Kabanata 28

107 0 0
                                    

“Seryoso ka ba sa mga pinagsasasabi mo d'yan, Ulan?”

“I already told you. Hindi ko gusto ang tawag mo sa akin.”

“Pero ako gusto ko,” mabilis kong tugon.

“Ako na lang gustuhin mo.”

Nahugot ko ang sarili kong hininga. Nilingon niya ako at agad na pinagtawanan.

“Tss . . .” Nag iwas ako ng tingin at hindi na siya muli pang kinausap.

Pagdating namin sa venue ay agad kaming sinalubong ng dalawang babae. Iginiya kami nito papunta sa ibang daan. Nakita ko pa kung gaano karami ang taong nasa hall at kumikinang ang mga kasuotan nila. Halata mong mayayaman ang mga imbitado sa party na ito.

Napatigil ako sa paglalakad nang napansing nakasunod din sa amin si Ulan.

“Bakit nandito ka rin?”

“Because I have to be beside you.”

“Why?”

He smirked. “Magulo na ba utak mo, Miss Guttierez?”

Kumunot ang noo ko. Paano niya nalamang naguguluhan na ako sa kanya?

“Don't worry the chaos will be gone soon.”

Napailing ako at agad na lamang bumalik sa paglalakad. Tumigil kami sa isang malaking pinto. Ilang sandali kaming nakatayo roon bago ito biglang bumukas.

Muling isinenyas ni Ulan ang braso niya kaya kumapit muli ako roon.

“And now . . . May I present to you. The heiress of the Guttierez Corporation together with her fiancee. Miss Kelsi Guttierez and Mr. Florence Moreno. A round of applause please.”

Agad akong napabitaw kay Ulan at natigilan sa paglalakad. Anong fiancee?

Mas lalong gumulo ang utak ko.

“Happy birthday and congratulations on your engagement.” Nilingon ko ang lalaking tumabi sa akin.

Kasalukuyan na akong nasa buffet table at katatapos lang mag ikot para ipakilala nina mommy at daddy sa mga kaibigan nila.

Nakita ko si Aldrin na malawak ang pagkakangiti sa akin. Bakit siya nandito? Narinig niya rin kaya ang announcement kanina?

Well, obviously. Binati na nga ako 'di ba?

“Ngayon pala ang totoo mong birthday,” dagdag pa niya.

Isa pa 'yan. Hindi ako makapaniwalang eksaktong birthday ko ang pagbabalik ko sa pamilya ng mga Guttierez. Hindi ba parang ang hirap paniwalaan ng mga pangyayari?

“Salamat,” maiksi kong tugon.

Hindi siya nagsalita. Nakita kong kumuha siya ng plato at naglagay ng pagkain. Pinagmasdan ko kung gaano karami at kaliit ang bawat lagay niya ng iba't-ibang klase ng pagkain sa plato niya. Iniabot niya sa akin ang platong may lamang pagkain pagkatapos. Agad ko 'yong tinanggap. Kumuha ulit siya ng plato at muling naglagay ng pagkain.

Gano'n na lamang ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa tuwang nararamdaman. Ang simpleng gesture niyang 'yon ay dagdag points sa akin. Mas lalo akong nahuhulog.

“Thanks,” sabi ko at kumuha ng isang piraso ng butterscotch. Isusubo ko na dapat 'yon nang natigilan din si Aldrin at napatingin sa akin.

“Stop . . .” aniya.

“Ha?”

“It's mine,” dagdag niyang nagpatigil sa ikot ng mundo ko.

“Ha?” naguguluhang sabi ko.

Ilang sandali lang ay unti-unting umangat ang gilid ng kanyang labi. He's starting to laugh.

Kumunot ang noo ko. Now, what's funny?

Oh no! Ayaw kong isipin dahil nakakahiya pero. . .

Huminto siya sa pagtawa pero naroroon pa rin ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

“Sige. Sa iyo na lang.”

Shocks! Hindi nga ito para sa akin.

“Hindi po para sa akin ang platong ito?”

“Sa iyo na nga lang,” nakangiti pa rin niyang sinabi.

Napapikit na lamang ako't napakagat sa sariling labi. Kung nanlalamon lang ang sahig na tinatapakan ko ngayon ay malamang kanina pa akong nagpalamon.

“Hey! What are you doing?” Napatingin ako kay Ulan nang narinig ko ang boses niya at ang ginawa niyang paniniko sa akin.

“Are you daydreaming or something?” muling tanong niya nang walang matanggap na tugon mula sa akin.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Ulan saka ko nilingon si Aldrin matapos kong marinig ang pagkilos nito paharap sa amin.

“Congratulations on your engagement,” pag uulit ni Aldrin sa kaninang sinabi niya sa akin. Ngayon ay kay Ulan naman niya ito sinabi sabay abot niya ng kamay kay Ulan na agad naman nitong tinanggap.

Kung titingnan ay parang hindi sila estudyante at guro. Para silang magkaedad lamang dahil na rin sa postura at taas ni Ulan. Kung tutuusin ay mas mataas pa nga ito kay Aldrin.

Hindi ko akalaing miyembro pala sa isa sa pinakamayamang angkan si Aldrin. Habang si Ulan naman na hanggang ngayo'y hindi ko mapaniwalaang pakakasalan ko ay tagapagmana rin ng isang malaking kompanya katulad ko.

Naipilig ko ang ulo ko habang nakatingin ako magkadaop nilang mga palad. Sa loob lamang ng ilang araw ay nagbago bigla ang buhay ko. Marami akong nalaman ukol sa pagkatao ko.

Isang linggo pa lamang ang nakakalipas mula nang pumasok ako bilang mag aaral ng Dewford Academy ay nasagot na agad ang ilan sa mga katanungang ilang taon ring gumugulo sa utak ko. Iyon nga lang ay may mga impormasyong dumagdag at bago na namang panggulo sa utak ko.

Nakamamangha! Tunay ngang napakamapaglaro ng tadhana at may tamang panahon para sa lahat ng bagay. You just have to wait and be patient on everything.

“You're too young to be engaged. Kelsi's just eighteen.”

Natuon muli ang atensyon ko kina Aldrin at Ulan.

“It's just an engagement. Maybe next year ay magpapakasal na kami. It depends. Besides, parang hindi mo naman alam ang kalakaran sa kapwa nating mayayaman,” nakangising tugon ni Ulan kay Aldrin na nagpakunot sa aking noo.

Ganito ba ang kalakaran ng mga mayayaman? Ang magpakasal sa kapwa lang din nila mayaman? Hindi ba nauuso sa kanila ang love?

At saka paano ni Ulan nagagawang sumagot at umakto ng ganito sa harap ng aming guro? Pero sabagay ay wala naman kami sa school.

“Kelsi, let's go. Hinahanap ka na nina tita at tito.”

Napapitlag ako nang naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Ulan sa aking likuran. Isang ngiti at tango ang ginawa ko kay Aldrin bago ako tuluyang nagpatianod kay Ulan sa kung saan ako nito dadalhin.

Hindi pa man kami nakakalayo ay naramdaman ko na ang unti-unting pagtindig ng mga balahibo ko. Unti-unting dumausdos ang palad ni Ulan mula sa pinakataas na bahagi ng likod ko pababa sa aking bewang. To think na ang suot kong mermaid dress ay backless. Mas lalo kong ramdam ang mainit nitong palad.

Magaling ngang pumili ng damit si Ulan. Talagang pinili niya 'yong damit na makakapangchansing siya.

“Ulan, hands off please. I'm not your wife and will never be,” matapang na sinabi ko at nauna nang naglakad palapit sa parents kong nakangiti kaming pinapanood.

Totoo ang sinabi ko. Hindi ako magpapakasal kay Ulan. Hindi ako kailanman magpapakasal sa lalaking hindi hawak ang puso ko.

***
S H I N Z A N Z O U

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now