Kabanata 11

131 0 0
                                    

“E-excuse me po,” sabi ko at agad na tumayo para makaalis sa maingay na tawanan ng mga kasama ko sa lamesa. Nagmadali ako sa pag akyat patungo sa room namin.

“Lecheng malungay ito! Pabida!” pagdadabog ko habang papasok ng banyo. Humarap agad ako sa malaking salamin pagkapasok ko at agad akong ngumingiti-ngiti sa salamin. Nakita ko ang isang dahon ng malunggay na nakadikit sa pinakagitnang ngipin ko na nasa itaas.

“Wala na. Turn off na sa akin ang crush ko.” Pagbuntonghininga ko pa.

Tinanggal ko mula sa ngipin ko ang malunggay. Siyempre! Alangan namang hayaan ko siyang naka-display doon at mag ala-brace?

Nag toothbrush na rin ako para sure na malinis ang ngipin ko. Nang natapos ay nagdiretso na ako sa palabas para makabalik na sana sa cafeteria pero nahinto ako sa pintuan nang pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Aldrin Torres. Nakahandal siya sa dingding na kaharap lang ng pintuan namin. Nakatungo siya at tutok na tutok ang mga mata sa sahig na para bang may galit siya rito. Hindi niya napansin ang pagbukas ko ng pintuan.

“S-sir...” Nag angat agad siya ng tingin sa akin. Diretso na sa aking mga mata ang mga titig niya.

“A-ano pong ginagawa niyo rito?”

Nakahawak pa rin ako sa doorknob. I am still inside the room. Nakabukas nga lang ang pinto.

“I am sorry for what I have said earlier. I was just—”

Agad akong malakas na humalakhak cutting him off for what he was trying to say. Ayaw ko na ring marinig ulit ang nakakahiyang pangyayari na iyon.

“Naku! Ayos lang po iyon, sir! Huwag na po nating pag usapan.” Ngayon ay pilit na ang naging tawa ko. Ang trying hard ko na!

“Akala ko kasi galit ka kaya ka umalis.”

“Hindi! Nag toothbrush lang po.”

Natawa agad siya sa sagot ko. Nagawa niya pang ngumuso para lang mapigilan ang tawang iyon pero nagmumukha lang siyang tanga dahil pilit pa ring kumakawala ang kanyang ngisi.

“Sige na, Ms. Guttierez. Matulog ka na,” sabi niya at saka ako tinalikuran.

Pinanood ko lang siyang maglakad palayo sa akin.

“Good night, Sir Aldrin!” pahabol ko sa kanya.

Natigil siya sa paglalakad. Ilang sandali pa bago niya nagawang lumingon sa akin nang may ngiti sa labi.

“Good night, Kelsi. You sleep well,” malumanay ang boses na sabi niya. Para akong hinihele sa boses niya.

Nang talikuran niya akong muli ay nagmadali na agad siya sa pagsakay sa elevator. Naiwan akong nakanganga. Gulat na gulat ako dahil sa ngiti niya sa akin. And he calls me Kelsi again!

Shemay! Ang gwapo talaga ng Aldrin ko!

Isinara ko na ang pinto at saka ako nagdiretso sa higaan ko. Hindi ko na hinintay pa ang mga kaibigan ko at nauna na akong matulog. Excited na akong managinip sa Aldrin ko!

“Ako na lang kasi! Pwede mo naman siyang iwan! Kung ako talaga ang mahal mo, ako ang pipiliin mo!” pagmamakaawa ko sa kanya. Basang-basa na ang pisngi ko dahil sa mga luhang nakakalat dulot ng pag iyak. Hawak hawak ko ang mga kamay niya habang nakaluhod ako sa kanyang paanan. Ito na lang ang natatangi kong paraan para kaawaan niya ako.

“Kelsi, hindi nga kasi pwede. Hindi ko siya kayang saktan!”

“E paano naman ako? Ako, ayos lang na saktan mo?”

“Kasi hindi sapat ang pagmamahal ko sa iyo para magdesisyon akong iwan siya at piliin ka!”

And with that, he left. Umalis siya ng walang lingon-lingon. Ipinaramdam niya sa akin na hindi ako mahalaga. Na hindi niya ako mahal. Na hindi siya nagdadalawang isip sa desisyon na iwan ako.

“Aldrin!” I tried to call him just so he’ll come back to me. Pero kahit na alam kong narinig naman niya ako ay hindi niya pa rin ako nilingon.

“Aldrin!” Napabalikwas ako ng bangon. Humahangos ako na para bang ilang metro ang itinakbo ko. Naninikip rin ang dibdib ko at hanggang sa paggising ay bitbit ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking panaginip.

“Hoy! Anong nangyayari sa iyo? Patawag-tawag ka ng Aldrin d'yan! At saka bakit ka umiiyak? Inaway ka ba ni Sir Aldrin sa panaginip mo?”

Napatingin ako kay Chel at nakitang nasa vanity table na siya at kasalukuyang naglalagay ng day cream sa mukha.

“A-anong oras na?” tanong ko sa kanya. Hindi pa rin ako kumikilos. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko’t hindi pa ako nakaka-move on sa panaginip ko.

Anong klaseng panaginip ba iyon? Bakit sobrang sakit naman sa dibdib?

“Alas sais y media na po. Maligo ka na kung ayaw mong ma-late. Nauna nang bumaba ang magkapatid. Ang agang nagutom ni Chubby.

Ilang sandali pa bago nag sink in sa isip ko ang mga sinabi ni Chel. At nang nag sink in na nga ay agaran ang naging pagbangon ko kaya nauntog ang ulo ko sa ilalim na bahagi ng higaan ni Chel. Nakalimutan kong double deck nga pala ito. Napabalik tuloy ako sa pag upo at agad na ininda ang sakit ng ulo ko.

Hinarap ako ni Chel. “Okay ka lang?” kunot ang noong tanong niya.

“At saka, ano bang laman ng panaginip mo at panay ang iyak mo habang tinatawag si Sir Aldrin?”

Hindi ko siya pinansin. Tumayo na ako at nagdiretso na sa banyo para maligo.

“Mag kwento ka mamaya pagkatapos mo!” pahabol sa akin ni Chel.

Pero kahit na pagkatapos maligo at magbihis ay hindi ko pa rin ikinekwento sa kanya ang mga nangyari sa panaginip ko. Ayaw ko. Baka mas lalo lang niya akong asarin kay Aldrin. Oo at crush ko si Aldrin pero ayaw ko namang tuksuhin ako ng mga kaibigan ko at malaman niya na crush ko siya. Lalo pa at propesor namin siya. Baka maging awkward pa kami sa isa't-isa.

Kasalukuyan na kaming naghihintay na bumukas ang elevator nang nagsalita si Chel.

“Kelsi, ano nga palang nangyari kagabi? Siguro naman ito, gusto mong ikwento 'di ba?”

Kumunot ang noo ko.

“Anong anong nangyari kagabi?”

“Hinabol ka ni Sir Aldrin kagabi 'di ba? May nangyari ba?”

“Ano— Anong nangyari? W-wala! Walang nangyari!”

“Sus! Maang-maangan pa,” nakangising saad niya.

“Nakakaloko iyang pinapakita mong ngisi ah? Wala nga kasi sabing nangyari. Nag good night lang siya!”

Napangiti ako nang naalala na naman ang pagngiti niya at pagbanggit niya sa pangalan ko kagabi.

“Kilig ka naman?”

“Konti lang,” may ngiti pa rin sa labing tugon ko.

“Psh. Malandi!”

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now