CHAPTER #19:ANG MAGKABABARYO

14 0 0
                                    

"ANO bang napanaginipan mo?"

Iyan ang tanong ni Charmie nang medyo kalmado na ang kaniyang mister. Nagising kasi ito mula sa masamang panaginip at sa kasalukuyan nga ay yakap-yakap niya ito.

"S-sinunog daw ang katawan ng Inay ko at parang totoong totoo" sagot naman nito.

"Naku! Baka naman hindi. Baka inilibing ng maayos ang Inay mo, Mahal" sabi niya para pakalmahin ito.

"Sana nga dahil oras lang na may nalaman ako, humanda sila" sabi nito. Siya naman ay hinagod lamang ang likod nito.

"Shhh... Hindi 'yan, huh? Panaginip lang lahat 'yon" sabi niya na kino-comfort ito.

Samantala, ramdam naman ni Dean na tila may isang parte sa kaniya na nagtutulak sa kanilang baryo na nakalokasiyon lamang sa Quezon Province. May parte sa kaniya na tila may nais akamin.

"M-Mahal, gusto kong balikan ang baryo namin" tila wala sa sariling sambit niya.

"Huh? Bakit?" Tanong nito.

"Uhmmmp... B-bakasiyon. Oo, bakasiyon. Tahimik kasi doon, eh at tsaka wala pa namang pasok sa paaralan" sabi niya pero ang totoo ay higit pa sa bakasiyon ang nais niyang balikan doon.

"Sige, magpapaalam tayo kay Ate Melanie" sabi naman nito habang yakap-yakap pa rin siya.

Nang kalmado na talaga si Dean ay lumabas na sila ng kwarto. At nadatnan nila si Melanie na kakatapos lamang gumawa ng marienda para sa kanilang lahat.

"Oh, marienda na" sabi nito.

"Wow! Pancake" sabi naman ni Dean at kumuha agad tsaka kinain na tila normal lang.

"Masarap?" Tanong nito sa kaniya.

"Hmmm... Opo! Ito na yata gusto ko" sabi niya kaya nagkatinginan sila. At doon lang sumagi sa isipan nila na patungo na sa ikalawang buwan ang pagdadalantao ni Charnie kaya tila nag-iba ang cravings nito.

"Ngapala, sama ba kayo sa akin?" Biglang tanong ni Melanie.

"Po?" Sabay-sabay na tanong nila.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong naman ni Diane.

"Sa Quezon Province, doon sa Baryo Kasoy" tugon naman ni Melanie.

'Baryo Kasoy?'

Tanong ni Dean sa kaniyang isipan sapagkat ang baryong iyon na binanggit ni Melanie ay ang baryo kung saan sila lumaki at nagkaisip.

"Tahimik doon at tiyak na ma-re-relax kayo" nakangiting sabi nito.

"Sige po ba! Para naman malayo tayo sa toxic environment kahit papaano" sabi naman ni Irina. Si Dean naman ay tahimik lang, lihim na nakangiti.

'Umaayon yata ang panahon sa akin. Tila ba may dapat takaga akong makumpirma doon'

Iyan na lang ang nasabi niya sa kaniyang isipan lalo na at nalaman pa niya na magkababaryo pa sila ni Melanie

* END OF CHAPTER #19 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now