Kabanata 57

107 1 0
                                    

Hindi naging madali ang buhay ko sa London kasama si Ulan. If I were to decide, pipiliin kong manatili sa Pilipinas. Though kasama ko naman palagi si Ulan sa lahat ng pupuntahan ko ay may kakulangan at pag aalinlangan pa rin akong nararamdaman.

Hindi ko akalaing hahantong sa ganitong sitwasyon ang paghahanap ko sa mga magulang ko. Mula sa simpleng dalaga na hangad lang ay makapagtapos sa kursong ninanais at mahanap ang mga magulang ay naging heredera ako ng isang mayamang pamilya.

At ang mas masaklap pa ay magulo ang sitwasyon ng pamilyang inuwian ko.

"Hey, anong iniisip mo?" untag sa akin ni Ulan. Pareho na kaming lulan ng eroplano papauwi sa Pilipinas. Limang taon na ang nagdaan pero heto ako't nararamdaman na parang kahapon lang no'ng umalis kami papuntang London.

Lumingon ako sa gawi niya at tipid na ngumiti. "Wala naman, pagod lang ako."

I watched him letting his tongue glazed his teeth while trying to hide a smile. "I know you're excited. Ito ang gusto mo, e."

Umayos ako ng upo. "Kinakabahan ako," sabi ko. Totoong kabado ako. Papaano kung sa limang taon na 'yon ay maraming nangyari? Marami naman talagang maaaring mangyari sa loob ng limang taon pero ang ikinakabahala ko ay baka may mga pangyayaring hindi dapat nangyari.

I remembered Sidney telling me that they will going to reveal the truth without my permission. Maaaring naroroon ako sa mga oras na 'yon o pwede ring wala. And it's two years already mula no'ng huli naming pag uusap. Iyon 'yong pinuntahan niya ako sa London. She kept her promise, nag bonding kami at pinagplanohan ang tungkol sa pagsasabi sa mommy nila na ako ang totoong anak nito.

"Don't be..." Pinisil ni Ulan ang kamay kong hawak niya. "You have me."

Muli akong ngumiti sa kanya. Alam at ramdam ko ang paglalim ng nararamdaman ni Ulan para sa akin. And as much as I want to reciprocate his feelings ay mas lalo lang akong nahihirapan. Matigas ang puso ko. Nananatili itong tumitibok para sa isang tao na alam kong hindi para sa akin.

The moment me and Ulan stepped out of the NAIA exit ay agad kaming sinalubong ng mga tauhan ng kanya-kanya naming pamilya.

"Sa iisang sasakyan na lang kami sasakay ni Kelsi," pagkausap ni Ulan sa isang tauhan ng pamilya namin.

"Hindi po pwede sir, eh. Mahigpit po na utos sa amin ni Sir Diego na iuwi mag isa si Ma'am Kelsi," magalang naman na tugon nito.

Agad na nangunot ang noo ni Ulan, nagtataka kung bakit gano'n ang utos ni Kuya Diego.

"Okay then, mauna na kayo. We'll follow you instead."

Tumungo naman ang tauhang inutusan ni Kuya Diego saka ito nagtungo sa isang sasakyan at agad na binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan. Nang makapasok ako ay agad niya iyong isinarado. Hindi pa man ako nakakapagpaalam kay Ulan ay agad nang tumakbo papalayo ang sasakyang sinasakyan ko.

Napatingin ako sa driver at agad na ipinagtaka ang postura niya. He's wearing a black cap, a black wayfarer and a black turtle neck leather jacket. Bahagyang naningkit ang mga mata ko. Hindi ko makita ng buo ang mukha niya dahil na rin hindi maayos ang pagkakapwesto ng passenger mirror.

"Kuya, bago ka?" Hindi ko napigilan at naitanong ko na. Kahit kasi gilid lang ng mukha niya ang nakikita ko ay pansin ko ang maputi at makinis niyang balat.

Hindi niya ako sinagot kaya napaingos na lamang ako saka nagdesisyong lingunin ang likuran. Nakita kong nakasunod sa amin ang tatlong sasakyan na siguradong isa sa tatlong sasakyan na 'yon ay lulan si Ulan.

Umayos ako ng upo saka nag desisyong umidlip na lamang muna.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong umidlip dahil nang mga sandaling nagising ako ay nakahinto na ang sasakyan at wala na akong kasama. Nang igala ko ang paningin sa labas ay agad na nahanap ng mga mata ko ang magarang bahay na kung saan napapalibutan ng naglalakihan at matatayog na puno.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now