Kabanata 52

101 0 0
                                    

Tinalikuran ako ni daddy at bumalik siya sa pag upo sa swivel chair niya kanina.

"Explain this to me, Kelsi!" matigas na utos ni daddy sa akin.

Ilang beses akong napalunok. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay daddy, kung saan ako magsisimula. Ayos lang sana kung 'yong nagtatawanan kami ni Sir Aldrin sa labas ng condo niya ang mayroong kuha. Iyon kaya ko 'yong bigyan ng palusot. Pero kung kasali na 'yong kiss...

"Sagot!" Napatalon ako sa gulat sa muling bulyaw ni daddy sa akin. Ngayon ay alam ko na ang pakiramdam kung paano ang may ama na pagagalitan ka kapag may mali kang ginawa.

"Honey, calm down. Masyado mo namang tinatakot ang anak natin."

Napatingin ako kay mommy, nasa gilid na siya ngayon ni daddy at minamasahe ang balikat nito.

"Ano na lang ang sasabihin ng mga Moreno? Paano kung umatras si Florence sa kasunduan?" Dad frustatedly said, bakas ang pagkadismaya sa mukha niya. Parang kinukurot ang puso ko and at the same time ay umaalon ito. Unti-unting naglandas ang mga luha sa pisngi ko. Ganito pala ang pakiramdam ng nadi-disappoint mo ang parents mo. Ganito pala ang pakiramdam kapag namomroblema sila dahil sa 'yo.

Alam kong maling maging masaya pero hindi ko mapigilan. Nababaliw na marahil ako. Masaya ako dahil ngayon ay ramdam na ramdam ko na talaga kung paano ang mayroong pamilya.

"Tingnan mo na, umiyak na tuloy," ani mommy.

Agad akong napahawak sa pisngi ko at mabilis na inalis ang mga luhang nandoon.

Nagtama ang tingin namin ni daddy. Napayuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang galit niyang tingin sa akin.

"Hindi mo 'ko madadaan sa paiyak-iyak mo, Kelsi. Mas lalo mo lamang akong ginagalit sa ginagawa mo!"

"Honey!"

"S-sorry po."

"I don't need your sorry. Your explanation is all that I want to hear. Bakit magkasama kayo ng Torres na 'yon sa condo niya? Bakit may litratong naghahalikan kayo sa loob ng kotse niya? Sagutin mo ako, may relasyon ba kayo!?"

Mabilis at sunod-sunod akong umiling. "W-wala po."

"Kung wala naman pala, bakit kayo naghahalikan? Anong klaseng babae ka ba?"

"Honey, please calm down! Ako na ang kakausap kay Kelsi. Let me handle this. Mas mabuti pang tawagan mo na muna si Florence," saad ni mommy saka ako hinila palabas ng office ni daddy.

"Mommy..."

"Go to your room! We'll talk later."

Sinunod ko si mommy at nagdiretso na ako sa kwarto ko. Kauupo ko pa lang sa dulo ng kama ko ay sunod-sunod na ang pagtunog ng cellphone ko.

Marami na ang text ni Aldrin. Binasa ko 'yon isa-isa at walang kahit na anong mensahe patungkol sa issue namin ang naroroon. Alam na kaya niya? Kung lumabas na sa mga dyaryo ay siguradong alam na niya. Pero bakit sa dami ng text messages niya ay kahit isang pagkakataon lang ay hindi niya iyon binanggit.

Kasalukuyan na akong nagtitipa ng reply ko sa kanya nang mag ring muli ang cellphone ko. This time, he's calling.

"Bakit mo pinatay ang tawag ko kanina?" bungad niya sa akin nang sagutin ko ang tawag niya.

"Ha?" lutang kong tugon sa kanya.

"I said, why did you—"

"Kasi biglang dumating si Kuya Diego. Baka malaman niya 'yong tungkol sa atin. Pasensya ka na at pinatayan kita ng tawag," I said, cutting him off.

Pagkatapos kong magsalita ay wala na akong nakuhang tugon mula sa kanya. Katahimikan ang namutawi sa pagitan namin.

I was thinking of asking him about the issue pero nagdadalawang-isip ako. Baka kasi alam na niya pero ayaw lang niyang pag usapan.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now