Kabanata 15

143 1 0
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakaabang kami sa pintuan ng school clinic. Nandito rin ang halos lahat ng kaklase ko at pare-pareho kaming nag aabang sa paglabas ng doktor na kasalukuyang tumitingin kay Aldrin sa loob.

Pasimple rin akong dinadapuan ng masasamang tingin ng aking mga kaklase.

“Chel,” tawag ko kay Chel.

Nilingon ako ni Rachel at saka niya mabilis na hinawakan ang nanginginig kong mga kamay. Naiiyak na rin ako. Hindi man nila sabihin ay halata naman sa mga masasama nilang tingin sa akin na ako ang sinisisi nila.

“Hindi ko sinasadya iyong nangyari,” iyak ko kay Chel.

“Shh! Naiintindihan ko. Wala kang kasalanan okay? Kumalma ka.”

“Anong nangyari?” Humiwalay agad ako kay Chel nang narinig ko ang boses ni Chubby sa likuran ko. Nakita ko siyang kalmado lang habang kumakain ng chichirya. Balikat na baliktad sa sitwasyon kong kinakabahan at halos hindi na makalunok ng maayos.

“Hinimatay si Sir Aldrin,” sagot ni Chel.

“Oo nga. Narinig namin doon sa mga estudyanteng nakasalubong namin. Bakit nga siya hinimatay?” tanong naman ni Curly.

“E, kasi...” simula ko. Pinunasan ko pa muna ang mga luhang naglandas sa aking pisngi bago ko nagawang dugtungan ang mga salitang nailabas na ng bibig ko.

“Nagulat kasi ako sa biglaang pagsigaw niya kaya naihampas ko bigla ang baseball bat. Hindi ko naman ini-expect na malapit pa pala siya sa akin.”

“Kasi naman, Guttierez! Wala ka rin sa sarili mo. Nakailang tawag na si sir sa iyo pero nakatulala ka lang sa mukha niya.” Napatingin ako sa isang kaklase namin na bigla na lang sumabat sa usapan namin ng mga kaibigan ko.

“Oo nga! Lutang din kasi,” pagsang-ayon ng isa ko pang kaklase.

“Kasalanan mo rin kasi, Guttierez!” paninisi pa ng iba. Nakikita kong tumango-tango na rin ang halos lahat ng mga kaklase ko.

Ni hindi man lang ako magawang ipagtanggol ng mga kaibigan ko. Tama rin naman kasi ang mga kaklase ko.

Natahimik lang ang lahat nang bumukas ang pinto ng school clinic at lumabas ang doktor na wari ko'y siyang tumingin kay Aldrin.

“Oh! Balit nandito pa kayong lahat? Wala ba kayong mga pasok? Go back to your classroom or to your dormitory. Bawal kayong tumambay dito.”

“Doc, kumusta na po si Sir Aldrin?” tanong ko.

Hanggang sa pati ang mga kaklase ko ay nag ingay na rin, tinatanong din kung ano na ang kalagayan ng aming propesor.

Napatingin sa akin ang lalaking doktor. Umaasa ako na magagandang salita ang lalabas sa bibig niya.

“Ayos lang siya, hija. Nagpapahinga na ngayon ang inyong propesor. You have nothing to worry about because he's fine,” nakangiti niyang sabi.

Agad kong narinig malalalim na pagbuntonghininga ng lahat. Tila nakahinga na sila ng maluwag.

Bumalik kaming lahat sa dormitory. Ang nalalabing oras na para sana sa subject ni Aldrin ay ginawa na lamang naming rest time.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay nagdiretso agad ako sa higaan ko at doon nahiga. Nakatingin sa kawalan at hindi inaalintana ang ginagawa ng tatlo kong kaibigan.

Wala naman talaga akong kasalanan. Kahit yata anong gawin kong pagpilit sa sarili ko na hindi ko kasalanan ay lumalabas pa rin na kasalanan ko.

Napabuga ako ng hangin.

“Pero hindi ko naman iyon sinasadya,” nanlulumo ang mahina kong tinig.

Naitakip ko ang mga palad ko sa aking mukha. “Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya,” naiiyak kong sabi habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa aking palad.

“Bakit? Matatanggal ba ang mukhang iyan, Kelsi?” tunog nang aasar na sabi ni Curly. Tinanggal ko ang mga palad ko at agad ko siyang tiningnan.

I looked at them as if they were an alien or something, disbelief was written all over my face. Mukhang 'di sila nag aalala sa aming propesor. Habang ako ay naririto at iniisip pa rin ang kalagayan nito kahit pa sinabi na naman na ng doktor na ayos lang siya.

“Huwag mo na kasing isipin pa iyon para hindi ka nai-stress d'yan!” ani Chel na ngayo'y nakaupo sa kama ni Chubby.

I deeply sighed. “Paano ko naman hindi iisipin. E, kasalanan ko iyon kaya siya nandoon!” sabi ko habang tinuturo pa sa kung saan ang hintuturo ko.

Nakita kong tinanggal ni Chubby ang lollipop na kinakain niya bago ako ginantihan ng malalim na hininga. “Alam mo, Kels. Akala ko talaga matalino ka. Pero ang bobo mo pala talaga,” komento niya bago muling inilagay sa bibig niya ang lollipop. Nilantakan niya ito sandali saka muling tinanggal. Napapangiwi na ako habang pinapanood siya.

“Kasi kung matalino ka, malamang ay wala ka na ngayo dito at nandoon ka sa tabi ni Sir Aldrin. Humihingi ng tawad.” Inismiran niya ako saka niya muling kinain nag lollipop niyang kulay pink.

Napabalikwas agad ako ng bangon nang nai-proseso ko na ang mga sinabi ni Chubby. Nauntog pa ang ulo ko sa ilalim na bahagi ng higaan ni Chel dahil sa pagmamadali ko.

“Aw!” daing ko habang hinihimas ang parte ng ulo ko na natamaan. Dinig ko agad ang tawanan nilang tatlo.

“Tingnan niyo na. Tatanga-tanga rin pala,” natatawang sabi ni Chubby.

Nagsipaghalakhakan sila na hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin. Nagdiretso ako sa paglabas para mapuntahan na ang Aldrin ng buhay ko.

Hindi ko magawang pumasok nang nakarating ako sa clinic ng Dewford Academy. Kinakabahan ako. Ano namang sasabihin ko kapag nasa harap ko na siya?

Pumihit ako patalikod. I have changed my mind. Mali ito. Hindi pa ako handang harapin siya.

Kagat kagat ang labi ay nagsimula akong maglakad papalayo. Aalis na lang sana ako at magpapahangin na muna sa garden. Ang kaso ay biglang bumukas ang pintuan ng clinic.

“Ms. Guttierez!”

Napatalon agad ako sa gulat nang narinig ang baritonong boses na iyon. Kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon kaya mas naging mariin ang pagkagat ko sa labi ko.

Dahan dahan ang ginawa kong paglingon. Napaayos agad ako ng tayo nang nakita ko siyang nakatayo sa pintuan habang magkalingkis ang dalawang braso niya.

Mukhang totoo nga ang sabi ng doktor. He's fine. Mukha siyang walang iniindang sakit sa posisyon niyang iyon.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now