CHAPTER #94

8 0 0
                                    

Zein's P.O.V

HINDI nagtagal ay tumunog na din ang bell. Sa pagtunog nito ay napansin ko na nagtatakbuhan ang lahat at tila kaniya-kaniya na ng pasok sa mga silid.

"Bakit ganu'n? Bakit tila may kimatatakutan sila?" Tanong ni Edmun "Parang may something dito" sabi pa niya.

"Teka! Sila Lovely? Nasaan na?" Nasabi ko. Hayst! Nasaan na ba ang mga pasaway?

"Zein"

Napalingon kami sa nagsalita at sina Maymay at Lovely ang agad na nalingunan namim.

"Saan ba kayo galing? Tayo na at pumasok" seryosong sabi ko at sanay-sabay kaming naglakad habang naghahanap kung nasaan nga ba ang section namin.

"Sana naman magkaklase tayo para walang aalalahanin" sabi ni Edmun.

"I hope, so. Kasi mukhang nakakatakot dito sa napasukan natin, eh" sabi ko naman.

"Newbies?"

Natigilan kami nang bigla na lang ay may isang lalaki ang sumulpot sa harapan namin.

"Teka! Ikaw yung kanina di ba?" Sabi naman ni Maymay.

"Oo, ako nga. Bakit hindi pa kauo pumapasok? Lagot kayo kapag inabutan niya kayo" sabi niya at tila kabado ang mukha niya. Huh? Bakit? Bakit siya kinakabahan?

"Uhmmm... Hindi pa kasi namin mahanap yung section namin. Clueless pa kami" sagot ko naman.

"Ganu'n ba? Sige, tutulungan ko na kayo na maghanap sa pangalan niyo" sabi niya.

At naglakad na nga kami. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay nakaramdam ako ng mabigat na presensiya. Mainit din sa pakiramdam. Naramdaman ko na hinawakan ni Edmun ang kamay ko.

"Nararamdaman mo din ba, Zein?" Tanong nito sa mahinang boses. Umiling lang ako.

"Patay! Kailangan ko kayong itago" sabi naman ng kasama naming lalaki at nagpalimga-linga "Doon!" Sabi pa niya at hinila niya kami papasok sa isang silid at doon nagtago.

Magsasalita sana ako para magtanong para magtanong pero sinenyasan kami nito na huwag maingay.

"Sa ilalim tayo ng mesa" bulong niya at agad naman kaming sumunod kahit clueless kami sa nangyayari.

Jusko po! Bakit kami nagtatago? At bakit natataranta siya? Sino ba ang pinagtataguan namin?

Mayanaya ay marahas na bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking solido ang katawan. Para bang wrestler siya. Mahaba din ang wavy hair niya.

"Aaaah!"

Halos mag-slowmotion ang paningin ko nang makita kong tinulak niya ang isang estudyanteng lalaki.

"Akala mo ba hindi ko nakita ang ginawa no kay Zabrina kanina, huh? Gusto mong makakita ng liwanag?" Tanong nito doon sa lalaking estudyante.

"Pakiusap po, Mr. De Guzman. Wwg po! Ayoko po!" Sabi ng lalaki na nagmamakaawa at tila takot na takot sa naturang lalaki. Sa palagay lo, kilabot siya ng lugar na ito.

"Walang pakiusap pakiusap sa akin! Magubad ka!" Tila matigas na utos nito.

"Ayaw! Ayoko po!" Sabi naman ng lalaki "Nagmamakaawa po ako" sabi pa nito.

"Ano? Maghubad ka o ako mismo ang manghuhubad sa 'yo?" Sabi niya. What the heck did he say? Panghaharas na ang ginagawa niya!

Gagalaw na eana ako pero pinigilan ako ng lalaking kasama namin.

"Miss, kung naia mo mang tulungan ang lalaking iyon, huwag na huwag mong gagawin. Baka maging isa ka sa mga biktima niya" bulong nito sa tainga ko. Isang bulong na nagbigay sa akin ng katanungan....

Sino ba talaga si Mr. De Guzman? Bakit tila nakakatakot ang presensiya niya?

Jusko! Unang araw pa lang pero tila takot ang sumalubong sa akin.

* END OF CHAPTER #94 *

DEAN SERIES 2:ASWANG SI PAPA!!!Where stories live. Discover now