sila nakaupo.

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang magpang-abot ang mga tingin namin ni Aldrin. Walang ekspresyon ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Mukhang kanina niya pa ako tinitingnan at ngayong lumingon ako sa kanya ay hindi man lang siya nag iwas ng tingin.

Ano na kayang iniisip niya? Iniisip niya kayang tulad ni Kuya Diego ay idinidiin ko rin siya? Marahil ay iniisip na niya ngayon na naghuhugas-kamay ako at itinatanggi ko siya.

Ako ang naunang magbawi ng tingin nang mapagtanto kong mukhang wala siyang balak na alisin ang paningin sa akin.

"Mr. Torres, narinig mo naman ang pruweba ng mga Guttierez. Ano ang maisasagot mo sa sinasabi nilang ikaw ang may gusto at naghahabol sa estudyante mo? Alam mo bang maari ka naming tanggalin sa paaralang ito? At bilang isang propesor sa Dewford Academy ay dapat alam mo ito. Isa ito sa mga nilagdaan mo noong mag apply ka rito."

Ibinalik ko ang paningin ko kay Aldrin. Muling nagtama ang aming mga tingin.

"Ayos lang sa akin," sabi niya nang hindi inaalis ang nakatutok niyang mga mata sa akin.

"Aldrin!" agad na saway ng mommy niya. Tulad ko ay gulat rin ang rumihestro sa mukha niya.

Doon lang niya inalis ang tingin sa akin at inilipat iyon sa mommy niya.

"Totoo lahat ng narinig mo, mom. Ako ang may gusto sa estudyante ko. Ako rin ang humalik sa kanya at hindi niya ginusto 'yon..." Agad na umiling si Mrs. Torres, hindi matanggap ang sinasabi ng kanyang anak. "Kaya tanggap ko kung anong parusa sa akin."

Agad na namasa ang mga mata ko habang nakatingin kay Aldrin. Walang mababasang ekspresyon sa mukha niya pero dahil kahit hindi pa kami matagal na magkakilala ay kilala ko na siya ay hindi ako nagawang linlangin ng kanyang mga mata. Nakikita ko ang lungkot doon.

"No!" sigaw ni Mrs. Torres sabay tayo. "Take your words back! Hindi ko maintindihan kung bakit ka pumapayag na paalisin sa eskwelahang ito at tanggalin ang trabahong pinaghirapan mong abutin. Hindi mo naman ni-rape ang batang 'yan para akusahan ka nila ng ganito!"

"Mrs. Torres!" si daddy na ngayo'y tumayo na rin. "Hindi nga ba?"

Lahat kami ay napatingin Kay daddy. Akma akong magsasalita upang salungatin si daddy pero mabilis na humawak ng mahigpit si Kuya Diego sa palapulsuhan ko.

"The consequences, Kelsi," si Diego nang magtama ang aming mga mata.

Tumingin ako kay Aldrin na ngayo'y sarkastiko ng nakangiti habang nakayuko at nakatingin sa sahig.

"Paano nga kung ginalaw niya ang anak ko. Paano kung hindi lang nagsabi sa amin si Kelsi," si papa.

"Ha!" singhal ni Mrs. Torres. "Do you really think magagawa iyon ng anak ko? Disenteng tao ang anak ko, Mr. Guttierez! Baka 'yang anak niyo ang problema rito, ngayon niyo lang nakita 'yan hindi ba? Hindi kayo ang nagpalaki kaya siguradong may tinatagong baho ang batang 'yan!"

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now