Kabanata 18

110 0 0
                                    

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Diego. Napasinghap ako at nakita ang aktong paglapit ni Chel na agad pinigilan ni Tairon.

“Shut the fuck up, Diego! Nananahimik na ang kapatid namin!” mariing sigaw ni Sidney na naging dahilan para mapunta sa amin ang atensyon ng mga estudyanteng naghihintay ng kani-kanilang mga sundo.

“Wala kang karapatang bastusin ang kahit na sinong miyembro ng pamilya ko.” Lumapit siya kay Diego.

“Tandaan mo... Kaya kong palubugin ang dati ng palubog niyong kompanya. Huwag mo akong hahamunin!” aniya at saka lumayo. Nginisihan niya si Diego bago siya tumalikod at hinarap si Tairon.

“Let's go, kuya,” sabi niya saka tinahak ang daan papuntang parking lot.

“See you next time, Rachel,” narinig kong pagpapaalam ni Tairon kay Chel bago niya kami tinalikuran at sinundan si Sidney.

“Don't mind them. Let's go?” tanong sa akin ni Diego. Napatingin agad ako kay Chel.

“Walang kasama si Chel...” sabi ko.

“Ihahatid natin siya. Don't worry.”

Nanlaki ang mga mata ni Chel at lihim na napangiti. Naguguluhan na ako dito kay Chel kung sinong gusto. Kung si Tairon ba o si Diego.

“Wait for me here. Kunin ko lang ang kotse ko,” aniya at saka kami iniwan sandali. Pagkabalik niya ay nauna agad ako sa pagsakay sa back seat.

Pinanlakihan agad ako ng mga mata ni Chel. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Diego sa passenger seat. Hindi ako sigurado pero halata kong may pagtingin din si Diego kay Chel. Hindi ko nga lang alam kung bakit tila pinipigilan niya ang nararamdaman niya.

Tahimik kami sa byahe. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit alam ni Diego ang daan patungo sa bahay nina Chel. He must've been stalking her? Omg!

Sabay kaming bumaba ni Chel. Bumaba rin si Diego at sumandal sa pintuan ng kanyang sasakyan habang magka-krus ang kanyang dalawang braso.

“Go pack your things,” sabi niya sa akin.

“Agad agad?” gulat na tanong ko na tinanguan niya lang.

“Tara, Kelsi,” si Chel.

Sumunod ako kay Chel papasok ng bahay nila.

“Siguradong magugulat sina mama at papa. Hayaan mo at ie-explain ko sa kanila ng maayos,” sabi niya.

“Babalik na lang din ako sa Linggo para makapagpaalam sa kanila ng maayos, Chel.”

“Sige.”

Tinulungan ako ni Chel sa pag aayos ng gamit ko kaya agad rin kaming natapos.

“Is that all?” tanong ni Diego matapos tingnan ang isang maleta na hawak ko.

“Oo. Konti lang naman kasi ang gamit ko. At saka iyong iba ay nasa dormitory naman.”

Nginitian niya ako saka niya kinuha ang maleta ko at inilagay niya iyon sa backseat. Saka kami sabay na sumakay sa kotse niya.

Habang nilalakbay namin ang daan patungo sa kung saan ay hindi ko naiwasang pakiramdaman ang puso ko. Kabado ako at ramdam ko ang iilang butil ng pawis na namumuo sa aking noo. Hindi ko rin naiwasang isipin kung anong klaseng mga magulang ang mag asawang Guttierez.

“Andito na tayo.” Sa dami ng naiisip ko ay hindi ko namalayang dumating na pala kami agad.

Agad na nalaglag ang panga ko pagkakita sa matayog na gate at napakagandang bahay sa likuran nito. It is a spanish style mansion with a color of white and cream. Sa pinakalikuran nito ay ang papalubog na araw na nagkukulay kahel. Making it more beautiful and picturesque.

“I-ito na ba 'yon?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

“Yep! Itikom mo iyang bibig mo at baka pasukin ng langaw. Tara na sa loob.” Hinawakan niya ako sa braso at igigiya niya na sana papasok sa loob pero hindi ako nagpatianod.

“Teka, sandali!” sabi ko.

“Bakit?”

“Ito ba talaga? Bakit parang sobrang laki naman?”

Humalakhak lamang siya. “Let's go. Hindi na ako makapaghintay na malaman kung ikaw ba talaga si Kelsi o hindi. Baka impostora ka lang,” aniya sabay kaladkad niya sa akin.

Pinagbuksan kami ng gate ng dalawang guwardiya. Tinanguan naman agad ito ni Diego.

“Grabe naman iyong impostora! Kapag talaga napatunayan ko sa iyong ako ang kapatid mo. Hindi talaga kita tatawaging kuya. Makikita mo!”

Natigil siya sa paglalakad kaya ganoon din ako.

“O ano? Tara na!” sabi ko.

Tinitigan niya ako kaya nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

“I guess you really are my younger sister. Kuhang kuha mo ang ugali niya.”

“I told you,” taas noong sabi ko at nauna nang maglakad papasok. Pero agad ring natigilan pagkarating sa bulwagan.

Ang lakas ng loob kong maunang maglakad. Tapos ngayon nauna na naman ang kaba ko. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na ma-me-meet mo na 'yong tunay mong mga magulang.

Narinig ko ang tawa ni Diego sa aking likuran. Ilang sandali lang ay nasa tabi ko na siya at muli niya akong hinawakan sa palapulsuhan ko.

Sinalubong kami ng tatlong maids. Agad nilang kinuha ang bag na dala ko at ang bag ni Diego. Maging ang maleta ko na hila-hila ni Diego.

Napansin kong mas maganda pala ang loob ng mansion na ito. Puti ang tema ng interior design. Magagara ang kanilang mga sofa at halatang mamahalin. Ang matayog at malaking chandelier ay nagsusumigaw ng karangyaan. Ang makintab na tiles ay halos hindi kakikitaan ng kahit isang alikabok. Napatingin tuloy ako sa sapatos na suot ko. Malinis naman iyon pero ngayong nakatapak na sa sahig nila ay halata na ang mukha nitong mumurahin.

“Where's daddy and mommy?” tanong niya sa isang maid.

“I'm here!” mula sa mataas na hagdanan ay narinig ko ang boses ng isang babae. Nag angat ako ng tingin roon at nakita ang isang sopistikadang babae. Sa suot niya pa lang na pulang maxi dress ay halata mo ng mayaman ang pamumuhay nito. Suot niya pa'y ginintoang kwintas at hikaw. Naka-bun ang siguradong mahabang buhok. Her face is in a full make up. Sobrang pula ng kanyang lipstick at mataas ang pagkakaguhit ng kanyang kilay.

Sa kilay niya pa lang ay makikita na kung anong ugali niya. Mukha siyang kontrabida sa mga pelikulang napapanood ko noon sa luma naming DVD player.

“Who is she?” kunot noong tanong nito kay Diego pero sa akin naman nakatingin.

Pero malumanay naman ang kanyang boses. Siguro ay judgemental lang ako. Baka naman mabait siya?

Ugh! I'm hoping!

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now