CHAPTER #96

9 1 0
                                    

Zein's P.O.V

"GOOD morning, Mr. De Guzman"

Iyan ang sabay-sabay na bati ng lahat. Bagama't kabado ay nakipagsabayan na din kami bilang respeto na din doon sa nasa harapan.

"Okay, before I inttoduce myself---"

Natigilan sa pagsasalita si Mr. De Guzman nang bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad ang dalawang binatilyo na pamilyar sa amin.

What? Nick and Patrick?

"Good morning---"

"MGA BASTOS!" Sigaw nito na halos magpayanig ng tainga namin. What? Anong bastos naman ang ginawa nila? E mas bastos nga ang ginawa niya doon sa lalaking estudyante kanina, eh "LEARN TO KNOCK BEFORE YOU OPEN IT!" Sabi pa niya.

"S-sorry po, mga newbies lang po" naiiling na sabi ni Nck.

"FINE! PAPALAGPASIN KO 'TO NGAYONG FIRST DAY. PERO ONCE NA INULIT NIYO 'YON, YOU HAVE A PUNISHMENT. SEAT DOWN!" Pasigaw na sabi nito. At dahil bakamte pa ang mga upuan sa likod ay naupo sila doon.

"Okay, introduce yourself. Simulan natin sa 'yo" sabi ni Mr. De Guzman tapos tinuro si Edmun. Walang takot namang tumayo si Edmun at nagtungo sa harapan.

"Good morning, Sir and good morning, new classmates. My name is Edmun Ortega, 15 years old ftom Dasmarinias Cavite --- na nag-iiwan ng isang katagang kahit na among pagsubok, kaya kong harapin, makuha lang ang matamis mong Oo. And I, thank you!" Sabi niya at nag-bow pa ang loko.

"Wow! Ang tapang!"

"Nagawa pa ngang mangbiro"

"Naku! Matic, madadala 'yan sa liwanag"

Iyan ang usap-usapan nila na nagpatigil kay Edmun na dapat ay pabalik sa upuan niya.

"Huh? Sinong magdadala sa akin sa liwanag?" Tila maamgas na tanong niya.

"Si Mr. De Guzman, kaya ka niyang dalhin sa liwanag" sabi naman ng isang kaklase namin na tatawa-tawa pa.

"Ganu'n ba? Okay! Mr. De Guzman, dalhin mo nga ako sa liwanag. O baka nga sa langit. Fly me to the sky" sabi naman ni Edmun na natatawa pa.

"Tsk... Maupo ka na! Baka nga mailipad kita sa langit, Mr. Ortega!" Medyo pasigaw namang turan ni Mr. De Guzman habang nakataas pa ang dalawang kilay nito.

Tatawa-tawa namang naupo si Edmun sa tabi ko. Pabiro ko pa siyang hinampas.

"Ikaw talaga. Hanggamg dito dala-dala mo ang kalokohan mo" sabi ko sa mahinang boses.

"Masiyado kasing seryoso ang atmosphere dito. Psh" sabi niya.

"You!" Sabi ni Mr. De Guzman sabay tinuro ako. Kaagad na tumayo ako sa harap at talagang kabado ako lalo at private school pa 'tong pinasukan namin tapos Immortal School pa!

"H-hi, my name is Zein Verano, 15 years old from Dasmarinias Cavite" maikling pakilala ko.

"That's it?" Seryosong tanong niya. Tumango lang ako at bumalik nang muli aa pwesto ko.

"Zein, OMG! Magkaklase pala tayo?" Sabi ni Patrick na nasa likod lang namin.

"Naks! Mas lalong gumanda, ah!" Sabi naman ni Nick.

"Hay naku! Mamaya na 'yan. Focus muna tayo kay Sir" pabulong na sabi ni Lovely.

At mayamaya nga ay si Lovely ma ang tinawag at gaya ko ay nagpakilala din ito ng sarili at maging si Maymay, ganu'n din ang ginawa. Hindi na sila nag-iwan pa ng mga kataga gaya ng ginawa ko.

"Napaka-shytype niyo pa rin" sabi ni Nick.

"E sa wala kaming maisip, eh" sabi naman ni Lovely.

"You" sabi ni Mr. De Guzman sabay turo kay Nick.

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now