CHAPTER #28:NAPKIN ISSUE - Part #5

12 0 0
                                    

Third Person's P.O.V

NAPAATRAS nga ang lahat sa gulat, higit lalo ang tatlo dahil sa biglaang pag-iibang anyo ni Dean bilang isang mapanganib na aswang. Maging ang magkakaibigang Amaya, Edward, Buchoy at Archie ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

Aakma na sana si Dean nang mabilis na kumilos si Amaya at pumagitan sa daraanan nito upang makaatake sa tatlo.

"Binibini, umalis ka diyan at baka madamay ka!" Pagbabanta ni Dean sa dalaga na lingid sa kaalaman nito'y isa ring aswang.

"Huwag mong galawin ang tatlong iyan!" Seryosong sabi ng dalaga.

"Huwag kong galawin? Nanahimik ako, hindi ako pumatol! Pero ngayon, nananakit na sila!" Pasigaw at galit namang sabi ni Dean "At sino ka ba?! Tabi diyan!" Sabi pa nito at buong lakas na tinabig ang dalaga kaya nahawi ito ng hindi oras ang dalaga na nasaksihan naman ng ibang kasama nito.

"Hoy! Aswang na ipinaglihi sa balbon! Baka gusto mong makatikim ng kapangyarihan ni Ate Amaya" tila nang-aasar pang sabi ni Buchoy na narinig naman ni Dean.

"Nais mo bang unahin kita?!" Sabi  naman ni Dean na masama ang tingin dito.

"Hehe! Kung magawa mo" nang-aasar namang sabi nito.

"Aba!!!" Sabi ni Dean at sa inis niya ay mabilis na lumapit siya kay Buchoy at sa isang iglap ay hawak na niya ito.

"Dean! Wag 'yang bata! P-pumasok na tayo, pakiusap" sabi naman ni Melanie pero tila binalot ng galit si Dean sa mga oras na iyon.

"Bitawan mo siya" sabi ni Amaya na sa isang iglap ay kaharap na niya.

"Bibitawan ko itong kasama mo kung hindi mo ako papakialaman sa gagawin ko sa tatlong iyon!" Galit na sabi ni Dean.

"Wala kang makakain kahit isa man sa mga tagarito! Kung kinakailangan kitang labanan, gagawin ko para lang maligtas sa 'yo ang lugar na ito" seryosong sabi naman ng dalaga.

"Wala ka kasing alam! Bakit ka ba nangingialam?!" Sabi niya.

Akmang gigilitan na niya sa leeg si Buchoy nang makatikim siya ng suntok mula sa dalaga.

"Aaaah!" Daing niya at sa sobrang sakit ay nabitawan niya si Buchoy.

"Bleeeh! Buti nga!" Sabi nito na dumila pa kay Dean.

"Hay naku! Kahit kailan talaga. Hindi na natutong magseryoso" bong na lang ni Edward sa sarili habang pinakikiramdaman ang mga posible pang mangyari.

* END OF CHAPTER #28 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now