Kabanata 37

98 0 0
                                    

Naiwan akong nakatulala pa rin sa pwesto niya kanina. Naikunot ko ang noo ko. Ako ba talaga si Kelsi?

Napahawak ako sa kwintas na suot ko. Tama ba talaga ang pamilyang inuwian ko? Doon ba talaga ako nararapat? Guttierez ba talaga ako?

“Hoy! Anong ginawa sa 'yo ni Sidney ha?” si Chel na bigla na lang sumilip sa mukha ko.

“Ayos ka lang ba, Kelsi?” si Chubby.

“Hindi talaga mapapagkatiwalaan ang magandang mukha no'n!” si Curly.

Isa-isa ko silang tiningnan. Si Chubby ay magkaiba man sa maraming bagay maging sa appearance ay may mga aspeto namang masasabi mo pa rin magkapatid sila.

I bit my lower lip. “Sabihin niyo nga sa akin, magkamukha ba kami ni Sidney?”

Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkagulat, nagtataka kung bakit gano'n na lang ang naging tanong ko.

“Bakit mo naman naitanong 'yan?” ani Chel na nag iwas ng tingin sa akin.

“Hindi no!” si Curly.

“Mas maganda ka do'n,” si Chubby.

“Bakit, Kelsi?” muling tanong ni Chel.

Ilang sandali pa akong nakatingin sa kanila bago ako umiling at ngumiti.

“Wala naman. Naitanong ko lang.”

Tumalikod na ako sa kanila. Para sana pumasok na sa loob pero agad akong pinigilan ni Chel.

“May tinatago ka ba?” seryoso niyang tanong.

Her eyebrows furrowed. Her eyes says I'm hiding something. Madali lang ba akong basahin?

Agad akong umiling. “Wala!”

Nanliit ang mga mata niya. Kinabahan ako.

“Nagtapat na ba sa 'yo si Florence? Sinabi ba niyang mas maganda ka kay Sidney kaya ikaw ang pinili niya?”

Napasinghap ako. Saan naman nakukuha ni Chel 'yong mga pinagsasasabi niya? Though, tama siya doon sa part na nagtapat na nga sa akin si Florence. Pero hindi naman siguro dahil mas maganda ako kay Sidney. Ang ganda ganda kaya no'n. Anong panaman ko do'n?

“Ano? Tama ako no?”

“Hindi! Kung ano-anong naiisip mo, e! Balik na nga tayo. Tapos na kayong kumain?”

“Hindi pa. Sinundan namin kayo, e. Nag aalala kami sa 'yo.”

Natawa ako.

“Bakit naman kayo nag aalala sa akin? Ano ba kayo? Kaya ko na ang sarili ko no! Kahit na sampung beses pa akong sampalin ni Sidney, kayang-kaya ko siya!” mahabang litanya ko na agad namang tinawanan ng mga kaibigan ko.

Bumalik kami sa loob. Ang mga kaibigan ko'y nagdiretso na sa pagbalik sa lamesa habang ako'y um-order pa ng pagkain ko. Pagkadating ko sa lamesa ay wala na sina Sir Tairon, Sidney, at si Aldrin.

“Bad mood ba si Sir Aldrin? Hindi man lang talaga tayo kinausap no?” sabi ni Curly na agad kong ipinagtaka.

“Bakit? Anong meron kay Sir Aldrin?” tanong ko.

“Kanina kasi mula no'ng dumating siya hanggang sa umalis ay hindi talaga niya kami kinausap,” si Chel.

“Yeah. Bumubuka lang yata bibig niya sa tuwing sumusubo,” si Chubby.

“Hindi ba parang ang weird? Himala no!” si Curly.

Bakit naman kaya siya gano'n? Kanina naman habang kasama ko siya ay nagsasalita naman siya.

“Ano na naman kayang iniisip nitong si Kelsi at natahimik na naman,” rinig kong sabi ni Curly.

Napatingin ako sa kanila at sasagot na sana nang mula sa bukana ng dormitory ay umalingawngaw ang boses ni Ulan.

“Future wife!”

Napayuko ako. Lintek! One man one word ah? Minsan lang magsalita? Pero ano 'tong ginagawa niya? Nakakahiya!

“Ano ba, Ulan?!” mahinang bulyaw ko sa kanya nang nakalapit siya sa amin.

“Future wife, bakit kumakain ka na? Hindi mo man lang ako hinintay,” nakangusong sabi ni Ulan bago naupo sa tabi ko.

“Ah, Kelsi... Aalis na pala kami,” pagpapaalam ni Curly.

“Oo. Tapos na kaming kumain,” si Chel.

“Hintayin ka na lang namin sa room ah?” si Chubby.

“Teka—” pagsubok kong pigilan sila pero hindi talaga nagpapigil. Napanguso na lamang ako.

“Bakit ba kasi nandito ka na naman?” sabay lingon ko kay Ulan.

Kung kanina'y abot hanggang tainga ang ngiti ni Ulan. Ngayon ay dahan-dahan na itong nawala. Sumeryoso na ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

“Ulan, please tigilan mo na ako.”

He didn't utter any single word. Bagkus ay nagsimula siyang sumubo ng pagkain.

“Wala akong choice, Kelsi.”

“Kung iniisip mong wala kang choice dahil nakasaad 'yon sa last will and testament ng lolo mo. Pwes, ako ang maghahanap ng choice para sa 'yo!”

Naibaba niya ang hawak niyang kutsara at tinidor saka niya muling naitutok ang paningin sa akin.

“Akala mo ba madali lang?”

Nanatili akong tahimik at nakatingin lang sa mga mata niya.

“Kung sana hindi ka nagpakilalang muli sa pamilya ng mga Guttierez. Hindi mangyayari 'to.”

“Hanggang kailan mo ako sisisihin sa bagay na 'yan, Ulan?”

“No'ng araw na tumuntong ka sa bahay ng mga Guttierez, iyon na din ang simula ng lahat, Kelsi.”

Hindi ko maintindihan ang mga huling sinabi sa akin ni Ulan. Maging sa pagtulog ay nahihirapan ako kakaisip do'n sa mga sinabi niyang ang pagbabalik ko ang simula ng lahat. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan.

“Guys, gising pa kayo?” Narinig kong nagsalita si Chubby.

“Ako, gising pa,” tugon ko.

“Kelsi, gising ka pa?” paniniguro niya pa. Akala siguro nag s-sleep talk ako.

“Oo nga, bakit?”

“Labas tayo? Samahan mo akong kumain sa cafeteria.”

“Gutom ka na naman ba, Chubby? Alas diyes na ah!”

“Sige na, please!”

Bumaba kami ni Chubby sa cafeteria ng dormitory. Naupo ako sa lamesang lagi naming inuupuan at doon hinintay si Chubby na umu-order pa ng pagkain namin.

“No'ng araw na tumuntong ka sa bahay ng mga Guttierez, iyon na din ang simula ng lahat, Kelsi.”

Aish! Nagulo ko ang sarili kong buhok nang sumaging muli sa utak ko 'yong sinabi ni Ulan. Ano ba kasing simula 'yong sinasabi niya? Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin kung ano 'yon? Nang sa gano'n ay makapaghanda ako.

“Anong iniisip mo?”

Nag angat ako ng tingin kay Chubby.

“Chubby...”

“Oh, bakit? Anong problema?”

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya'y naghihintay ng sagot mula sa akin. Ngumuso ako, naipikit ang mga mata at yumuko.

Gulong gulo na ang isip ko at gusto kong may makausap tungkol sa bagay na 'yon. Pero paano ko naman 'yon sasabihin kay Chubby? Tapos may DNA test pa na kailangan konh gawin bukas.

Pero hindi naman ako pumayag do'n kaya siguro hindi naman ako kukulitin ni Sidney tungkol doon.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon