CHAPTER #99

7 0 0
                                    

Zein's P.O.V

HINDI rin nagtagal ay nagkamalay na si Patrick. Ang sabi, pwede na daw siyang ilabas. Isa na lang ang hinihintay namin at walang iba kundi si Edmun.

"Nasaan na ba kasi ang loko?" Nasabi ni Nick.

"Gagi! Baka tinorture na yun" sabi naman ni Lovely. Dahil sa pag-aalala ay napatayo na ako.

"Saan ka pupunta, Zein?" Tanong naman ni Nick.

"Susundan ko si Edmun. Baka kung anong mangyari du'n" sabi ko. Maglalakad na sana ako nang makita ko ang isang lalaki na tumatakbo. Hingal na hingal ito pagpasok.

Speaking of him...

"Shit! Anong nangyari sa 'uo? Hingal na hingal ka! May humahabil ba sa 'yo?" Tanong lo.

"Ano? Tinorture ka ba nila?" Tanong baman ni Lovely.

"Oo nga, ano?" Tanong naman ni Patrick na may malay na ngayon. Hindi siya sumagot. Basta tulala lang siya at hingal na hingal. Pero ako, ramdam ko ang sonrang init na nagmumula sa kaniya.

"Edmun! Hoy! Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko.

"O-Oo, okay lang" sagot niya.

"Mukhang hindi, eh" sabi ko naman. Mayamaya, napahawak siya sa bandang ulo niya...

"Aaaah!" Sigaw niya.

"Edmun!" Sigawan namin dahil sa pag-aalala.

"Aray! Masakit!" Sabi niya at mas lalong dumiin ang pagkakahawak niya doon.

"Ihiga niyo siya" sabi naman ng nurse na ginawa agad namin. Diyos ko po! Anong nangyayari sa kaniya?

"Nurse, anong nangyayari sa kaniya?" Tanong ko na puno ng pag-aalala.

"May isang instinct siyang hindi nagawa kaya ganito" sagot naman ng Nurse "Nagdedelihityo siya" sabi pa nito. Ano? Nagdedelihiryo.

"Z-Zein" sabi niya sa nanghihinang boses. Diyos ko po! Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang tao.

"Pa, sagutin mo"

***

Dean's P.O.V

BUMABYAHE ako ngayon patumgo sa school kung saan nag-aaral sila Zein. Dala ko ang mga gamit nila kasi nakatanggap ako ng text mula sa M.U na need pala nilang mag-dorm. Malayo kasi ang M.U sa Maynila. May punto din naman. Kaysa naman magbyahe pa sila ng malayo, mag-dorm na lang sila.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay nag-ring ang cellphone ko af pagtingin ko sa screen, pangalan ni Zein ang nakarehistro kaya sinagot ko.

"Hello" sabi ko.

"Pa! Buti sumagot ka" sabi ng nasa kabilang linya at tila nag-pa-panic ang boses niya.

"Nak, bakit? Kumusta naman ang unang araw niyo?" Tanong ko "Papinta ako diyan. Katatanggap ko lang kasi ng text message na kailangan niyong mag-dormitory" sabi ko pa.

"Buti naman. Bilisan mo, Pa! S-si Edmun" sabi niya na ipinagtaka ko

"A-anong nangyari?" Tanong ko.

"Mamaya na lang natin pag-usapan. Basta bilisan mo po" sabi niya.

"Okay, sige. Ibababa ko na ang tawag, huh?" Sabi ko at ibinaba na ang tawag habamg nagmamaneho.

Shit! Bakit kinakabahan ako? Anong nangyari kay Edmun? Anong nangyari sa kanila? Kailangan kong bilisan. Baka kung ano na ang nangyayari sa kanila.

* END OF CHAPTER #99 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now