CHAPTER #110

4 0 0
                                    

Melanie's P.O.V

NANDITO kami ni Charmie sa byahe paluwas ng Manila. Ewan pero nakakaramdam ako ng kaba at hindi maipaliwanag na pag-aalala. Ewan. Kaya heto, nagpasiya na kaming sumunod sa kanila.

"Jusko po! Okay lang kaya sila?" Tanong ko kay Charmie.

"Te, wag OA. Alam mo kung may sakit ka sa puso. Baka inatake ka na" biro niya.

Woaaah! Ano ba ito? Masiyado na akong aligaga. Nag-aalala ako lalo na kay Dean. Naglilihi yun. Baka mamaya kung anu-anong hanapin nun, hindi naman maagapan agad ng mga bata. Waaah! Nakaka-panic.

Kung pwede ko lang sigawan ang driver ng bus na ito ng "BILISAN MO! PAG MAY NAKAING IBA SI DEAN, IKAW ANG SISISIHIN KO!"

Wengya! Spell OA, Melanie.

Mabilis na nagdaan ang mga sandali at sa wakas, nandito na kami sa terminal. Kaagad na nag-abang kami ng jeep na masasakyan at sakto namang may huminto agad. Punuan na sa likod at isa na lang ang kasiya kaya si Charmie ang pinasakay ko doon at ako ang sumakay sa harap.

Pagsakay ko, nagulantang pa ako kasi bata yung driver! Sa tantiya ko ay nasa 6 years old lang siya.

Pinaandar niya ang jeep at nakakamanghang napakagaling na niyang magmaneho.

"Jusko! Sobra na ang mga magulang ngayon. Ganito ba katamad ang magulang ng batang ito para siya ang paghanapbuhayin ng ganito?" Wala sa sariling sambit ko sa mahinang boses.

"Ate, may edad na po ako"

Nagulat ako nang sumagot sa akin yung bata. Nakakapagtaka kasi mahina lang naman yung sinabi ko. Nakaoapagtaka kung paano niya narinig yun gayong ang hina lang naman ng pagkakasabi ko nun.

"Huh? Hindi nga. Ang liit mo lang. Kung tutuusin mag-Nanay na tayo" sambit ko.

"Naku! May asawa na nga po ako eh" sabi niya. Natawa naman ako ng malakas.

"Hahaha! Tuli na ba 'yan?" Pang-aasar na tanong ko.

"Aba! Namemersonal ka ah! Gusto mong ilabas ko 'yan dito sa harap mo sabay pasok sa 'yo?" Sabi niya.

"Hoy! Bastos ka ah! Kabata-bata mo ganyan na ang lumalabas sa bibig mo!" Sabi naman ng isang babaing pasahero "Baka gusto mong tagpasin ko ulo mo!" Sabu pa nito.

Napatingin naman ako sa babaing pasahero na tila pamilyar sa akin lalo na yung binatilyong nasa kandungan nito.

"Naku! Nagbibiro lang po siya-"

"Kahit na! Masamang biro pa rin yun! Kabastusan yun" seryoso namang sambit ng babae na pinutol ang sasabihin ko.

"Ate Amaya, wag highblood. Parang ikaw yung binastos ah" sabi ng binatilyong kandlng niya.

Teka! Amaya? Parang siya yung mumtik nang makapaslang kay Dean noon ah!

"Sino ba namang hindi mag-iinit ang ulo sa sinabi ng batang ito? Hay naku!" Nakabusangot na sambit ng babae na tinawag nga g Amaya.

"Sorry, pasensiya na po" sabi naman ng batang driver at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ako din ay nanahimik na para matigil na ang away.

Mayamaya, naramdaman ko na may kumalabit sa likod ko. Pagtingon ko ay yung nagngangalang Amaya ang tumambad sa akin. Malapit lang kasi sa kinauupuan ko ang kinauupuan nila. Bale nasa likod ko lang sila.

"Nanganganib ang anak ng kauri kong aswang. May nagpaplano ng hindi maganda sa kaniya. May nagnanasa sa kaniya. Ipabatid mo agad ito kay Dean para mapaghandaan niya" sabi nito.

Huh? Nanganganib?

Teka! Si Zein ba ang tinutukoy niya?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Hindi mo kilala ang mga tao sa paligid. Madalas, mas halimaw pa sila kaysa aswang" sabi niya.

Lumunok ako ng sunod-sunod at bahagyang napakamot ng noo. Hindi ko siya maintindihan pero sa pagkakataong ito, mas tumindi ang oagsidhi ng kaba sa dibdib ko.

Jusko po! Bakit dumoble ang kaba ko?

Amaya naman! Ano ba kasong nais mong ipahiwatig? Iparating? Ninenerbyos ako sa 'yo eh.

* END OF CHAPTER 110 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant