CHAPTER #85

7 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

MAKALIPAS ang ilang oras na byahe, narating na din nila sa wakas ang bahay ng kamag-anak nila Melanie na nag-imbita sa kanila.

"Magandang araw" bati ni Melamie sa mga sumalubong sa kanila.

"Naku! Magandang araw din naman. Buti at pinaunlakan niyo ang imbitasiyon namin" sabi ng pinsan ni Melanie na si Rosemar na una ng bibinyagan.

"Naku! Matitiis ba namin kayo?" Sabi naman ni Charmie. Mayamaya ay napabaling ang asawa nito kina Dean.

"Oh, sino 'yang mga kasama ninyo?" Tanong naman ng lalaki.

"Ay! Ito nga po pala sila Dean, asawa ni Charmie at ito ang anak nila na si Zein. Ang ganda di ba? At ito naman si Edmun na---"

"Future husband ni Zein" pagsingit naman ni Edmun.

"Ikaw talaga" sabi naman ni Dean na natawa na lang kaya maging sila ay natawa na lang din.

"O siya, mag-almusal na kayo. Wag mahihiya, huh?" Sabi maman ni Rosemar "Yaya Maring, paghainan mo na ang mga bisita" sabi pa nito sa usang katulong.

"Naku! Kahit kami na lang ang maghahain" sabi naman ni Melanie.

"Ay! Hindi! Mga bisita kayo, eh" sabi naman ni Rosemar. Mayamaya nama.

Mayamaya naman ay dumating na si Yaya Maring at nakangiting inilapag ang tray na naglalaman ng almusal.

"Ayan pa lang ang naluluto namin kasi the rest, niluluto pa" sabi naman ni Rosemar.

"Sus! Ayos lang" sabi naman ni Melanie.

At nagsimula na nga silang mag-almusal maliban kina Dean at Edmun. At siyempre, hindi mawawala ang kwentuhan at tawanan. Pinsang buo kasi si Rosemar ng magkakapatid kaya ganito sila kalalapit sa isa't isa.

"Aba! Buntis ka na naman, huh?" Sabi ni Rosemar nang sabihin ni Charmie na nagdadalantao na nama ito para sa kanilang pangalawang anak.

"Oo nga po, eh. Tsaka deoende naman oo sa gusto ni Dean kung ilan" sabi naman ni Charmie.

"Tama na yung dalawa" sabat naman ni Dean.

"Ngapala, bat hindi kayo kumain?" Sabi naman ng asawa ni Rosemar na si Mattin.

"Hindi na. Salamat, busog pa kami" sabi naman ni Dean.

"Ang haba ng binyahe niyo" sabi naman ni Rosemar. Magsasalita na sana sila nang makadinig sila ng itak na nagkikiskisan. Kasi magkakatay ng baboy para at kasalukuyang inihahanda na ang gagamiting kutsilyo at tila nakaugalian na iyon.

"Aaaah!" Sigaw ni Dean na bigla na lang napatakip sa tainga nang marinig ang nakakairitang ingay na iyon.

* END OF CHAPTER #85 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now