Kabanata 2

257 5 0
                                    

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 2




Hindi ko naiwasan at talaga namang nanlaki ang mga mata ko matapos kong makita ang loob ng magiging kwarto namin sa dormitory. Sobrang laki at kasya yata ang hindi lalagpas sa sampung estudyante sa loob.

Inilagay ko sa gilid ng pintuan ang gamit ko, katabi ng mga gamit nila. Inabutan din naman agad ako ni Chel ng walis.

"Let's start," aniya sabay ngiti sa akin.

Ngumiti rin ako pabalik sa kanya saka ako nagsimulang magwalis. Walis dito, walis doon ang ginagawa namin ni Chel. Habang ang magkapatid naman na sina Curly at Chubby ay nagde-desinyo na ng dingding. Bumili pala sila ng mga pintura at iba pang art materials bago pumasok dito sa school. Naks! Prepared na prepared.

Natigil ako sa pagwawalis at tinitigan ang ginagawa nila. Gumuguhit sila ng mga bulaklak. May mga ulap rinvsa pinakaitaas at sa gitnang bahagi naman ng pader ay may malawak na karagatan.

“May talent pala kayo sa painting no? Bakit hindi kayo kumuha ng kursong may kinalaman sa arts?” tanong ko sa kanila.

Tumigil si Chubby sa pagpipinta saka ako nilingon. “Hobby lang namin ang painting, passion namin ang pagliliwaliw kay tourism ang kinuha namin,” paliwanag niya.

Hindi ko siya sinagot at muli kong pinanood ang ginagawa nila. Lalo pa't agad ring bumalik si Chubby sa pagpipinta.

“Ang gwapo talaga ni Sir Tairon no?” Out of the blue ay biglang nagsalita si Curly. Nakangiti at halatang kinikilig. Tumigil pa siya sa ginagawa at napatingin sa kawalan, mukhang nag i-imagine.

“Sinong Tairon?” tanong ko.

“Si Sir Tairon Lim. Iyong kuya ni Sidney Lim,” sagot sa akin ni Curly.

“Hmp! Hindi naman siya masyadong gwapo... Sakto lang,” singit ni Chel.

Namamanghang napalingon ang magkapatid kay Chel.

“Wow! Sa kinis niyang iyon, nakukulangan ka pa? Kung sabagay... Iyang mga mata mo kasi, exclusive for Diego lang,” sabi naman ni Chubby.

Napahagikgik si Chel.

“Naman! Hindi hamak na mas gwapo ang Diego ko kaysa kay Sir Tairon no!”

“Eh? Mas gwapo kaya si Sir Tairon!” pagpoprotesta ni Curly. Talagang ipinaglalaban niya ang Tairon niya. Natawa na lamang ako sa kanila. Pati maliliit na bagay, pinagtatalunan.

“Magsitigil na nga kayo. Parehas silang gwapo okay?” singit ni Chubby para lang maawat iyong dalawa.

Bumalik kaming apat sa ginagawa. Naging abala kami kaya hindi na namin nabalikan pa iyong topic namin kanina. Nang nag lunch ay lumabas lang sina Chel at Curly para bumili ng pagkain. Nalilibang kami sa pagde-desinyo sa room namin kaya talagang hindi namin namalayan ang pagtakbo ng oras.

Tatlong sunod-sunod na katok ang nagpalingon sa amin sa pintuan. Kasalukuyan akong nagde-desinyo sa vanity table na agad kong itinigil para pagbuksan ang kung sinumang kumakatok.

Bumungad sa akin ang isang maliit at payat na babae nang buksan ko ang pintuan.

“Oras na ng preparasyon para sa gaganaping welcome party,” aniya.

𝐖𝐒 #𝟏 : 𝐖𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐬𝐞 | COMPLETED Where stories live. Discover now